Minsang nakipag-chat ako sa utol kong si Pot na OFW rin, biglang sumingit ang kumpare kong si Marlo. Sino daw ang kausap ko eh tulog na ang lahat ng tao sa Pilipinas? Weird ba? Hindi siguro. Naging libangan na ng mga kababayan natin ang pagsali sa mga chatrooms sa net. Kaya hindi ko masisisi ang kaibigan ko kung pagdudahan niya akong may ka-chat na iba.
Ang internet ay naimbento noong panahon ng giyera. Nang maging commercialized, nagsulputan ang mga chatrooms. Ang aim nito ay magkaroon ng social networking kahit na nasa loob ka lang ng bahay. Parang hi-tech version lang ito ng phone at pen pal. Yun nga lang, inabuso ng tao kaya naging wild.
Kapag bagito ka, magugulat ka sa "asl?". Ano ito, "asal"? Paano kung dinagdagan pa ng letter "n"? "Nasal"? Lintek, parang text message. Kaya nabobobo tayo eh. Kahit na tumataas ang level ng technology, bumababa ang grammar, composition, at vocabulary! "LOL" - akala ko ay minura ako minsan kaya sinagot ko rin ng "ulol ka rin!". Napapagalitan ko nga mga kapatid ko kapag parang text ang message sa chat dahil kumpleto naman ang letters ng keyboard. Walang dahilan para i-shortcut ang spelling.
Tulad ng mga sinaunang forms ng communication (pagsulat at pagtawag sa phone), ang chatrooms ay ang lugar sa cyberspace kung saan namumugad ang sangkatutak na kasinungalingan. Karamihan naman dito ay naglolokohan. Kahit ako, puwede kong sabihin na kamukha ko si Piolo. Pag nanghingi ng picture, eh di mag-send ka ng photo ng mga nasa FB ng ibang tao na kamukha ng artista. Kapag naghanap ng webcam, sabihin mo ay wala. Kapag tumawag naman, sagutin mo na dahil 'di naman makikita yung mukha mong walang katulad!
Hindi pa ba tayo nadadala sa katotohanan na hindi lahat ng maganda ang boses ay maganda rin?! May kakilala akong officemate dati na nakakapeke talaga ang voicebox. Baka himatayin ka pag nakita mo siya!
Dahilan ng iba ay gusto lang malibang kaya nakikipagchat. Wala akong pakialam kung makipagchat kayo sa ibang taong kinaaaliwan niyo. Kaso sana ay naiisip niyo ang kani-kaniyang pamilya niyo kapag nakikipaglokohan kayo sa iba.Okay lang kung pampalipas-oras lang talaga at hindi siniseryoso.
Ang sakit ko naman magsalita. Oo, para sa mga tatamaan. Hindi ako perpekto para maghusga pero pamilya natin ang dahilan kaya tayo nangibang-bayan.
Nakakalungkot lang na may mga kababayan tayo na lumalaki at humahaba ang listahan ng utang dahil sa kakapadala ng load at pakikipag-usap sa mga chatmates nila. Kung ginamit lang sana ang pakikipagchat sa pamilya para makatipid, sana ay mas malaki ang napapadala mong pera kada sahod.
gtg, bka bdtrip na kyo
Welcome to the Arena
-
*galing dito ang larawan*
*"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga libu-libong Pinoy na naglakbay
patungong Philippine Arena para makita ang GN'R."*
...
6 years ago