Unang anak naming mag-asawa. Unang apo ng mga magulang ko. Unang apo ng mga biyenan ko. Actually, hindi lang isa kundi dalawa sila. Kambal. Twins. Kaya naman excited ang lahat sa paglabas nila mula sa sinapupunan.
Ang hirap pala talaga kapag manganganak na ang misis mo. First-timer kami kaya walang experience kung paano iha-handle ang Big Event. Ang mas mahirap pa nito, wala ako sa Pilipinas para samahan siya sa panganganak. Hanggang text at tawag lang ang kaya mong gawin. Excited na kabado. Wala na sa hulog na magtrabaho. Yung utak ko, lumilipad na papuntang Pilipinas.
Thankful ako sa mga “big brothers” ko dito sa Saudi. Pinalakas nila ang loob ko at pinakalma habang nandun ang mga pamilya namin na abala sa pag-aasikaso sa paglabas ng mga hulog ng langit. Ang biro nga nila sa akin dito ay, “Kapag nasa ospital na ang misis mo, wala ka nang aalalahanin…yung pambayad nalang!”
Masarap din malaman na may karamay ang misis mo sa Pilipinas – nanay, tatay, bayaw, hipag, kapatid, tita, tito, ninong, at ninang. Kung malakas pa ang mga lolo’t lola naming, malamang ay kasama rin sila sa pag-aasikaso. Parang isang Grand Reunion!!
Nakakaiyak pala talaga kapag nakita mo na ang babies mo. Nakakawala ng pagod. Kahit na malayo ako sa Pilipinas, sobrang saya ang naramdaman ko. Walang makakapantay sa lahat!!
Konting tiis pa. After nine months ko pa makikita ang mga chikiting namin. Malamamang pagbalik ko galling Saudi ay makikipaghabulan na ako kina LES PAUL at LEI XANDER!!
~ NO BENTA