Second job ko ang pinasok ko dito sa Saudi. At sa higit anim na taon ko sa una kong trabaho, hindi ko maiwasang ikumpara ang mga taong nakasama at kasama ko ngayon. Sa Pilipinas, alam mo kaagad kung sino ang kaibigan at kung sino ang kaaway. Pero dito sa ibang bansa, hindi ka puwedeng basta magtiwala. Hindi mo alam kung friend o FRENEMY ang pinakikibagayan mo.
Mukhang bago sa pandinig, parang Friendster ang dating. Pero maniniwala ba kayo na as early as 1953, this word has appeared in print. Obviously, pinaghalong salita lang ito ng "friend" at "enemy". From the word itself magkakaroon ka ng idea na ang ibig sabihin nito ay mga taong nagpapanggap na kaibigan pero kaaway naman talaga. Pero puwede rin silang mga ka-group, ka-buddy, o ka-partner na part ng friendly competition.
Ngayon, paano mo malalaman kung sino ang frenemy mo, lalo na't puro kabayan mo ang pinagkakatiwalaan mo sa trabaho?! Wala namang mga Pinoy na magkakatalo kung pare-parehong nasa ibang bansa, 'di ba?
Yup, sasang-ayon ka kung magkakaharap tayong lahat. Pero ang nakakalungkot, mas parang ibang-lahi pa ang ibang Pinoy kapag nakatalikod na sa kababayan nila. Hanep kung ibagsak ang kapwa-Pilipino.
Sabi nila, first impression lasts. And it really does for me. Madali akong kutuban sa unang meet pa lang. Usually, ang mga unang pinapakita ng tao sa unang meet ay pakitang-tao lang. Dito tayo magaling kaya ang daming nababaitan sa atin. Tantsahin mo at pakiramdaman kung "plastik" ang dating. Mata pa lang, mahuhuli mo na ang tao. I-decipher mo na kaagad yung mga tanong na ibinabato niya, yung mga punch line niya sa biro sa'yo dahil iyon ang pagkatao niya.
Hindi lahat ng mabait ay mabuting tao at hindi lahat ng masama ay talagang masamang tao. Magaling ang mga frenemies dahil manipulative at adaptable sila sa lahat ng bagay. Ang dami niyang common interests with you, 'di ka ba nagtataka? Kaya konting ingat pa rin.
May mga taong obvious na nakikipagkumpitensiya sa iyo, at may mga tao namang simple lang kung bumira. Mag-ingat ka sa mga taong ka-grupo ang turing sa'yo. Consensus kung gumawa ng report. Brainstorming to the max. In the end, siya lang ang may pogi points sa puti niyong amo. Parang vacuum cleaner kung sumipsip ng information from you for their personal gain.
Kung may naispatan ka nang frenemy, try to evaluate and contrast. I am very sure na may best friend ka naman sa Pilipinas. O kung may asawa, mas ok. Ikumpara mo yung ugali ng frenemy mo sa tunay mong mga friendster sa buhay. Pag medyo malayo, mag-isip-isip ka na.
Kung 'di ka naman kuntento sa gut feel mo, makipagkuwentuhan ka sa ibang tao kapag coffee break. For sure, may magsasabi sa'yo ng tunay na ugali ng pinakikisamahan mo. Yun nga lang, mag-ingat ka rin na hindi niya kaaway yung kinakausap mo para hindi biased.
Ngayon, mag-isip ka na kung kaibigan mo ako. Sa tingin mo ba ay sinulat ko ito for your own good?
~ NO BENTA
Welcome to the Arena
-
*galing dito ang larawan*
*"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga libu-libong Pinoy na naglakbay
patungong Philippine Arena para makita ang GN'R."*
...
6 years ago