Nakabakasyon ako sa Pinas minsan nitong taon. Naimbita kami ng isang mommy na friend ni misis dahil birthday ng anak nito at magti-treat daw siya ng pizza. Isang munting celebration at naibahagi pa sa amin ng kanyang kaibigan kaya para sakin lumabas talaga itong special treatment. Ang nakatutuwa pa rito matalik na magkaibigan ang kanyang anak at aming anak na parehong nasa Grade V sa boy's school. Kaya ako nama'y giliw na giliw na nanonood sa dalawang batang nagbobonding habang naglalaro ng kanya-kanyang Nintendo DS samantalang ang aking asawa nama'y busy rin sa pakikipagkwentuhan. At sa mga sandaling yun, naglakbay ang aking diwa sa sari-saring imahinasyon nagbabalik tanaw sa mga munting okasyong tulad nito na namimiss ko gawa ng pagtatrabaho sa abroad.
Naputol na lang bigla ang aking pagmumuni-muni nang parang nananadya'y tinanong ako ng friend ni misis.
"Hanggang kelan ka magtatrabaho sa abroad?"
"Huh? A..eh..sa totoo lang...di ko pa alam.." sagot ko naman sabay lunok ng laway.
Matagal na nga rin akong nagwowork sa labas ng bansa. Walong taon na bagama't paputol-putol nga lang. Sapat na siguro yung dalawang taon pa para hustong sampu. Kadalasan ganun ang naririnig kong planong time frame ng mga OFW. Time frame para makaipon na ng husto at pwede ng magtayo ng sariling negosyo. Pero sapat na nga ba ito sa talagang nararamdaman ng karamihan? Sa nararamdaman ko ng mga sandaling yun ng ako'y tanungin?
Kung anuman ang maging sagot ko sa tanong na yun, ito'y isang desisyon na gagawin ko para sa pamilya ko hindi lang sa sarili ko. At marahil yun din ang magiging sagot ng iba. Bago ako nagdesisyon na magkaroon ng sariling pamilya kinondisyon ko na ang isip ko na hindi madaling ipagkaloob lalo pa't panatilihin ang isang maginhawang buhay sa kanila. Umiikot ang tagumpay at kabiguan. Minsan swerte minsan malas. Pero masakit makita na naapektuhan ang pamilya pag matumal ang daloy ng swerte lalo pa't bata pa mga anak at nag-aaral. Sa panahon ngayon lalo na sa Pinas, kulang na kulang na sa job opportunities lalo na kung nasa middle-age na. Talagang ramdam na ramdam na yung tinatawag na middle-age career crisis. Try mong imaginin yung isang dating senior level manager mula sa isang nagsarang company at kasabay ng mga new grads na naghihintay sa isang job interview. At kung type mong manood ng simulation nito, panoorin mo si Jim Carrie sa Dick and Jane. OMG!
Kaya mabuti naman at bukas na ngayon ang pintuan sa apat na sulok ng daigdig para sa mga opportunities. At dahil sa pag-export ko ng aking professional expertise, isa na kong bayani ng bayan. Siguro nga kung para sa pamilya ko. Ang pagiging breadwinner naman ay isang heroic deed na. Ok lang yun. Kaya lang yung tagline na "bayani ng bayan" sa tingin ko nagmula lang sa isang airline commercial na naging national slogan. Kahit ito nabudburan na rin ng paminta ng pulitika.
Sanhi na rin upang mapagkamalang madatung kasi nga dollar-earner lalo na kung magpopost sa facebook ng mga kodakan mula sa ibat ibang lugar o gimikan samantalang ang totoo ay nagpapalipas lang ng homesick.
Salamat naman at sa panahon ngayon marami at hindi na masyadong mahal ang means of communication kaya sapat na yon para magkaron ako ng second wind para magpatuloy sa pagiging OFW.
Kaya para sa akin hanggang kaya pa ng katawan at masaya naman sa trabaho kahit nagsasakripisyo okey lang yung manatiling OFW. Kahit na middle age ka na at first timer pa. Kumbaga sa mga kasalukuyang OFWs "If it ain't broke, don't fix it." Enjoy your work and savor the opportunity. Ilang beses na akong nakarinig ng mga anunsyo ng ilang OFW na magreretire na sila at magnenegosyo na lang sa Pinas. Kung hindi nangyari, hindi tumagal. Madaling maubos ng mathematics of economics ang perang naipon sa pagtatrabaho sa abroad. At para naman sa mga first timers "Age doesn't matter. Follow your heart." You can listen to the advice of old folks about the loneliness of working away from the family but perhaps with a grain of salt. Nung time naman nila okey lang na magwork sa Pinas kahit na walo pa mga anak. Simple lang ang buhay noon. Kung me TV na kayo noon komportable na pamilya. Sa ngayon makakarinig ka ng "Pa, ako na lang walang cellphone sa klase namin". Kaya yang dramatics ng homesick ngayon daig na ng economics. Kaya bukod sa sariling family, meet your global family.
Ang pagkakataong makapagtrabaho sa abroad upang kumita ng maayos ay isang biyaya mula ke Lord. Ito ang isang purpose Niya.
~ WANDERING POTTER
Manila, Tang N' Ah
-
*galing dito ang larawan*
*"Isa kang Batang 90's kung narinig mo si Duff na nagmura sa harap ng
libu-libong mga Pinoy Gunners."*
Taena, isa lang ang m...
5 years ago