Wednesday, February 3, 2010
The Only Secret (Sirit Ka?!)
View Comments
Posted by
NoBenta
at
10:12 PM
Labels: b'log ang mundo, OFW, positive outlook, the secret
Tuesday, February 2, 2010
Alisbayan Box
View CommentsMatapos mong makapag-uwi ng mga isang truck ng Balikbayan Boxes, makapagbakasyon, at makipag-bonding sa pamilya't mga mahal sa buhay, babalik at babalik ka pa rin sa bansang pinapasukan mo. Sa hirap ba naman ng buhay sa Pilipinas, kahit lindulin kayo at pasabugan ng mga scud missiles ay gugustuhin mong mamatay ng busog ang pamilya mo!
Sa pagbalik mo sa ibang-bansa, ikaw naman ang magdadala ng mga pabaon ng iyong pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan. Siyempre, tuwang-tuwa ka naman at mapupuno mo ang iyong ALISBAYAN BOX!!
Marami naman talagang mabibiling Pinoy foods sa ibang bansa kaso mahal kumain ng imported na sariling-atin! Kaya heto ang listahan ng mga gusto kong mabitbit kung babalik pa man ako dito sa Saudi:
1. chocnut
2. balut
3. itlog na maalat
4. hopia
5. marty's vegetarian chicharon
6. boy bawang
7. tokwa
8. skyflakes
9. lucky me pancit canton
10. butong-pakwan
11. pulvoron ng goldilocks
12. v-cut
13. chippy
14. nachos
15. clover chips
16. alamang
17. bagoong isda
18. dahon ng sili
19. tuyo
20. tinapa
Posted by
NoBenta
at
10:44 PM
Labels: alisbayan box, b'log ang mundo, balikbayan box, pasalubong
Sunday, January 31, 2010
Levels of HBO
View Comments
Posted by
NoBenta
at
5:47 PM
Labels: anghit, b'log ang mundo, baktol, body odor, kilikili power, OFW, putok
Friday, January 29, 2010
Ü lol
View CommentsMinsang nakipag-chat ako sa utol kong si Pot na OFW rin, biglang sumingit ang kumpare kong si Marlo. Sino daw ang kausap ko eh tulog na ang lahat ng tao sa Pilipinas? Weird ba? Hindi siguro. Naging libangan na ng mga kababayan natin ang pagsali sa mga chatrooms sa net. Kaya hindi ko masisisi ang kaibigan ko kung pagdudahan niya akong may ka-chat na iba.
Ang internet ay naimbento noong panahon ng giyera. Nang maging commercialized, nagsulputan ang mga chatrooms. Ang aim nito ay magkaroon ng social networking kahit na nasa loob ka lang ng bahay. Parang hi-tech version lang ito ng phone at pen pal. Yun nga lang, inabuso ng tao kaya naging wild.
Kapag bagito ka, magugulat ka sa "asl?". Ano ito, "asal"? Paano kung dinagdagan pa ng letter "n"? "Nasal"? Lintek, parang text message. Kaya nabobobo tayo eh. Kahit na tumataas ang level ng technology, bumababa ang grammar, composition, at vocabulary! "LOL" - akala ko ay minura ako minsan kaya sinagot ko rin ng "ulol ka rin!". Napapagalitan ko nga mga kapatid ko kapag parang text ang message sa chat dahil kumpleto naman ang letters ng keyboard. Walang dahilan para i-shortcut ang spelling.
Tulad ng mga sinaunang forms ng communication (pagsulat at pagtawag sa phone), ang chatrooms ay ang lugar sa cyberspace kung saan namumugad ang sangkatutak na kasinungalingan. Karamihan naman dito ay naglolokohan. Kahit ako, puwede kong sabihin na kamukha ko si Piolo. Pag nanghingi ng picture, eh di mag-send ka ng photo ng mga nasa FB ng ibang tao na kamukha ng artista. Kapag naghanap ng webcam, sabihin mo ay wala. Kapag tumawag naman, sagutin mo na dahil 'di naman makikita yung mukha mong walang katulad!
Hindi pa ba tayo nadadala sa katotohanan na hindi lahat ng maganda ang boses ay maganda rin?! May kakilala akong officemate dati na nakakapeke talaga ang voicebox. Baka himatayin ka pag nakita mo siya!
Dahilan ng iba ay gusto lang malibang kaya nakikipagchat. Wala akong pakialam kung makipagchat kayo sa ibang taong kinaaaliwan niyo. Kaso sana ay naiisip niyo ang kani-kaniyang pamilya niyo kapag nakikipaglokohan kayo sa iba.Okay lang kung pampalipas-oras lang talaga at hindi siniseryoso.
Ang sakit ko naman magsalita. Oo, para sa mga tatamaan. Hindi ako perpekto para maghusga pero pamilya natin ang dahilan kaya tayo nangibang-bayan.
Nakakalungkot lang na may mga kababayan tayo na lumalaki at humahaba ang listahan ng utang dahil sa kakapadala ng load at pakikipag-usap sa mga chatmates nila. Kung ginamit lang sana ang pakikipagchat sa pamilya para makatipid, sana ay mas malaki ang napapadala mong pera kada sahod.
gtg, bka bdtrip na kyo
Monday, January 18, 2010
Kumpare ni Ali Baba
View Comments"'Di maaaring ariin ang pag-aari ng nagmamay-ari" ~ Eraserheads
One week ago, ito ang shoutout ko sa FB. Kaninang umaga, nakausap ko ang misis ko na nanakawan daw kami.
Kabuwanan ngayon ng asawa ko kaya hindi na siya makapaglagi sa bahay namin na nasa second floor ang location. Dahil sa kambal ang dinadala niya, hirap na siyang humakbang sa mga baytang ng hagdanan. Napagpasyahan nalang namin na doon muna siya sa mga biyenan ko manirahan kasama ang kasambahay namin. In other words, mga house spirits lang ang nagbabantay ng tahanan namin. Bukod pa dito ang kapitbahay naming walang pakialam na siya ring may-ari ng mga paupahan.
