Sunday, January 31, 2010

Levels of HBO

Naaalala ko yung kuwento ng utol kong si Pot. Nasa magkabilang dulo daw sila ng barko nilang pinagtatrabahuan at kailangang buksan ang kuryente. Sumenyas ang utol ko sa Pinoy na kasamahan niya. Itinuro ang kili-kili. At isang turo lang, nagkaroon na ng POWER! Gulat na gulat daw yung ibang-lahing kasama nila. Paano daw nangyari iyon.

Iba't iba ang HBO o Human Body Odor. Sa laki ng butas ng ilong ko, madali kong maikumpara kaagad ang masangsang na amoy na humahalimuyak sa armpits ng ibang tao. At para maliwanagan kayo, heto ang levels nila:

1. Putok -  Ito ang first level. Medyo mag-aamoy maasim ka kapag nakalimutan mong mag-deodorant at sumabak ka sa project site. Sa tindi ng init ng araw, magsusuka ang kilikili mo na parang aircon. kapag minalas-malas ka at wala kang pamunas, PUTOK ang magiging amoy mo!

2. Anghit - Ito yung putok na mga isang araw mong pinabayaan. Galing ka sa lakwatsa. Nakipag-inuman. Nakatulog ng isang araw. Paggising mo, hindi ka amoy chico, amoy ANGHIT ka na! Parang ka-level mo na ang shawarma!

3. Baktol - To the hihest level na ito ng kabahuan sa katawan. Mga isang linggong anghit na napabayaan. Ito na yung nakakasuka at nakakahilo kapag nalanghap mo. Feeling mo ay binabarena na yung ulo mo dahil sa amoy ng katabi mo!


Pasalamat pa rin ako na naging Pinoy ako. Makalimutan na ang lahat, huwag lang ang maligo araw-araw! Amen!

blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker