Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Monday, July 19, 2010

Tahanan ng mga OFWs

View Comments

 ang mga inspirasyon ko sa pagiging isang OFW

Bilog ang Mundo at saan ka man magpunta ay may mga Pilipino. Ang nakilala nating daigdig ay itinuring na nating isang malaking Pilipinas.

Kung tatanungin mo ang isang kababayan kung paano siya naligaw sa bansang kanyang pinuntahan kapalit ng Pinas ay sasagutin ka niya malamang ng "Para sa pamilya." na walang halong pag-aalinlangan. Hindi ka na magugulat sa ganito dahil likas naman sa atin ang pagiging "family-oriented". Nasa pre-school pa lang ay itinuro na sa atin na ang isang bahay ay nagiging tahanan lamang kung ang mag-anak na binubuo ng tatay, nanay, mga anak, lolo, lola, ni muning, at ni bantay ay lubos na nagmamahalan.

Kung ang definition ng lahat ng eskuwelahan ay  ganito, ang ibig sabihin din ba ay hindi qualified ang lahat ng OFWs magkaroon ng isang matatag at masayang tahanan dahil kulang silang pamilya?

Tuesday, June 1, 2010

Pahabol sa Summer

View Comments


June na...pasukan na naman ng mga bata. Kasama rin dito ang mga matatandang gustong manatiling bata para walang problema sa pagraket ng pera! Yup, tapos na ang summer sa Pilipinas pero dito sa Saudi ay parang walang hangganan. Paano ba naman, napakatindi magpasikat ng araw at lagi pang overtime kung magpahinga. Ang init dito ay nasa forty hanggang forty-five degrees - puwede kang magprito ng itlog sa hood ng sasakyan mong nabilad lang ng ilang minuto. Ang sunset naman dito ay past seven na ng gabi kaya maliwanag pa rin na akala mo ay ala-singko pa rin ng hapon.

Monday, April 19, 2010

The Ring

View Comments

Hindi ako mahilig sa alahas. Alam ito na ng mga taong nakakakilala sa akin. Mas pipiliin ko pa ang bumili at magsuot ng ng mga kuwintas at dalang-dalang (bracelet) na yari sa beads, leather, o iba pang native materials. Mapagsusuoot mo lang talaga ako nito kapag kailangan lang tulad ng mga social gatherings na medyo pormal ang dating. Ito siguro ang dahilan kaya hindi ako naging hip-hopper – hindi kasi ako mahilig sa bling-bling.

Noong kinasal na kami ni misis ay may isang alahas akong sinimulang pakaingatan. Actually, hindi ko ito itinuring na alahas dahil hindi naman ito isang luho na binili para lang pang-kolorete. Noong mga unang linggo pagkatapos naming ikasal ay ilang beses ko itong nakalimutang suotinkapag papasok na ng trbaho. Kailangan ko pa talagang balikan sa bahay kahit na nakasakay na ako ng jeep o tricycle dahil feeling ko ay hindi kumpleto ang pagkatao ko kapag hindi nakasuksok dito ang palasingsingan ko. Natatawa ako sa misis ko kapag sinasabihan niya ako na baka hindi ko daw sinusuoot ang wedding ring namin kapag nakikipag-usap ako sa mga kliyente. Hindi niya lang alam na proud na proud ako sa singsing namin.

Kahit ngayong nandito na ako sa Saudi ay ‘di ko kinakalimutang suotin ang simbolo ng pagiging isa namin.

Minsang nanonood ako kami ng “Family Feud” sa PinoyTV ay naitanong kung ano ang palatandaan na ang isang lalaki ay may asawa na. Siyempre, simple kong isinigaw kay Dingdong Dantes na “wedding ring!”. At tumpak ako dahil ito ang top answer sa isandaang katao na tinanong sa survey.