Ibang klase talaga ang mga kawatan. Bantay-salakay. Walang kinakatakutan. Walang konsiderasyon. Walang puso. Walang isip. Walang kaluluwa.
Ang hirap ng sitwasyon nating mga nagtatrabaho dito sa ibang bansa at mababalitaan mong nilooban ang bahay niyo sa Pilipinas ng mga masasamang tao. Wala kang magawa. Mapapamura ka nalang ng malutong. Lahat ng galit sa dugo mo ay aakyat patungong utak mo. Parang gusto mong umuwi nalang sa Pilipinas dahil sa pag-aalala.
Dito sa Saudi, maku-culture shock ka. Kahit na mag-iwan ka ng gamit sa likuran ng pickup na sasakyan mo ay hindi mawawala. PUWEDE PALA 'YUN?! Siguro kung lahat ng tao sa Pilipinas ay Ex-Saudi, wala nang malilikot ang kamay.
Ang pagtawag ng "Ali Baba" sa iyo dito sa gitnang silangan ay katumbas ng tadyak ng tatlong daang camels sa pagkatao mo dahil magnanakaw lang naman ang ibig sabihin nito. Kaya mo bang sabihin sa asawa't anak mo na magnanakaw ka? Sana kasinlaki ng beach balls ang bayag mo para gawin iyon.
Kapit sa patalim. Buti nalang ay pareho kami ng asawa ko na 'di pinalaki ng mga magulang namin na okay lang magnakaw. Lalo't kung wala na talaga. At least naiintindihan namin na nangangailangan din ang yung taong iyon na kasama ni Ali Baba. Yun nga lang, 'di ko pa rin maisip na ipapakain niya sa pamilya niya yung pagkaing GSM (galing sa magnanakaw). Kung halang na talaga ang mga bituka nila ay talagang 'di na sasakit ang mga tiyan nila!
Ayon nga kay Pekto na sumikat sa "Wow Mali", "PLAK!" Pera lang ang katapat. Yun naman ang dahilan nila sa pagnanakaw. Pero mahirap man sabihin, MONEY IS NOTHING!! Buti nalang at wala sa bahay ang asawa ko nang pinasok kami. At least, bagay lang ang nawala. Kayang-kayang palitan.
Natuwa ako sa tinext ng misis ko -- naalala niya daw yung movie na "Richie Rich". Akala daw ng mga magnanakaw ay valuable ang makikita nila ang vault ng pamilya ay nagulat sila. Oo, valuable sa mag-anak pero junk para dun sa mga magnanakaw. Nagulat sila na mga bagay na may sentimental values ang nandoon. Parang sa home sweet home namin, mas malulungkot pa kami kung yung mga simple things na may kabuluhan ang natangay. Yun nga lang, mahalaga pa rin sa amin yung ibang alahas dahil yun ang ginamit ng labs ko sa kasal namin.
Sa mga magnanakaw na balang-araw ay tatamaan ng karma multiplied to the highest level, isang namamagang middle finger para sa inyo at malakas na "Ha Ha Ha!".
Posted by
NoBenta
at
1:34 AM
Labels: akyat-bahay, ali baba, b'log ang mundo, expat, global Pinoy, kawatan, magnanakaw, OFW, saudi
Friday, January 15, 2010
Uminom Ka Nalang ng Lason
View Comments
Posted by
NoBenta
at
9:27 PM
Labels: b'log ang mundo, brainwash, global Pinoy, lason, OFW, saudi
Monday, January 11, 2010
Best Frenemy
View CommentsSecond job ko ang pinasok ko dito sa Saudi. At sa higit anim na taon ko sa una kong trabaho, hindi ko maiwasang ikumpara ang mga taong nakasama at kasama ko ngayon. Sa Pilipinas, alam mo kaagad kung sino ang kaibigan at kung sino ang kaaway. Pero dito sa ibang bansa, hindi ka puwedeng basta magtiwala. Hindi mo alam kung friend o FRENEMY ang pinakikibagayan mo.
Mukhang bago sa pandinig, parang Friendster ang dating. Pero maniniwala ba kayo na as early as 1953, this word has appeared in print. Obviously, pinaghalong salita lang ito ng "friend" at "enemy". From the word itself magkakaroon ka ng idea na ang ibig sabihin nito ay mga taong nagpapanggap na kaibigan pero kaaway naman talaga. Pero puwede rin silang mga ka-group, ka-buddy, o ka-partner na part ng friendly competition.
Ngayon, paano mo malalaman kung sino ang frenemy mo, lalo na't puro kabayan mo ang pinagkakatiwalaan mo sa trabaho?! Wala namang mga Pinoy na magkakatalo kung pare-parehong nasa ibang bansa, 'di ba?
Yup, sasang-ayon ka kung magkakaharap tayong lahat. Pero ang nakakalungkot, mas parang ibang-lahi pa ang ibang Pinoy kapag nakatalikod na sa kababayan nila. Hanep kung ibagsak ang kapwa-Pilipino.
Sabi nila, first impression lasts. And it really does for me. Madali akong kutuban sa unang meet pa lang. Usually, ang mga unang pinapakita ng tao sa unang meet ay pakitang-tao lang. Dito tayo magaling kaya ang daming nababaitan sa atin. Tantsahin mo at pakiramdaman kung "plastik" ang dating. Mata pa lang, mahuhuli mo na ang tao. I-decipher mo na kaagad yung mga tanong na ibinabato niya, yung mga punch line niya sa biro sa'yo dahil iyon ang pagkatao niya.
Hindi lahat ng mabait ay mabuting tao at hindi lahat ng masama ay talagang masamang tao. Magaling ang mga frenemies dahil manipulative at adaptable sila sa lahat ng bagay. Ang dami niyang common interests with you, 'di ka ba nagtataka? Kaya konting ingat pa rin.
May mga taong obvious na nakikipagkumpitensiya sa iyo, at may mga tao namang simple lang kung bumira. Mag-ingat ka sa mga taong ka-grupo ang turing sa'yo. Consensus kung gumawa ng report. Brainstorming to the max. In the end, siya lang ang may pogi points sa puti niyong amo. Parang vacuum cleaner kung sumipsip ng information from you for their personal gain.
Kung may naispatan ka nang frenemy, try to evaluate and contrast. I am very sure na may best friend ka naman sa Pilipinas. O kung may asawa, mas ok. Ikumpara mo yung ugali ng frenemy mo sa tunay mong mga friendster sa buhay. Pag medyo malayo, mag-isip-isip ka na.
Kung 'di ka naman kuntento sa gut feel mo, makipagkuwentuhan ka sa ibang tao kapag coffee break. For sure, may magsasabi sa'yo ng tunay na ugali ng pinakikisamahan mo. Yun nga lang, mag-ingat ka rin na hindi niya kaaway yung kinakausap mo para hindi biased.
Ngayon, mag-isip ka na kung kaibigan mo ako. Sa tingin mo ba ay sinulat ko ito for your own good?
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
1:36 AM
Labels: b'log ang mundo, expat, frenemies, frenemy, global Pinoy, OFW
Sunday, January 10, 2010
Katas ng Saudi
View Comments
Posted by
NoBenta
at
10:44 AM
Labels: b'log ang mundo, dyip, expat, global Pinoy, jeep, jeepney, OFW, Pinoy, saudi, saudi life
Friday, January 8, 2010
The First Christmas Eve
View CommentsSeptember pa lang, ilang days matapos akong lumapag dito, tinatanong ko na yung mga datihan kung ano ang feeling ng nagpa-Pasko na 'di kasama ang mga mahal sa buhay. Top answer, "MALUNGKOT". Eh ano ba naman ang dapat kong i-expect na sagot, "masaya"? Stupid question ng first-timer na nagpipilit pasayahin yung sarili sa pinakamasayang okasyon sa Pinas.
Mag-focus nalang daw sa trabaho para hindi na maisip at hindi makaramdam ng homesick. Dahil sa opisina, bumilis ang araw at hindi ko na naramdaman na malapit na pala ang birthday ni Bro. Wala naman kasing mga Christmas trees sa loob ng flat. Wala namang mga Christmas lights at mga parol na patay-sinding nakasabit sa labas ng mga bahay. Kahit nga yung simpleng "MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR" na madalas na makikitang nakasabit sa salas ng mga tahanang Pinoy, ay 'di mo makikita. Mas naiisip ko pa kung kailan susuweldo ulit.
Misis ko lang ang nagpapaalala sa akin na lumalamig na ang December. Pinapaalala niya na nalulungkot siya dahil malapit na ang Pasko pero magkalayo kami.
Ilang beses ko nang narinig sa mga seniority na masuwerte pa daw kami ngayon. Parang alamat kung ikuwento sa akin, na napakahirap ng communication dati. Sa snail mail, aabot ng isang buwan sa sagutan kahit na special ang binayaran mo. Sa long distance call naman daw, parang pila ng 200million lotto jackpot ang titiisin bago makatawag.
December 24, busy ang lahat ng kabayan. Abala sa chat, abala sa email, at abala sa mobile. Wala na sa wisyong magtrabaho ang bawat isa. Mahirap na daw makakontak sa Pinas kapag malapit na ang Noche Buena. Bawat oras, naiisip mo kung ano na ang ginagawa ng pamilya mo sa Pilipinas. Yung mga nakagawian mong gawin tuwing bisperas.
Kuwentuhan ng mga kung ano ang handa para sa Noche Buena. Kung sino ang mga bisita. Saan ang party. Bawat kuwento, nag-iimagine ka nalang. Thirty years na akong nag-celebrate ng Pasko. Ngayong taon lang ang first time kong mag-isa.
Simple lang ang Christmas Eve dito. Konting kainan. Konting kuwentuhan. Konting batian. Tapos tulog na.
Buti nalang 'di ko na naabutan dito yung kuwento nila na isang Pepsi in can lang ang katapat ng Pasko!
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
11:42 PM
Labels: b'log ang mundo, christmas eve, global Pinoy, noche buena, OFW, Pinoy
Thursday, January 7, 2010
Kuwentong-Barbero
View CommentsNoong nag-aaral pa ako sa Uste, bad trip na tinanong ako ng professor ko nang pumasok ako sa klase na "skinhead" ang gupit.
Atty. Engr. De Alban: Mr. Quitiquit, ang daming taong nakakalbo na gustong magkabuhok. Ikaw na may buhok, nagpapakalbo! Bakit?!
Ako: Eh sir, ayaw akong papasukin sa gate dahil sa long hair ko!
Mga Klasmeyts: Acheche...
Siyet, parang eksena sa Bulagaan. Simpleng isyu sa buhok, pinapalaki!
Sabi nga ng Weedd sa kanta nila, "Ano'ng paki mo sa long hair ko?". Hindi naman natin masisisi ang bawa't isa dahil ito na ang nakalakihan nating mga Pinoy pagdating sa pagpapagupit.
"Bagong tasa ha.", "Uy, sino ang gumupit sa'yo?Buhay pa ba?", ang madalas na maririnig natin kapag bagong gupit tayo.
Kahit na nandito na ako sa Saudi, ganun pa rin ang batian ng mga kabayan everytime na may bagong gupit. Kaya nga kapag may kabayan na bumati sa ibang lahi na bagong tasa, nahihiwagaan sila. Kung marunong lang sila mag-Tagalog, malamang ay kinanta na nila ang "Long Hair".
Ang nakakamiss sa lahat ay ang pagpapagupit ko sa mga barberya sa atin. Mas kampante pa rin ako sa mga suki kong barbero na sila Dante at Jerry. Dito kasi sa Rabigh, KSA, wala akong mahanap na Pinoy na manggugupit. Mayroon kaming kasama sa villa na marunong maggupit kaso nakakahiya naman dahil ayaw magpabayad. Kaya naman kahit na "semi-kalbo" lang ang gupit ko, nag-alangan pa rin ako noong first time ko magpagupit dito.
Tatlo ang barber shops na magkakalapit sa bayan. Yun nga lang, walang ibang barbero kundi mga Pakistano at Indiano. Parang suicide, napilit na rin ako ng mga kasama ko na magpagupit doon sa suki nila. "Puwede" na rin daw para sa ten riyals. Sa Jeddah daw, maraming Pinoy barbers pero twenty riyals ang bayad. Kapag na-tempt ka nanamang mag-convert into pesos, parang nagpunta ka na sa Bench Fix Salon!
"Maganda hapon. Gupit, pare?", sa dami ng tropa natin dito ay marunong na rin mag-Tagalog ang mga ibang lahi.
Wow, pagpasok mo pa lang ay iba na ang amoy kumpara sa atin. Amoy shawarma. Nakakahilo. Kapag minamalas ka ay next in line ka pa. Wala ka namang mabasang diyaryo dahil 'di mo maintindihan ang nakasulat. Hay, nakaka-miss ang mga tabloids na nakalatag sa waiting area ng Samantha's Barbers. Abante, People's, Tempo, Tik-Tik, at Remate.
Kapag pinaupo ka na sa barber chair, ito na ang dilemma mo. Kapag first timer at 'di ka pa kilala, mahabang paliwanagan sa kung ano ang style ng gupit dahil hirap kayong magkaintindihan. Buti nalang sa gupit ko, sasabihin mo lang ang size ng razor dahil medyo alam na nila ang term na "semi-kalbo".
Naaalala ko tuloy si Dante kapag nagpapagupit ako. Hindi na ako tatanungin n'un sa style. Mas uusisain niya pa kung kailan uli magbabakasyon ang seaman kong utol na si Pot. Paulit-ulit yun. Walang mintis. Parang may naka-program siyang opening line sa bawat customer.
Habang ginugupitan ako ng ibang lahi, walang imikan. Seryoso ako sa pagtingin sa ginagawa niya dahil baka magkamali siya. Hindi tulad ni Dante na yung mga kuwentong-barbero niya ang pinagkakaabalahan namin. Wala akong kaba sa kamay niya kahit na 'di na nakatingin sa ginagawa niya. At may exhibition pa, nakikipagkuwentuhan pa siya sa kasama niyang barbero kapag nakita niyang hindi ako interesado sa mga boladas niya.
Halos pareho ang style ng pagtabas ng buhok sa atin at dito sa Saudi. Ang pinagkaiba lang, wala yung lalagyan ng pulbos ang buhok mo para i-check kung pantay na. 'Yun ang "only in the Philippines"!
May medyo kakaiba sa labaha na ginagamit dito. Bago nila ipang-ahit sa ulo mo ay bubugahan nila ng parang pabango o alcohol tapos sisindihan ng lighter para lumiyab. 'Di naman idi-diretso kaagad sa ulo mo dahil babasain muna nila ng water sprayer. Ewan ko lang kung ano ang gusto nilang iparating.
Kung hindi semi-kal ang gupit ko, libre din ako sa blower. Wala nga lang silang alcohol o hair tonic na ipapahid sa gilid na inahit.
May libre ring masahe dito pero hindi kasing-sarap ng ginagawa ng mga suki ko sa Pinas. Wala yung papatunugin ang leeg mo. Wala yung papatunugin ang mga lamig sa likod mo. Dito ay simpleng lamutak lang sa anit ng ulo mo!
Buti nalang ay hindi nawala ang pinaka-obvious na palatandaan kapag nagpagupit ka... Ang pulbos sa gilid ng ulo!
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
1:03 AM
Labels: b'log ang mundo, barber shop, global Pinoy, kuwentong-barbero, OFW, saudi
Monday, December 14, 2009
PASS KO Muna Ang Work
View CommentsFor a first-timer like me, talaga namang tatamaan ka ng homesick pag nakahiga ka na bago matulog. Ang dami kong biglang nami-miss sa trabaho sa Pilipinas kapag napag-uusapan ang birthday ni Bro.
SIMBANG GABI
Ilang beses kong binalak kumpletuhin ang mga misa tuwing madaling-araw kasi sabi nila ay matutupad ang wish mo kapag nabuo mo ito. Malay mo, bigla nga akong maging milyonaryo. Pero ilang beses rin akong nabigo kasi ang hirap talaga gumising ng alas-kuwatro ng umaga!
Only in the Philippines mo lang makikita ang mga kabataan na gumising nang madaling-araw para magsimbang-porma kasama ang mga syota nila. O kaya naman, magsimbang-lasing after maubos yung bote ng alak habang hinihintay ang misa!
Siyempre, ang pinaka-miss ko sa lahat sa ay ang puto bumbong at ang special bibingkang may itlog sa gitna na tinitinda sa labas ng simbahan. Lagi akong nagpapadagdag sa tindera ng kinayod na niyog tsaka ng pekeng Star Margarine na nagpapasarap sa lasa nito. Pag-uwi sa bahay ay samahan mo pa ng hot cocoa... Magnifico!! Pero paano mo gagawin ito kung ala-sais ng umaga ang pasok mo?
PALUWAGAN
Sa school, ang tawag ay class fund. Noong nagtrabaho na ako, ito na ang tawag. May option kayo ng grupo kung para sa inyong lahat o for personal use ang pag-iipunan niyo. From the word itself, para mas makaluwag ka. Tayong mga Pinoy kasi, namamahalan kapag hiningian ng pang-ambag ng isang bagsakan. Kahit na 100pesos lang ang contribution, mabigat pa rin sa bulsa. Kaya ang solution, piso daily one hundred days before the Christmas party! Bakit kaya mas nagiging kuripot ang tao kapag nagkakaroon na ng trabaho?
KRIS KRINGLE
Monito, monita. Sino nagsabing kuripot ang mga Pinoy? Napakagarbo kaya natin kasi bukod sa paluwagan, may pinagkakagastusan pa tayong mga regalo daily. At nagsisimula ito usually kapag nag-start na rin ang simbang gabi. Something old. Something new. Something slippery when wet. Minsan ok ang matatanggap mo pero madalas ay corny. San ka ba naman kasi kukuha ng worth 10pesos na regalo? Kahit sa Divisoria, di ka pupunta kasi lugi ka sa pamasahe. Araw-araw, nag-iisip ka kung paano mo ipupuslit sa drawer yung regalo mong mukhang tae kasi nakabalot sa dyaryo! Sana ay huwag lang something gooey at baka maitapon lang kapag nakapa ito!
WISH LIST
Karugtong ng kris kringle. May chance kang magsabit o magsulat sa bulletin board ng gusto mong makuha mula sa nakabunot sa'yo. Dito mo makikita ang ugali ng tao. May mukhang tanga kasi pera nalang ang gusto. Ibalik nalang daw ang ginastos niya. May makapal ang mukha kasi alam na ngang 100 lang ang usapan, hihiling ng tig-200. Yung iba, konting kapal lang kasi babayaran ka nalang ng sobra sa hiniling nya. Be careful with what you wish for, it just shows the true you!
GROUP PRESENTATION
Pinakaaabalahan ng lahat. October pa lang ay nagpa-practice na kayo dahil talo kayo noong nakaraang party. Kahit na 'di ka makatulog pag lunch break, ok lang. Kahit nagagalit na ang misis mo sa kakauwi mo ng gabi sa bahay dahil sa rehearsal, ok lang. Nakanangsyet, ilang beses ng bumenta ang ''Katawan'' ng Hagibis, inuulit-ulit niyo pa rin?! Sabagay, sa mga company parties mo lang mapagtatawanan ang mga corny at kahihiyang ginagawa ng mga empleyado. Once a year lang naman. After one week, makakalimutan din nila yun.
13th MONTH PAY
Ito ang pinakamasarap sa lahat. May ibang companies na hinahati ito. Yung iba, binibigay ang kalahati tuwing June. Karamihan naman ay binibigay bago mag-Pasko. Ito lang naman ang panahon na maniniwala ka kay Brod Pete na may LUBI-LUBI!!
Nakakamiss talaga ang araw ni Bro sa Pilipinas. Pero habang nandito ako sa Saudi, PASSKO MUNA ANG LAHAT DAHIL MAY WORK!
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
2:41 PM
Labels: 13th month pay, b'log ang mundo, christmas, homesick, kris kringle, OFW, paluwagan, simbang gabi, work
Saturday, December 5, 2009
The Teminal - Marooned at the Airport
View Comments“I am sorry sir but you have no seat reservation for this flight!”
“Say that again please?” Seemingly annoyed, the Chinese check-in clerk repeated what she just said as her eyebrows realigned parallel to her slanted eyes. This time, the words rammed into my ears like a runaway train.
I felt my head spinning as I retorted. “What do you mean I have no reservation? I’m only on transit!”
“I’m sorry sir but looks like you did not confirm your seat for this flight! Next please!” her neck craning sideways searching for the passenger behind me in queue.
I just shut up in disbelief because I was afraid my next words would be expressed by my clenched fist punching her face. As I moved back to one of those mono-block seats waiting for another dislodged passenger like me, I tried to recall the events that brought me to this predicament.
It was Christmas season that time. 1995. I was booked to leave Shanghai morning on the 23rd of December. I knew that Christmas season has always been on top of all the peak seasons. But this is China, not a predominantly Christian place, so go figure.
Everything seemed alright because our HR officer who issued me the ticket gave me her reassurance. Besides, I had come that far already (checking in my luggage with Manila as final destination, completing the flight to Hong Kong) only to be denied a seat for my next flight. My understanding that time was that once a passenger confirms his seat for the first flight, the seat for the next flight is confirmed as well. Besides, what happens to the checked-in luggage?
I figured that some VIP, business mogul, president or Mafioso who wanted to go home for Christmas that time ran out of tickets and changed the rules. This is some grand-scale conspiracy probably connected to the time of JFK assassination, I mused. The dislocated passengers in the transit lounge started growing in numbers from different countries, race, color and body odor. It seemed the whole place had been transformed into a new Zion, an assembly of chance passengers coming from around the globe. Each had his own story to tell.
1. One couple, an Australian guy married to a Filipina said his friends told him how festive the
Philippines celebrate Christmas so he wanted to check it out. They were bound for Boracay.
Wow! Such a memorable experience that was for him!
2. A Filipina working as a caregiver in Europe, panic-stricken and uncertain how she could stay
in the airport indefinitely with limited money and resources
3. A bunch of Filipino seamen from Johannesburg coming in loud and strong at first but ending
up like wrinkled prunes after learning they have to wait as chance passengers
4. Multitudes walking, climbing, rolling and running. Here and there, left and right, up and down,
everywhere like Willard’s battalion of mice finding their way out of a gigantic maze
5. Me – stunned like a soldier on his way to Afghanistan. I had no extra clothes. I was getting
smelly. I needed a bath. I was waiting for a slight provocation and I would fire
my rifle indiscriminately. Shite!!
I rang my brother who lives there. He told me to leave the airport. The immigration will surely grant me a temporary visa because of regional diplomatic policies he said. I was hoping I could still wait as a chance passenger so I took his advice as an option which turned out a mistake later on. So I waited (perhaps my experience influenced the plot of the Tom Hanks’ film “The Terminal” without my knowledge).
Night came. A familiar baritone voice attracted my attention. It was my boss, probably more surprised than I was. I told him that the check-in clerk insisted that I did not confirm my seat for the next flight so I would have to wait as a chance passenger. After reckoning that I would take ages before I could get that chance, he told me to upgrade my seat in any empty slot in the business or first class. “No problem, I will pay’ he added. So I did. My next flight would be morning the next day.
I thought I was finally free from worry so I decided to leave the airport to spend the night at my brother’s home. Then trouble came. The immigration officer questioned me why I did not show up immediately after our plane landed earlier that morning. So I sweated out explaining to him what happened until he eventually buckled under and granted me a three-day stay.
Strangely, the next day was full of sunshine. I had a restful night. I was wearing signature clothes (or imitation which I didn't care) my brother lent me. I was smelling like Hugo Boss. I was escorted to the airport by my brother wearing a suit and tie. He paid our breakfast and my airport tax (which is no longer required now). He lent me some relief money. I met the chinky-eyed check-in clerk again. This time she was wearing a pleasant grin identical to that of the stewardess in the poster at the wall behind her. It looked like she had been exorcised and had totally forgotten the evil trances she had the night before. And during the flight I learned why first class IS first class – “Would you like to have some coffee, Sir?”, “Would you like to watch a movie, Sir?”, “Care for champagne, Sir?”
There is glory after pain.
~ WANDERING POTTER
The Borne Identity
View CommentsI culled this story from my old blog in the Multiply site. Just thought it’s loud enough to attract attention.
So here it goes. He-he-he!
Ok so this is the first time I’m going to write something here. Really, I don’t know how to begin this but perhaps I can evoke my high-school literary skills once more. That’s a long time ago so that should come easy for me because I also used to be an associate editor of a company newsletter, which I still footnote in my CVs till now. At least, the fond memory of my excited colleagues anticipating to read my column each time an issue comes out still sends me high-school shivers.
Let me tell you a story. Once I visited Italy with a colleague and we went to Venice over the weekend. It was crowded with tourists, as always. It came to me as some sort of ritual that if you visit a foreign country, you should see a famous place or landmark like Eiffel Tower, Great Wall in China, Liberty Statue and others and have your picture taken. It’s no big deal really. It’s still just a common norm that works well to convince your friends that “I was there!” despite the proliferation of all these computer-generated manipulation nowadays when anybody can fool you that he was in this place and that. The picture is always the best medium of identifying the place and the person together.
Well, I also did an amount of this identifying work by finding someone who was also a fellow Filipino. Italy is not like Hong Kong or Singapore where you can bump into a fellow countryman with intermissions of five to ten minutes. I felt like waiting for ages to find one until perhaps I started yelling some common chants like “Cory, Cory” and flashing the notorious “L-sign” with my hands to match. “Hmmm, not a good idea to create the Filipino image abroad”, I thought. Instead, I started looking for clues.
Yes, clues! Or shall I say, those unique to Filipinos. Let me list some that are common if you happen to walk in the park:
1. If he looks Malayan in race, not too tall to qualify for a basketball team but not too short to
wear G-strings, he could be Filipino.
2. He’s wearing printed T-shirts, walking shorts and pair of sandals or branded rubber shoes
altogether. Or if it’s cold, he’s wearing a sports jacket, Levi’s, Guess or any famous brand of
jeans and rubber shoes or sneakers altogether and a baseball cap as topping.
3. He carries a clutch bag.
4. He may wear some jewelry: necklace, rings on several fingers, etc.
5. If he speaks English, he pronounces each word very distinctly. Sometimes the “f” will
sound like a “p” and vice versa, a speech habit we fondly call as “f-p syndrome”. This goes
to the case of “v” and “b” sounds as well.
6. You say "Psst” and he turns around.
7. His name is Boy or Bong.
8. If he’s thirty-somethin’ or above, his fat belly is beginning to show up.
9. He addresses his friends, acquaintances, fellow mates “Pa-re” or “Pre” as an Aussie will
call his “ma-it”
10. He points to something afar by shaping his lips in a "kissing" fashion.
11. He looks lost like he’s also looking for a fellow Filipino. He might even yell “Balut” and
wait for the acknowledgement.
I'll tell you what "balut" is next time.
Well that's it. That’s all there is in that blog.
In parting I would just like to express my opinion on this matter of Filipino identification mentioned in this list. I think Pinoys everywhere are more likely to hear more compliments about them when somebody sees them in person than when they are watched on TV covering songs of white celebrities. Try singing the song of Mariah Carey on TV with her watching and she might say “that brown monkey can sing huh?’
Peace....
~ WANDERING POTTER
That Fever of Loneliness Called Homesickness
View Comments“ET phone home, ET phone home!”
This line "E.T. phone home" was ranked 15th on the American Film Institute’s 100 Years, 100 Movie Quotes list. Perhaps not only because the 1982 science-fiction film “ET” was a blockbuster but also because everybody feels a feverish yearning for home that includes ET, the childlike alien who quoted this popular line.
A decade and a half back my wife and I were having a very special dinner at home. What made it special was not the dish we were enjoying that time. It was topic we were discussing. We both had decided that time that I would start working overseas. What was odd was that all the excitement we had that week fizzled out that dinner.
“Kaya ba natin?” she asked me as a tear flowing down her eye accentuated her concern.
I froze as I tried to find sense to my impending reply. Instead of a reassuring verbal response my eyes welled up in tears as well. Finally with a crackling voice I uttered “Kakayanin natin ito…” Then I looked at our barely 3-year-old son seated at a high chair between us playing with his food. His juvenile innocence only broke my heart more. It was hard to accept leaving a very young family all in pursuit of a better life. She would have to start living her life in the absence of a husband, a father, a friend as I would in her absence as well. As our minds began to get too preoccupied with the difficult challenges ahead, we prayed for our Heavenly Father’s guidance.
The day to exchange farewells inevitably came although my mental attitude was not ready yet. My wife and I had a tearful embrace. The next time to see each other again would wait for six months. I instantly felt a tinge of homesickness the very moment we unlock ourselves from each other’s arms. My feet were dragging my whole body as I walked to the entrance of the airport terminal. I felt that its facade suddenly turned into a detention prison. I had mixed emotions and I felt helpless. I realized that it was not anything like the movies where my own character would just decide not to leave, drop my luggage and go back to my wife’s waiting arms. Time was sucking me into another dimension of existence.
My plane bound to Hong Kong left without the last farewell phone calls, SMS, etc. The waving and flying kisses were our last gestures of goodbye. Owning cell phones at that time was still a privilege. All throughout the flight I was hypnotizing myself to start living an OFW life.
I met my new boss at the Hong Kong airport and went together to a hotel to spend one night. After freshening up, I decided to pay a visit to my brother who lives there and called him up. Within minutes he picked me up in my hotel and had some dinner at home. Later while having light conversation, I mentioned to them that I was beginning to feel homesickness. I even told them I was having a strange feel of guilt in my decision to accept an overseas job. They reassured me that everything would turn out fine and added that in due time my anxieties will just fade away. Furthermore, my brother said that Shanghai is beautiful, booming and exciting unlike the repressive cultural climate of Saudi Arabia which was his first overseas stint. I spent the next hours listening to his stories how Filipinos like him struggled living and working with very limited social freedom. He admitted he was just one of the fortunate few to leave Saudi for Hong Kong.
The whole thing finally sank in my mind. For a newbie OFW I was even luckier.
The next day, my boss helped me get a visa for China and flew to Shanghai hours later. For the next few years I kept abreast with my family only through mail and fortnightly long-distance phone calls. The feeling of isolation had always been so intense that going back home twice each year at Christmas time and summer season was ecstasy. Some felt even much more. I remember one British colleague who quit when the company charged him the huge amount of phone bills he incurred talking to his family for long hours daily.
Now the times have changed. Throughout the years technology stepped in making communication more accessible. Gone are the anxious waits for the mailed letters and expensive long-distance phone calls. The growing internet helped me stay with my family together while providing for their needs overseas. We learned that with love and trust the family spirit will always triumph over the bitter challenges of life.
~ WANDERING POTTER
Posted by
wanderingpotter
at
11:18 AM
Labels: b'log ang mundo, ET, home, homesick, letters, loneliness, OFW, phone calls
Wednesday, December 2, 2009
OFW, Expats, Whatever
View CommentsDito palang sa titles nagkakatalo-talo na. OFW or Expats. Yung “o” sa pagitan ng dalawang titles na ito ang boundary line ng tila separation of classes o caste system defined by the job nature of Filipinos working overseas. Kung blue collar ka employed in a construction company as a carpenter, plumber, mason, etc OFW ka. Kung ikaw naman ay nasa senior management level ung tipong nakasuot ng kurbata pag nasa office at naka-casual shirt wearing a safety helmet pag nasa field Expat ka. Best example nito yung isang political ad noon sa TV showing Pinoys working overseas at different levels. Narun ung mga construction workers sweating it out under the scorching heat of the sun pero nakangiti pa rin - OFW. Then ung isang Pinoy supervisor naman with beetling brow na naka-casual golf shirt at safety helmet reading a blueprint to his crew - Expat.
Funny pero nakataas ang isang kilay.
But the truth is OFW or Expat they have the same definition and therefore are the same equal titles. A Filipino who is working on a foreign assignment. But I have met some people who strongly object being addressed as OFW. They seem to connote that OFWs are the domestic helpers, construction crew, caregivers, chauffeurs, cooks, orderlies, etc. On the other hand, Expats are those who are in the managerial or consultant levels. But strictly by definition, they are all the same. Pinoys who work overseas are all expatriates (ex – out, patria – country) no matter what the jobs are. Perhaps we were only used to associating the title Expat to white people which local companies in Pinas hire. And generally they hold the top level management positions. Therefore the misperception stuck. I would call it simply corporate myth as they can also be categorized as Overseas Foreign Wimps err.. I mean Workers, sorry. So going back to the “o” that separates the OFW and Expats mentioned earlier, there seems to be a shadow of discrimination looming among Pinoys separated by these two titles. And sometimes one is promoted from “OFW” to “Expat” because of seniority.
Napansin ko na agad ito nung first time ako magwork abroad. Hindi komportable yung mga fellow Pinoy colleagues ko na matagal na sa company na matawag o ma-address silang OFW. Immediately they cut the conversation and correct the speaker that they are indeed Expats not OFW. “Mga expats tayo dito at hindi mga OFW” they profess. Wha…? Ok the speaker stands corrected. Pero what’s the big fuss? Sadly there IS a big fuss. It creates a caste system among Pinoy employees belonging to different levels of job positions. It spawns jealousy and eventually devolves into disunity. Once again highlighting the notorious perception that the crab mentality lurks in every Pinoy migrant worker.
My present thoughts tell me that every Pinoy who works overseas share a common cause. Family. And because of that feeling of love and belongingness towards that small but vital unit of society the Lord has blessed us all, we chase our dreams wherever they go to provide the best to all our beloved. And in our journey we build new families with Pinoy colleagues in host countries that adopted us. The moment I decided to be an OFW or Expatriate, I long omitted the “o” that separates them.
~ WANDERING POTTER
Posted by
wanderingpotter
at
6:06 PM
Labels: b'log ang mundo, discrimination, expat, family, OFW
Tuesday, December 1, 2009
The Calling
View Comments
Posted by
NoBenta
at
11:51 AM
Labels: abroad, b'log ang mundo, employment, global Pinoy, OFW, reason for leaving
Saturday, November 28, 2009
We Will Inherit the World
View CommentsThe figures below were taken from Wikipedia's OFW Population / Statistics:
| Total OFW Population | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| 8,726,520-11,000,000 estimates | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Regions with significant populations | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Posted by
NoBenta
at
6:31 PM
Labels: b'log ang mundo, Filipino, filipinos abroad, global Pinoy, OFW, ofw population, Pinoy
Free Call and Chat
View Comments
This is a great application for both PC and Mobile Users. You can have free calls and chat to your loved ones through popular networks like Yahoo! Messenger, Facebook, Skype, and Googletalk.
This is really a big help for OFWs to cut down expenses on international calls.
Download the application at http://www.nimbuzz.com/en/mobile/download
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
3:30 PM
Labels: b'log ang mundo, facebook, free call, free chat, googletalk, messenger, nimbuzz, skype, YM
Pagtatrabaho ng malayo sa pamilya - Hanggang kelan?
View CommentsNakabakasyon ako sa Pinas minsan nitong taon. Naimbita kami ng isang mommy na friend ni misis dahil birthday ng anak nito at magti-treat daw siya ng pizza. Isang munting celebration at naibahagi pa sa amin ng kanyang kaibigan kaya para sakin lumabas talaga itong special treatment. Ang nakatutuwa pa rito matalik na magkaibigan ang kanyang anak at aming anak na parehong nasa Grade V sa boy's school. Kaya ako nama'y giliw na giliw na nanonood sa dalawang batang nagbobonding habang naglalaro ng kanya-kanyang Nintendo DS samantalang ang aking asawa nama'y busy rin sa pakikipagkwentuhan. At sa mga sandaling yun, naglakbay ang aking diwa sa sari-saring imahinasyon nagbabalik tanaw sa mga munting okasyong tulad nito na namimiss ko gawa ng pagtatrabaho sa abroad.
Naputol na lang bigla ang aking pagmumuni-muni nang parang nananadya'y tinanong ako ng friend ni misis.
"Hanggang kelan ka magtatrabaho sa abroad?"
"Huh? A..eh..sa totoo lang...di ko pa alam.." sagot ko naman sabay lunok ng laway.
Matagal na nga rin akong nagwowork sa labas ng bansa. Walong taon na bagama't paputol-putol nga lang. Sapat na siguro yung dalawang taon pa para hustong sampu. Kadalasan ganun ang naririnig kong planong time frame ng mga OFW. Time frame para makaipon na ng husto at pwede ng magtayo ng sariling negosyo. Pero sapat na nga ba ito sa talagang nararamdaman ng karamihan? Sa nararamdaman ko ng mga sandaling yun ng ako'y tanungin?
Kung anuman ang maging sagot ko sa tanong na yun, ito'y isang desisyon na gagawin ko para sa pamilya ko hindi lang sa sarili ko. At marahil yun din ang magiging sagot ng iba. Bago ako nagdesisyon na magkaroon ng sariling pamilya kinondisyon ko na ang isip ko na hindi madaling ipagkaloob lalo pa't panatilihin ang isang maginhawang buhay sa kanila. Umiikot ang tagumpay at kabiguan. Minsan swerte minsan malas. Pero masakit makita na naapektuhan ang pamilya pag matumal ang daloy ng swerte lalo pa't bata pa mga anak at nag-aaral. Sa panahon ngayon lalo na sa Pinas, kulang na kulang na sa job opportunities lalo na kung nasa middle-age na. Talagang ramdam na ramdam na yung tinatawag na middle-age career crisis. Try mong imaginin yung isang dating senior level manager mula sa isang nagsarang company at kasabay ng mga new grads na naghihintay sa isang job interview. At kung type mong manood ng simulation nito, panoorin mo si Jim Carrie sa Dick and Jane. OMG!
Kaya mabuti naman at bukas na ngayon ang pintuan sa apat na sulok ng daigdig para sa mga opportunities. At dahil sa pag-export ko ng aking professional expertise, isa na kong bayani ng bayan. Siguro nga kung para sa pamilya ko. Ang pagiging breadwinner naman ay isang heroic deed na. Ok lang yun. Kaya lang yung tagline na "bayani ng bayan" sa tingin ko nagmula lang sa isang airline commercial na naging national slogan. Kahit ito nabudburan na rin ng paminta ng pulitika.
Sanhi na rin upang mapagkamalang madatung kasi nga dollar-earner lalo na kung magpopost sa facebook ng mga kodakan mula sa ibat ibang lugar o gimikan samantalang ang totoo ay nagpapalipas lang ng homesick.
Salamat naman at sa panahon ngayon marami at hindi na masyadong mahal ang means of communication kaya sapat na yon para magkaron ako ng second wind para magpatuloy sa pagiging OFW.
Kaya para sa akin hanggang kaya pa ng katawan at masaya naman sa trabaho kahit nagsasakripisyo okey lang yung manatiling OFW. Kahit na middle age ka na at first timer pa. Kumbaga sa mga kasalukuyang OFWs "If it ain't broke, don't fix it." Enjoy your work and savor the opportunity. Ilang beses na akong nakarinig ng mga anunsyo ng ilang OFW na magreretire na sila at magnenegosyo na lang sa Pinas. Kung hindi nangyari, hindi tumagal. Madaling maubos ng mathematics of economics ang perang naipon sa pagtatrabaho sa abroad. At para naman sa mga first timers "Age doesn't matter. Follow your heart." You can listen to the advice of old folks about the loneliness of working away from the family but perhaps with a grain of salt. Nung time naman nila okey lang na magwork sa Pinas kahit na walo pa mga anak. Simple lang ang buhay noon. Kung me TV na kayo noon komportable na pamilya. Sa ngayon makakarinig ka ng "Pa, ako na lang walang cellphone sa klase namin". Kaya yang dramatics ng homesick ngayon daig na ng economics. Kaya bukod sa sariling family, meet your global family.
Ang pagkakataong makapagtrabaho sa abroad upang kumita ng maayos ay isang biyaya mula ke Lord. Ito ang isang purpose Niya.
~ WANDERING POTTER
B'LOG ANG MUNDO
View Comments
BILOG ANG MUNDO..
Isang tagay sa lahat ng mga Bayaning Pinoy na nasa apat na sulok ng sanlibutan.
Ang sarap mapanood sa TV na nakakatulong tayo sa ating bayan. Tayong mga OFW's daw ang nagpapalago ng dollar reserves ng Pilipinas. Pero nakakalungkot aminin na hindi naman sa kapakanan ng bansa natin ang dahilan kung bakit tayo nagpapakahirap sa lupain ng mga dayuhan.
PAMILYA ang dahilan. Period. Wala nang iba pa.
Kung sapat lang sana ang kinikita natin sa lupang sinilangan, 'di na tayo kailangang mangibang-bansa at iwanan ang kani-kaniyang pamilya kapalit ng dolyares.
Dollars - ang sarap ng feeling kapag nasa kamay mo na. Katumbas lang naman nito ay lungkot, saya, hirap, at ginhawa.
Samahan niyo kami at lasapin ang buhay ng mga Pinoy sa ibang bansa.
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
12:25 PM
Labels: abroad, b'log ang mundo, Filipino, global Pinoy, OFW, overseas worker, Pinoy



