Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Pinoy. Show all posts

Thursday, August 5, 2010

Tuhog Part 2

View Comments

galing DITO ang malinamnam na pektyur


Kung medyo natakam kayo sa mga pambatang pinoy street foods na naikuwento ko sa "Tuhog Part 1", mas tatakamin ko naman kayo sa mga pagkaing paborito ng mga matatandang katulad ko!

Monday, April 19, 2010

The Ring

View Comments

Hindi ako mahilig sa alahas. Alam ito na ng mga taong nakakakilala sa akin. Mas pipiliin ko pa ang bumili at magsuot ng ng mga kuwintas at dalang-dalang (bracelet) na yari sa beads, leather, o iba pang native materials. Mapagsusuoot mo lang talaga ako nito kapag kailangan lang tulad ng mga social gatherings na medyo pormal ang dating. Ito siguro ang dahilan kaya hindi ako naging hip-hopper – hindi kasi ako mahilig sa bling-bling.

Noong kinasal na kami ni misis ay may isang alahas akong sinimulang pakaingatan. Actually, hindi ko ito itinuring na alahas dahil hindi naman ito isang luho na binili para lang pang-kolorete. Noong mga unang linggo pagkatapos naming ikasal ay ilang beses ko itong nakalimutang suotinkapag papasok na ng trbaho. Kailangan ko pa talagang balikan sa bahay kahit na nakasakay na ako ng jeep o tricycle dahil feeling ko ay hindi kumpleto ang pagkatao ko kapag hindi nakasuksok dito ang palasingsingan ko. Natatawa ako sa misis ko kapag sinasabihan niya ako na baka hindi ko daw sinusuoot ang wedding ring namin kapag nakikipag-usap ako sa mga kliyente. Hindi niya lang alam na proud na proud ako sa singsing namin.

Kahit ngayong nandito na ako sa Saudi ay ‘di ko kinakalimutang suotin ang simbolo ng pagiging isa namin.

Minsang nanonood ako kami ng “Family Feud” sa PinoyTV ay naitanong kung ano ang palatandaan na ang isang lalaki ay may asawa na. Siyempre, simple kong isinigaw kay Dingdong Dantes na “wedding ring!”. At tumpak ako dahil ito ang top answer sa isandaang katao na tinanong sa survey.

Minsan namang breaktime namin ay napagkuwentuhan naming magkakasama ang tungkol sa wedding ring. May nagtanong sa isa kong kasamahan kung bakit hindi na niya sinusuot ang singsing nilang mag-asawa (medyo napuna ko na ito dati sa iba pero hindi ko naman na pakialam ‘yun para tanungin pa!). Ang sagot ng kasamahan namin ay “siyempre, single tayo kapag wala sa Pinas...eh bakit ikaw, nasa kaliwa ang singsing mo?!”. Nagtalo sila sa kung saan nga ba isinusuot ang wedding ring, kung sa kanan nga ba o sa kaliwa? Sumingit ako at sinabing sa kanan dapat ang singsing dahil ito ang pagkakaalam kong tama rin. Sabi ko, kaya nga may term na “nangangaliwa” dahil sa kanan ang tama. Sabay napahinto ang lahat... tapos na pala ang coffee break.

Sa totoo lang wala naman talagang tama o mali kung saan dapat inilalagay ang wedding ring. Depende nalang sa kulturang pinaniniwalaan mo. Kung ibabase natin sa Roman at Biblical customs, kanan ang pipiliin mo. Kung pagbabasehan naman ang mga Latin traditions, ang left sa salita nila ay “sinister” habang ang right naman ay “dexter”. Kaya ang pagsuot sa kaliwang kamay para sa kanila ay may negative na implication. Kung naniniwala ka naman sa “vena amoris” o “vein of love” ay isusuot niyo ang singsing sa kaliwang kamay sa paniniwalang may ugat na nasa ring finger papunta sa puso. Sa ngayon, mas maraming nagsusuot sa right hand dahil majority ng tao sa mundo ay kananete.

Hindi kami ng labs ko ang bumili ng wedding rings namin. Regalo ito ng bestfriend niyang si Jescyl. Tandang-tanda ko pa nooong binulungan niya ako na huwag nang isipin ito dahil sila na ni Louie ang bibili sa Bahrain kung saan sila parehong naka-base. Sabi nila ay suwerte ‘yun. Pasalamat talaga kami sa kanila.

Mahalaga ang sinisimbolo ng “band” sa isang couple. Naaalala ko tuloy ‘yung nagpakasal sila Homer at Marge Simpson. Dahil broke sila noong time ng kasal ay onion rings nalang ang ginamit nila. Nakakatawa pero ang daming mag-asawang wala nito na gustong magkaroon. Tapos may mga mag-asawa namang meron nito na hindi naman isinusuot! ‘Di nila naiisip na sila lang ang puwedeng gumamit nito dahil mismong sukat nila ang mga ito. Customized, may pangalan at date pa nila. Kaya nga kahit gaano kamahal ay hindi ito tinatanggap sa sanglaan!

Natatandaan ko ang sabi ng pari na ang mga singsing na hugis bilog ay sumisimbolo sa eternity. Walang katapusan na pagmamahalan ng dalawang nilalang. Hindi ito mabubuwag nino man kung inyong pangangalagaan. Kapag tinitingnan ko ang singsing ko ay pinapaalalahanan ako na may mabuti akong asawa at mga anak na nagmamahal. Ito ang nagpapatatag sa akin dito sa desiyerto. Wala nang iba.

Keep in mind, mga repapips, “Being bandless is never an innocent choice”.

Monday, March 29, 2010

Bakasyon Engrande

View Comments



First time ko mangibang-bansa kaya sa six months na lumipas mula sa una kong paglapag dito sa Saudi ay excited na akong magbakasyon.

Actually, ang unang assignment ko sa trabaho ko dito ay maging reliever sa magbabakasyon. One month na turnover lang at nagpaalam na ang rinelyebohan ko papuntang Pilipinas. Batid ko ang kasiyahan niya dahil bakas sa kanyang mga mata ito. Tulad ko, napadpad siya sa abroad upang kumayod para sa pamilya. At tulad ko rin, five months na preggy ang asawa niya nang iwanan ang Pilipinas. Napagkuwentuhan namin minsan bago siya umalis kung gaano kasarap yung feeling ng makakauwi ka na at makakarga na ang anak mo. Noong bumalik na siya galing bakasyon ay naikuwento naman niya ang pakiramdam na parang ayaw nang bumalik sa Saudi dahil mas gusto niyang makasama yung mga anak nila.

Buti pa nga siya, pangatlong anak na niya yun. Samantalang ako ay una pa lang. Sa picture at video ko lng nakikita ang Wonder Twins namin.

Ilang beses ko nang pinag-isipan na mag-exit nalang para makauwi na. Pero 'di naman ako tanga para gawin iyon. Bukod sa mahal ang babayaran ko sa kumpanya, baka kung saang kangkungan kami pulutin pag-uwi ko!

Ngayong buwan na ito, napakaraming naka-schedule na magbakasyon. Dahil ito sa summer, sa Semana Santa, at sa graduation ng mga anak. Kapag nakikita ko na ang mga "bakasyonista" na hawak na ang kanilang mga passport, masaya na ako. Nagpapaalala kasi sa akin ito na limang buwan nalang at makakasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.

Ano kaya ang mga gagawin namin kapag nagbakasyon ako? Excited na akong makipaglaro sa kambal. Bibo na daw sila at nagre-respond na kapag kinakausap. Mamamasyal kami sa mall at mamimili ng mga gamit nila. Sa Toy Kingdom naman kami mamimili ng mga laruan. Tapos pupunta rin kami sa Ace Water Spa para mag-swimming. Araw-araw ko silang aalagaan kasama ang Supernanay.

Hay, ang sarap ng feeling. Pero ayoko muna masyadong isipin dahil kapag iniisip ko ito ay parang lalong tumatagal ang pagdating ng papalapit na bakasyon ko!

Sunday, January 10, 2010

Katas ng Saudi

View Comments


Kaya pala hinahanap ng bandang Hotdog ang mga nagliliparang jeepneys...

Kaya pala ang classified ads tuwing Linggo sa Pinas ay puno ng "must know have to drive" ang mga openings sa Saudi...

Kaya pala only in the Pilipins lang ang sasakyan nating pampasahero...

Jeepney - isang tunay na tatak Pinoy. Kung merong "Statue of Liberty" ang pinapangarap mong state side, meron naman tayong technicolored stainless jeeps. Dito tayo kilala next to Pacquiao, "balut" at "Imelda's shoe collection". Kahit nga si Robin Williams, napanood ko dati sa "Star Talk" ng "TV Patrol", paborito yung jeepney die-cast model galing sa asawa niyang Pinay.

Hanggang ngayon, 'di pa rin accepted ang salitang "jeepney". Mas acceptable sa Microsoft Word ang salitang "jeep" na hango sa "General Purpose Vehicles" na ginamit noong World War II. "G.P." Vehicles ang more popular term nito. Peksman, Batman. Matapos ang WWII, naiwan sa mga Pinoy ang mga ginamit na GP's sa giyera. At dahil gusto nating mapasakay lahat ng kababayan, rinetoke ito at tinawag na "jeepney".

Dito sa Saudi, alam mo kaagad na Pinoy ang driver ng trailer truck dahil sa mga palatandaan. Sa likuran ay may nakasulat na "Manila With Love", habang sa windshield naman ay may "Mabuhay" na sticker. Bigla mong maaalala ang mga nakalagay din sa likuran ng mga jeepney sa atin, sa bandang hagdan: "Katas ng Saudi" - understood na kaagad ang ibig sabihin. Sa loob naman ay hindi mawawala ang "God Knows, Hudas Not Pay", patama sa mga mahilig mag-1-2-3. Kung nagbabayad ka naman ay dapat mong sundin ang "Barya Lang Po Sa Umaga" kung ayaw mong mamura ni manong na bagong gising.

Kahit na sabihin mang mamahalin lahat ng sasakyan dito, at kahit na ginagawang taxi lang ang "Camry", wala nang mas gagara pa sa makulay na katawan ng mga dyip natin. 'Di na kayang talbugan ng anumang sasakyan ang pinausong design ng Sarao Motors.

Mahigpit dito sa desert dahil kahit na walang pulis, dapat mong sundin ang speed limit. May radar na nagmamanman sa bilis mo. Eh paano kaya kung mga jeepney natin ang humaharurot sa highway dito? Siguradong huli parati dahil 'di naman gumagana ang mga palamuting speedometer.

Kapag papasok na papuntang opisina o site, busina lang ng bus ang senyales na aalis na. Wala ditong mga "barker" na tulad ng nasa terminal ng San Juan..."Isa nalang...lalakad na.", "Nay, ibabayad ba yung bata?", kahit maghapon mong panoorin ay parang 'di napapagod at nauubusan ng laway.

Habang nasa biyahe, naka-on na ang mp3 player ko. Wala naman kasing sounds sa bus namin. Hindi tulad ng mga "patok" na jeepneys natin. Yung boom da bass ang hanep na bumabayo. Yung tipong 'di ka maririnig ng nagmamaneho at kasama niyang sidekick kapag pumapara ka. Yung makikipag-away ka na dahil lumagpas ka na sa bababaan mo.

Talagang maaalala mo bigla ang mga pumapasadang jeepney sa kalsada natin sa Pilipinas. Lalo na kung makakarinig ka sa bansang pinuntahan mo ng "beep beep beep beep!"

Friday, January 8, 2010

The First Christmas Eve

View Comments

September pa lang, ilang days matapos akong lumapag dito, tinatanong ko na yung mga datihan kung ano ang feeling ng nagpa-Pasko na 'di kasama ang mga mahal sa buhay. Top answer, "MALUNGKOT". Eh ano ba naman ang dapat kong i-expect na sagot, "masaya"? Stupid question ng first-timer na nagpipilit pasayahin yung sarili sa pinakamasayang okasyon sa Pinas.

Mag-focus nalang daw sa trabaho para hindi na maisip at hindi makaramdam ng homesick. Dahil sa opisina, bumilis ang araw at hindi ko na naramdaman na malapit na pala ang birthday ni Bro. Wala naman kasing mga Christmas trees sa loob ng flat. Wala namang mga Christmas lights at mga parol na patay-sinding nakasabit sa labas ng mga bahay. Kahit nga yung simpleng "MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR" na madalas na makikitang nakasabit sa salas ng mga tahanang Pinoy, ay 'di mo makikita. Mas naiisip ko pa kung kailan susuweldo ulit.

Misis ko lang ang nagpapaalala sa akin na lumalamig na ang December. Pinapaalala niya na nalulungkot siya dahil malapit na ang Pasko pero magkalayo kami.

