Thursday, August 5, 2010

Tuhog Part 2

galing DITO ang malinamnam na pektyur


Kung medyo natakam kayo sa mga pambatang pinoy street foods na naikuwento ko sa "Tuhog Part 1", mas tatakamin ko naman kayo sa mga pagkaing paborito ng mga matatandang katulad ko!

Unahin natin sa itlog na paborito nating lahat. Matagal nang napatunayan ng mga scientists na itlog ang nauna kaysa sa manok o kung anu-ano pang klase ng ibon dahil si Adan ang unang ginawa ni Bro. Bukod kina Pacquiao at Imelda Marcos, kilala ang lahi natin sa pag-murder sa mga kawawang ducklings. Yes, nakakasawa na ikuwento pero ang BALUT ang isa sa mga kinakatakunang kainin ng mga kawawang foreiners. Ano ba ang kakaiba sa itlog na may sabaw sa loob at bawal itong i-hand carry sa eroplano? Hindi rin naman nakakadiring kumain ng maliit na itik na mabalahibo na, buo na ang kuko sa paa, at may tuka na! Sa mga medyo nag-iinarteng makakita ng sisiw, ang binibili nalang nila ay BALUT SA PUTI. Kung talagang ayaw mo nito ay meron namang kamag-anak na PENOY. Panalo ang bitbit ni manong na binurong siling may kaunting suka. Hindi rin kumpleto kung walang rock salt na ibubudbod.


Pero hindi dito nagtatapos ang masalimuot na buhay ng itlog dahil ang mga bugok na kasamahan nila ay nagiging ABNOY (ito ang tawag sa'min) o KWEK-KWEK sa karamihan. Ito 'yung itlog na binalutan ng harina na sagana sa food coloring na orange. Take note, ito ang nakasanayang kulay kaya huwag kang gagamit ng iba kung ayaw mong malugi ang iyong paninda. Although wala namang kinalaman ang kulay sa lasa, parang 'di ko kayang kumain kung kulay red o yellow. Kung itlog ng manok ang ginamit, ang nagiging pangalan nito ay HEPALOG habang ang tawag naman sa smaller version na itlog ng pugo ang ginagamit ay TUKNENENG. Tulad ng fishballs, may sauce din ito na matamis, maanghang, at tamis-anghang pero mas popular sa mga parokyano ang suka na kumpleto sa sili, bawang, sibuyas, at pipino. Kung gusto niyong maka-experience ng masarap na tuhugan, recommended ko ang hepatitis avenue sa Morayta. The best ang tinda nila manong at manang doon!

Kung itlog pa lang ay hindi natin pinapatawad, paano pa kaya ang mismong manok? Ang mga kawawang sisiw na namatay pagkatapos nilang mapisa ang itlog ay laman tiyan na para sa'ting mga noypi. ONE DAY OLD ang tawag ng karamihan dito pero mas gusto namin itong tawagin na ANDOKITO'S. Masarap itong kainin lalo na kapag crispy. May nainuman akong bar ma kasama sa menu nila ito pero nang tikman ko ay 'di ko nagustuhan ang "sosi" na pagkakaluto nila. Mas masarap pa rin talaga ang madumi!

Ang manok na yata ang pinakakawawang hayop dahil 'yung tuka, kuko, at balahibo lang ang hindi natin pinapatawad (oy, kinakain rin ang palong at kurbata!). Maraming ayaw sa balat ng manok dahil sa cholesterol pero paborito ko ang tinitindang CHICKEN SKIN sa kanto namin dahil mas mura ito sa hotshots ng KFC. 

Sa barbecue-han, manok ang kalaban ng baboy dahil ang daming parte nito ang puwedeng ihawin. Ang ulo o HELMET na mapakasarap supsupin dahil sa mata at utak ng chicken. Sa mga matatakaw, mas gusto nila ang HELMET with NECK. Ang CHICKEN ASS, na obviously ay puwet, ay paborito naman ng mga gustong ma-highblood. Paborito ko itong pulutan kapag hard ang iinumin. Dapat ay marunong naman maglinis ng bituka sila manong kung ayaw nilang maglasang tae ang paninda nilang IUD o isaw. Ganun din dapat sa paglinis ng mga paa para masarap ngatngatin ang ADIDAS. Hindi ko alam kung ano ang nakasanayang tawag sa atay, balunan, at puso pero kasama rin ito sa mga puwedeng i-barbecue. BETAMAX naman ang paborito ng mga fans ng Twilight at mga taong mala-vampire ang lifestyle. Suka pa lang ay ulam na kapag bumili ka nito para gawing instant dinner.

Hindi rin naman magpapahuli ang kaibigang si Piggy dahil marami rin siyang puwedeng ialay sa kagutuman natin. Tulad ng manok, meron din siyang isaw. Pero ang sa kanya ay may dalawang klase - SMALL at LARGE INTESTINES. Pahaba 'yung small at pabilog naman ang large. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang dinadaanan ng tae pero mas malasa 'yung malalaki. Kung mayroong betamax, meron namang WALKMAN na mas masarap kung medyo tostado; 'yung medyo pumuputok-putok na tulad ng gusto kong pagkaluto rin sa BALAT. Siyempre, hindi mawawala ang traditional na PORK BARBECUE na karne naman ng baboy. Sa ibang lugar sa Manila ay nagulat ako nang matikaman ang mga ito na hindi inihaw kundi ipinirito na may breading.

Speaking of breading, hindi rin mawawala sa listahan natin ang CALAMARES na sabi ng iba ay gawa raw sa pusit na may formalin. Kamag-anak nito ang breaded na pinutol-putol na CHICKEN NECK na parang fried chicken na rin ang pagkakatimpla.


Ayon sa kay pareng WikiPilipinas, ang Top 10 Pinoy Street Foods ay ang mga sumusunod:

01. Banana Cue
02. Isaw
03. Kamote Cue
04. Fishballs
05. Kwek-Kwek
06. Adidas
07. Turon
08. Betamax
09. Taho
10. Iskrambol

Ang sarap talaga ng mga pagkain natin sa Pilipinas. Kaya nga sobrang nami-miss ko ito dahil wala naman nito sa Saudi. Sa darating na bakasyon ko ay sisiguraduhin kong makakatuhog ako ng masarap!

Mga parekoys at marekoys, last entry ko na nga pala muna ito for this month. Getting ready for the big day! Salamat sa mga madalas tumambay dito!! Blogenroll \m/




blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker