"'Di maaaring ariin ang pag-aari ng nagmamay-ari" ~ Eraserheads
One week ago, ito ang shoutout ko sa FB. Kaninang umaga, nakausap ko ang misis ko na nanakawan daw kami.
Kabuwanan ngayon ng asawa ko kaya hindi na siya makapaglagi sa bahay namin na nasa second floor ang location. Dahil sa kambal ang dinadala niya, hirap na siyang humakbang sa mga baytang ng hagdanan. Napagpasyahan nalang namin na doon muna siya sa mga biyenan ko manirahan kasama ang kasambahay namin. In other words, mga house spirits lang ang nagbabantay ng tahanan namin. Bukod pa dito ang kapitbahay naming walang pakialam na siya ring may-ari ng mga paupahan.
Ibang klase talaga ang mga kawatan. Bantay-salakay. Walang kinakatakutan. Walang konsiderasyon. Walang puso. Walang isip. Walang kaluluwa.
Ang hirap ng sitwasyon nating mga nagtatrabaho dito sa ibang bansa at mababalitaan mong nilooban ang bahay niyo sa Pilipinas ng mga masasamang tao. Wala kang magawa. Mapapamura ka nalang ng malutong. Lahat ng galit sa dugo mo ay aakyat patungong utak mo. Parang gusto mong umuwi nalang sa Pilipinas dahil sa pag-aalala.
Dito sa Saudi, maku-culture shock ka. Kahit na mag-iwan ka ng gamit sa likuran ng pickup na sasakyan mo ay hindi mawawala. PUWEDE PALA 'YUN?! Siguro kung lahat ng tao sa Pilipinas ay Ex-Saudi, wala nang malilikot ang kamay.
Ang pagtawag ng "Ali Baba" sa iyo dito sa gitnang silangan ay katumbas ng tadyak ng tatlong daang camels sa pagkatao mo dahil magnanakaw lang naman ang ibig sabihin nito. Kaya mo bang sabihin sa asawa't anak mo na magnanakaw ka? Sana kasinlaki ng beach balls ang bayag mo para gawin iyon.
Kapit sa patalim. Buti nalang ay pareho kami ng asawa ko na 'di pinalaki ng mga magulang namin na okay lang magnakaw. Lalo't kung wala na talaga. At least naiintindihan namin na nangangailangan din ang yung taong iyon na kasama ni Ali Baba. Yun nga lang, 'di ko pa rin maisip na ipapakain niya sa pamilya niya yung pagkaing GSM (galing sa magnanakaw). Kung halang na talaga ang mga bituka nila ay talagang 'di na sasakit ang mga tiyan nila!
Ayon nga kay Pekto na sumikat sa "Wow Mali", "PLAK!" Pera lang ang katapat. Yun naman ang dahilan nila sa pagnanakaw. Pero mahirap man sabihin, MONEY IS NOTHING!! Buti nalang at wala sa bahay ang asawa ko nang pinasok kami. At least, bagay lang ang nawala. Kayang-kayang palitan.
Natuwa ako sa tinext ng misis ko -- naalala niya daw yung movie na "Richie Rich". Akala daw ng mga magnanakaw ay valuable ang makikita nila ang vault ng pamilya ay nagulat sila. Oo, valuable sa mag-anak pero junk para dun sa mga magnanakaw. Nagulat sila na mga bagay na may sentimental values ang nandoon. Parang sa home sweet home namin, mas malulungkot pa kami kung yung mga simple things na may kabuluhan ang natangay. Yun nga lang, mahalaga pa rin sa amin yung ibang alahas dahil yun ang ginamit ng labs ko sa kasal namin.
Sa mga magnanakaw na balang-araw ay tatamaan ng karma multiplied to the highest level, isang namamagang middle finger para sa inyo at malakas na "Ha Ha Ha!".
Manila, Tang N' Ah
-
*galing dito ang larawan*
*"Isa kang Batang 90's kung narinig mo si Duff na nagmura sa harap ng
libu-libong mga Pinoy Gunners."*
Taena, isa lang ang m...
5 years ago