Ilang beses ko nang narinig sa mga seniority na masuwerte pa daw kami ngayon. Parang alamat kung ikuwento sa akin, na napakahirap ng communication dati. Sa snail mail, aabot ng isang buwan sa sagutan kahit na special ang binayaran mo. Sa long distance call naman daw, parang pila ng 200million lotto jackpot ang titiisin bago makatawag.

December 24, busy ang lahat ng kabayan. Abala sa chat, abala sa email, at abala sa mobile. Wala na sa wisyong magtrabaho ang bawat isa. Mahirap na daw makakontak sa Pinas kapag malapit na ang Noche Buena. Bawat oras, naiisip mo kung ano na ang ginagawa ng pamilya mo sa Pilipinas. Yung mga nakagawian mong gawin tuwing bisperas.

Kuwentuhan ng mga kung ano ang handa para sa Noche Buena. Kung sino ang mga bisita. Saan ang party. Bawat kuwento, nag-iimagine ka nalang. Thirty years na akong nag-celebrate ng Pasko. Ngayong taon lang ang first time kong mag-isa.

Simple lang ang Christmas Eve dito. Konting kainan. Konting kuwentuhan. Konting batian. Tapos tulog na.

Buti nalang 'di ko na naabutan dito yung kuwento nila na isang Pepsi in can lang ang katapat ng Pasko!

~ NO BENTA

Saturday, November 28, 2009

We Will Inherit the World

View Comments

The figures below were taken from Wikipedia's OFW Population / Statistics:


Flag of the Philippines.svg
Total OFW Population
8,726,520-11,000,000 estimates 
Regions with significant populations
 United States
2,802,586
 Saudi Arabia
1,066,401
 UAE
529,114
 Canada
462,935
 Australia
250,347
 Malaysia
244,967
 United Kingdom
203,035
 Japan
202,557
 Qatar
195,558
 Singapore
156,466
 Kuwait
139,802
 Hong Kong
130,537
 Italy
120,192
 South Korea
80,715
 Taiwan
74,010
 Germany
54,336
 France
47,075
 Bahrain
44,703
 Spain
41,780
 Israel
36,880
 Greece
29,344
 Lebanon
25,818
 Macau
23,348
 New Zealand
23,023
 Guam
22,567
 Norway
20,035
 Netherlands
19,163
 Sweden
18,435
 Ireland
16,832
 Papua New Guinea
12,932
 Switzerland
12,042


Sa estimated 92 million na population ng Pilipinas, estimated 11 million or 12% ang OFW's.

Magtataka ka pa ba kung bakit bawat lugar sa mundo ay may marunong magsalita ng Tagalog? Magtataka ka pa ba kung bakit may mga dedicated Filipino Stores sa ibang bansa? Magtataka ka pa ba kung bakit kailangang may TFC ang ABS-CBN at PinoyTV ang GMA7?

SIGURO HINDI NA.

Mula skilled workers hanggang professinal level, papasukin ng mga Pinoy. Wala na siguro kasing makitang pag-asa sa Lupang Hinirang.

Huwag ka na rin magtaka na balang araw ay magiging "Super Power" ang Pinas. Ang mga nag-aalaga sa mga future leaders ng ibang bansa ay Pinay. Ang cook ng White House ay Pinay. Yung nakaimbento ng "iloveyou virus", nasa Pentagon na raw.

WE WILL DOMINATE THE WORLD!!

~ NO BENTA

B'LOG ANG MUNDO

View Comments

Photobucket


BILOG ANG MUNDO..


Isang tagay sa lahat ng mga Bayaning Pinoy na nasa apat na sulok ng sanlibutan.

Ang sarap mapanood sa TV na nakakatulong tayo sa ating bayan. Tayong mga OFW's daw ang nagpapalago ng dollar reserves ng Pilipinas. Pero nakakalungkot aminin na hindi naman sa kapakanan ng bansa natin ang dahilan kung bakit tayo nagpapakahirap sa lupain ng mga dayuhan.


PAMILYA ang dahilan. Period. Wala nang iba pa.


Kung sapat lang sana ang kinikita natin sa lupang sinilangan, 'di na tayo kailangang mangibang-bansa at iwanan ang kani-kaniyang pamilya kapalit ng dolyares.

Dollars - ang sarap ng feeling kapag nasa kamay mo na. Katumbas lang naman nito ay lungkot, saya, hirap, at ginhawa.


Samahan niyo kami at lasapin ang buhay ng mga Pinoy sa ibang bansa.

~ NO BENTA

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker