September pa lang, ilang days matapos akong lumapag dito, tinatanong ko na yung mga datihan kung ano ang feeling ng nagpa-Pasko na 'di kasama ang mga mahal sa buhay. Top answer, "MALUNGKOT". Eh ano ba naman ang dapat kong i-expect na sagot, "masaya"? Stupid question ng first-timer na nagpipilit pasayahin yung sarili sa pinakamasayang okasyon sa Pinas.
Mag-focus nalang daw sa trabaho para hindi na maisip at hindi makaramdam ng homesick. Dahil sa opisina, bumilis ang araw at hindi ko na naramdaman na malapit na pala ang birthday ni Bro. Wala naman kasing mga Christmas trees sa loob ng flat. Wala namang mga Christmas lights at mga parol na patay-sinding nakasabit sa labas ng mga bahay. Kahit nga yung simpleng "MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR" na madalas na makikitang nakasabit sa salas ng mga tahanang Pinoy, ay 'di mo makikita. Mas naiisip ko pa kung kailan susuweldo ulit.
Misis ko lang ang nagpapaalala sa akin na lumalamig na ang December. Pinapaalala niya na nalulungkot siya dahil malapit na ang Pasko pero magkalayo kami.
Ilang beses ko nang narinig sa mga seniority na masuwerte pa daw kami ngayon. Parang alamat kung ikuwento sa akin, na napakahirap ng communication dati. Sa snail mail, aabot ng isang buwan sa sagutan kahit na special ang binayaran mo. Sa long distance call naman daw, parang pila ng 200million lotto jackpot ang titiisin bago makatawag.
December 24, busy ang lahat ng kabayan. Abala sa chat, abala sa email, at abala sa mobile. Wala na sa wisyong magtrabaho ang bawat isa. Mahirap na daw makakontak sa Pinas kapag malapit na ang Noche Buena. Bawat oras, naiisip mo kung ano na ang ginagawa ng pamilya mo sa Pilipinas. Yung mga nakagawian mong gawin tuwing bisperas.
Kuwentuhan ng mga kung ano ang handa para sa Noche Buena. Kung sino ang mga bisita. Saan ang party. Bawat kuwento, nag-iimagine ka nalang. Thirty years na akong nag-celebrate ng Pasko. Ngayong taon lang ang first time kong mag-isa.
Simple lang ang Christmas Eve dito. Konting kainan. Konting kuwentuhan. Konting batian. Tapos tulog na.
Buti nalang 'di ko na naabutan dito yung kuwento nila na isang Pepsi in can lang ang katapat ng Pasko!
~ NO BENTA
Welcome to the Arena
-
*galing dito ang larawan*
*"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga libu-libong Pinoy na naglakbay
patungong Philippine Arena para makita ang GN'R."*
...
6 years ago