Minsan namang breaktime namin ay napagkuwentuhan naming magkakasama ang tungkol sa wedding ring. May nagtanong sa isa kong kasamahan kung bakit hindi na niya sinusuot ang singsing nilang mag-asawa (medyo napuna ko na ito dati sa iba pero hindi ko naman na pakialam ‘yun para tanungin pa!). Ang sagot ng kasamahan namin ay “siyempre, single tayo kapag wala sa Pinas...eh bakit ikaw, nasa kaliwa ang singsing mo?!”. Nagtalo sila sa kung saan nga ba isinusuot ang wedding ring, kung sa kanan nga ba o sa kaliwa? Sumingit ako at sinabing sa kanan dapat ang singsing dahil ito ang pagkakaalam kong tama rin. Sabi ko, kaya nga may term na “nangangaliwa” dahil sa kanan ang tama. Sabay napahinto ang lahat... tapos na pala ang coffee break.

Sa totoo lang wala naman talagang tama o mali kung saan dapat inilalagay ang wedding ring. Depende nalang sa kulturang pinaniniwalaan mo. Kung ibabase natin sa Roman at Biblical customs, kanan ang pipiliin mo. Kung pagbabasehan naman ang mga Latin traditions, ang left sa salita nila ay “sinister” habang ang right naman ay “dexter”. Kaya ang pagsuot sa kaliwang kamay para sa kanila ay may negative na implication. Kung naniniwala ka naman sa “vena amoris” o “vein of love” ay isusuot niyo ang singsing sa kaliwang kamay sa paniniwalang may ugat na nasa ring finger papunta sa puso. Sa ngayon, mas maraming nagsusuot sa right hand dahil majority ng tao sa mundo ay kananete.

Hindi kami ng labs ko ang bumili ng wedding rings namin. Regalo ito ng bestfriend niyang si Jescyl. Tandang-tanda ko pa nooong binulungan niya ako na huwag nang isipin ito dahil sila na ni Louie ang bibili sa Bahrain kung saan sila parehong naka-base. Sabi nila ay suwerte ‘yun. Pasalamat talaga kami sa kanila.

Mahalaga ang sinisimbolo ng “band” sa isang couple. Naaalala ko tuloy ‘yung nagpakasal sila Homer at Marge Simpson. Dahil broke sila noong time ng kasal ay onion rings nalang ang ginamit nila. Nakakatawa pero ang daming mag-asawang wala nito na gustong magkaroon. Tapos may mga mag-asawa namang meron nito na hindi naman isinusuot! ‘Di nila naiisip na sila lang ang puwedeng gumamit nito dahil mismong sukat nila ang mga ito. Customized, may pangalan at date pa nila. Kaya nga kahit gaano kamahal ay hindi ito tinatanggap sa sanglaan!

Natatandaan ko ang sabi ng pari na ang mga singsing na hugis bilog ay sumisimbolo sa eternity. Walang katapusan na pagmamahalan ng dalawang nilalang. Hindi ito mabubuwag nino man kung inyong pangangalagaan. Kapag tinitingnan ko ang singsing ko ay pinapaalalahanan ako na may mabuti akong asawa at mga anak na nagmamahal. Ito ang nagpapatatag sa akin dito sa desiyerto. Wala nang iba.

Keep in mind, mga repapips, “Being bandless is never an innocent choice”.

Monday, April 12, 2010

Dear (Mga) Utol

View Comments

Utol kong sina Jeff at Pot


Bunso naming si Carlo at Ako


Nezelle, Ako, Geline, Bobot


The Brood ( Nezelle,Ako, Mat, Geline)


Kuha bago ako pumuntang Saudi




Dear Kuya – Sugarfree Music Code




Dear kuya, kumusta ka na dyan? 
Anong balita, malamig ba dyan? 
Dito mainit pero kung bumagyo, 
para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito 
Matagal na rin, mula nang ika’y magpasyang subukan 
ang swerte, at abutin ang yong mga pangarap 
Sa ibang bansa kung saan ikaw ay lagging mag-isa 
kami tuloy dito, nag-aalala 

[chorus] 
Nasan ka man ngayon, ano mang oras na 
ika’y may kailangan, tawag ka lang sa amin 
at parang nandito ka na rin 

Oo nga pala, kung nasayo pa ang checkered na 
polo ko, sa yo na yan. Hanap ka na rin 
ng maraming mapapaglibangan dahil balita ko 
mahal daw ang sine dyan 
Dambuha daw mga pinapakain dyan 
tataba ka malamang. Miss mo bang magtagalog? 
Kuya pag may kumausap sayo 
galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya 

[chorus ulit tapos] 

Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy sulat ka palagi. 
Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong 
san ka raw nagpunta? san ka raw nagpunta? 
Nasan ka na…Kuyaaaaa.......



Buti pa si Ebe ng Sugarfree, lagi akong naaalala sa tuwing pinapakinggan ko sa celfone ko ang kanta nila na kasama sa Original Soundtrack list ng aking Buhay Saudi. Kaya heto, sasagutin ko na ang liham niya at ito'y inaalay ko sa tatlong bugok kong kapatid na sila Pot, Jeff, at Carlo. Kasama rin dito ang mga kapatid ko sa labas na sila Geline, Mat, Nezelle, at Bobot. Ayokong tinatawag na "kuya" dahil feeling ko ay tumatanda ako pero ok lang sa mga pagkakataong katulad nito.

Dear (Mga) Utol,

Okay lang ako dito. Malaki na 'yung pinapaalagaang camel sa'kin ng boss ko. Tuwang-tuwa nga siya dahil nanganak na ito ng napakalusog na babae. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ako ang ama! Dito sa Saudi, mahal ang mga kamelyo. Ang sabi sa akin ng mga matagal dito ay mahal ang babayaran mo kapag nakasagasa ka nito - hanggang sa pinakaapo daw ang computation.

Nabalitaan ko nga sa 24oras na napakainit diyan, umabot daw ng 37 degrees! Nag-aalala tuloy ako sa mga pamangkin niyong kambal, baka lagi silang napapawisan. Kung nandiyan ako, baka hindi na ako sanay dahil mas mainit dito. Pero ok lang dahil magdamagan naman ang aircon dito. Kapag malamig dito, mas malamig pa sa Baguio. At kung mainit naman ay talagang napakainit. Lahat ng mga tao dito ay gumagamit ng lotion at moisturizer para maalagaan ang balat. Hayaaan niyo, dadalhan ko kayo ng Nivea at mga sabon pag-uwi ko para lumambot naman ang mga kalyo niyo. Umuulan din dito minsan sa isang taon at nagpipiyesta ang mga bado kapag nangyayari ito. Noong minsang umambon dito ay binaha ang Jeddah. Natamaan din kami dito sa Rabigh kaya wala kaming pasok nang mangyari iyon. 'Di kasi kasama sa design dito ang sewerage system kaya ganoon ang resulta! Sana umulan na diyan para mapuno na ang mga dam ng Pinas at mawala na ang shortage sa kuryente at tubig. Punta nalang muna kayo sa Imelda Falls sa Majayjay para maglublob sa malamig na tubig!

Nakaka-pitong buwan na ako dito at malapit na ang pinakaaabangan kong bakasyon. Sa August na 'yun, huwag kayong mawawala sa binyag ng anak naming Wonder Twins na sila Les Paul at Lei Xander ha. May balak pa rin ba kayong mag-abroad? Susuportahan ko kayo sa trip niyo basta kayanin niyo lang ang hirap dito ha. Madaling kumita ng pera pero ang emotions mo ang kailangan mong kontrolin at labanan. Kaya niyo ba 'yun?!

Oo nga pala Tol (Pot), wala sa akin 'yung checkered mong polo pero nadala ko dito 'yung puti mong Vans na t-shirt. Okay lang naman siguro sa'yo dahil nakita ko sa FB account mo 'yung t-shirt ko na "AbsoFuckingLutely". Quits na tayo, bagay rin naman sa'yo 'yun basta't huwag kang magpapalaki ng tiyan dahil medyo fit ang pagkayari niyan.

Walang sine dito pero maraming channels ang teevee namin. Ang huling napanood namin ni misis bago ako umalis diyan ay "Transformers 2", "The Time Traveler's Wife", at "Up". Nagiging updated lang ako sa mga pelikula through internet. Kilala niyo naman ako na mahilig sa movies kaya ayokong nahuhuli sa palabas. Yun nga lang, puro mga lecheserye ng PinoyTV ang kadalasang pinapanood dito kaya nagsa-soundtrip nalang ako at naglalaro ng "Plants Vs. Zombies" sa netbook ko. Kapag may time sa mga bagong movies na nahihingi ko sa mga kasamahan ko dito, sa celfone ko nalang pinagta-tiyagaang panoorin gamit ang DivX player. Nakakanood lang ako ng pelikula sa Fox at MBC kapag nagsasawa na sila sa mga punyemas na palabas ng Siyete. At kadalasan, ang paggawa nalang ng mga entries sa blogs ko ang tinututukan ko para maaliw.

Dambuhala at napakarami rin ng pagkain dito kaya nakakalimutan ko madalas ang "diet". Eh paborito ko pa naman ang shawarma plate dito na ang katumbas ay limang jumbo rolls sa Waltermart. Yung lechon at barbecue na manok ay napakamura din. Samahan mo pa ng broast chicken na equivalent naman ng 4pc chicken joy complete with fries at bread roll. Nakita niyo naman siguro sa mga nakaraan kong entries na "Yamang-Dagat" at "Ganito Kami 'Pag Sahod" ang tinutukoy ko. Huwag kayong mag-alala dahil ang tunay na lalaki ay walang abs... puro tabs!

'Di mo kailangan ng fluent english dito. Parang barok dapat tulad ng pakikipag-usap ko sa mga dati kong boss sa Pinas na dayuhan din. Sinisimulan ko na ang mag-aral ng Arabic dahil kailangan din natin ito for security, defense, at socializing. Mayroon na akong mp3's at handbooks para sa tamang pronunciation ng mga basic words na ginagamit dito. Humanda kayo dahil aarabuhin ko kayo pagdating!

Sabi niyo sa akin bago ako umalis ay "text text nalang" at "tawag ka lang" kung maiinip ako dito. Mga kups kayo, bakit wala man lang nagrereply sa inyo kapag nagtetext ako?! Pinaliwanag ko naman sa inyo na ganun din naman ang singil kapag sa roaming sim ko kayo nagreply. Atsaka sana ay magpaalam naman kayo kapag nagcha-chat tayo sa FB at YM. 'Yun ay kung magrereply kayo sa messages ko. Hindi naman ako naka-invisible o offline! Nagbago ba kayo ng sim o naputulan sa mobile plans niyo? Sana nga lang.

Hanggang dito nalang dahil humahaba na ang kuwento ko. mag-ingat sila sa inyo palagi.


Nangangalampag at Nagpaparamdam,

Ang Panganay na Kapatid


P.S.

Ganito yata talaga kapag biglang naiisip mo na hindi ka na naaalala ng mga kapatid at kaibigan mo sa buhay!

Wednesday, December 2, 2009

OFW, Expats, Whatever

View Comments

Dito palang sa titles nagkakatalo-talo na. OFW or Expats. Yung “o” sa pagitan ng dalawang titles na ito ang boundary line ng tila separation of classes o caste system defined by the job nature of Filipinos working overseas. Kung blue collar ka employed in a construction company as a carpenter, plumber, mason, etc OFW ka. Kung ikaw naman ay nasa senior management level ung tipong nakasuot ng kurbata pag nasa office at naka-casual shirt wearing a safety helmet pag nasa field Expat ka. Best example nito yung isang political ad noon sa TV showing Pinoys working overseas at different levels. Narun ung mga construction workers sweating it out under the scorching heat of the sun pero nakangiti pa rin - OFW. Then ung isang Pinoy supervisor naman with beetling brow na naka-casual golf shirt at safety helmet reading a blueprint to his crew - Expat.

Funny pero nakataas ang isang kilay.

But the truth is OFW or Expat they have the same definition and therefore are the same equal titles. A Filipino who is working on a foreign assignment. But I have met some people who strongly object being addressed as OFW. They seem to connote that OFWs are the domestic helpers, construction crew, caregivers, chauffeurs, cooks, orderlies, etc. On the other hand, Expats are those who are in the managerial or consultant levels. But strictly by definition, they are all the same. Pinoys who work overseas are all expatriates (ex – out, patria – country) no matter what the jobs are. Perhaps we were only used to associating the title Expat to white people which local companies in Pinas hire. And generally they hold the top level management positions. Therefore the misperception stuck. I would call it simply corporate myth as they can also be categorized as Overseas Foreign Wimps err.. I mean Workers, sorry. So going back to the “o” that separates the OFW and Expats mentioned earlier, there seems to be a shadow of discrimination looming among Pinoys separated by these two titles. And sometimes one is promoted from “OFW” to “Expat” because of seniority.

Napansin ko na agad ito nung first time ako magwork abroad. Hindi komportable yung mga fellow Pinoy colleagues ko na matagal na sa company na matawag o ma-address silang OFW. Immediately they cut the conversation and correct the speaker that they are indeed Expats not OFW. “Mga expats tayo dito at hindi mga OFW” they profess. Wha…? Ok the speaker stands corrected. Pero what’s the big fuss? Sadly there IS a big fuss. It creates a caste system among Pinoy employees belonging to different levels of job positions. It spawns jealousy and eventually devolves into disunity. Once again highlighting the notorious perception that the crab mentality lurks in every Pinoy migrant worker.

My present thoughts tell me that every Pinoy who works overseas share a common cause. Family. And because of that feeling of love and belongingness towards that small but vital unit of society the Lord has blessed us all, we chase our dreams wherever they go to provide the best to all our beloved. And in our journey we build new families with Pinoy colleagues in host countries that adopted us. The moment I decided to be an OFW or Expatriate, I long omitted the “o” that separates them.

~ WANDERING POTTER

Saturday, November 28, 2009

Pagtatrabaho ng malayo sa pamilya - Hanggang kelan?

View Comments

Nakabakasyon ako sa Pinas minsan nitong taon. Naimbita kami ng isang mommy na friend ni misis dahil birthday ng anak nito at magti-treat daw siya ng pizza. Isang munting celebration at naibahagi pa sa amin ng kanyang kaibigan kaya para sakin lumabas talaga itong special treatment. Ang nakatutuwa pa rito matalik na magkaibigan ang kanyang anak at aming anak na parehong nasa Grade V sa boy's school. Kaya ako nama'y giliw na giliw na nanonood sa dalawang batang nagbobonding habang naglalaro ng kanya-kanyang Nintendo DS samantalang ang aking asawa nama'y busy rin sa pakikipagkwentuhan. At sa mga sandaling yun, naglakbay ang aking diwa sa sari-saring imahinasyon nagbabalik tanaw sa mga munting okasyong tulad nito na namimiss ko gawa ng pagtatrabaho sa abroad.

Naputol na lang bigla ang aking pagmumuni-muni nang parang nananadya'y tinanong ako ng friend ni misis.

"Hanggang kelan ka magtatrabaho sa abroad?"

"Huh? A..eh..sa totoo lang...di ko pa alam.." sagot ko naman sabay lunok ng laway.

Matagal na nga rin akong nagwowork sa labas ng bansa. Walong taon na bagama't paputol-putol nga lang. Sapat na siguro yung dalawang taon pa para hustong sampu. Kadalasan ganun ang naririnig kong planong time frame ng mga OFW. Time frame para makaipon na ng husto at pwede ng magtayo ng sariling negosyo. Pero sapat na nga ba ito sa talagang nararamdaman ng karamihan? Sa nararamdaman ko ng mga sandaling yun ng ako'y tanungin?

Kung anuman ang maging sagot ko sa tanong na yun, ito'y isang desisyon na gagawin ko para sa pamilya ko hindi lang sa sarili ko. At marahil yun din ang magiging sagot ng iba. Bago ako nagdesisyon na magkaroon ng sariling pamilya kinondisyon ko na ang isip ko na hindi madaling ipagkaloob lalo pa't panatilihin ang isang maginhawang buhay sa kanila. Umiikot ang tagumpay at kabiguan. Minsan swerte minsan malas. Pero masakit makita na naapektuhan ang pamilya pag matumal ang daloy ng swerte lalo pa't bata pa mga anak at nag-aaral. Sa panahon ngayon lalo na sa Pinas, kulang na kulang na sa job opportunities lalo na kung nasa middle-age na. Talagang ramdam na ramdam na yung tinatawag na middle-age career crisis. Try mong imaginin yung isang dating senior level manager mula sa isang nagsarang company at kasabay ng mga new grads na naghihintay sa isang job interview. At kung type mong manood ng simulation nito, panoorin mo si Jim Carrie sa Dick and Jane. OMG!

Kaya mabuti naman at bukas na ngayon ang pintuan sa apat na sulok ng daigdig para sa mga opportunities. At dahil sa pag-export ko ng aking professional expertise, isa na kong bayani ng bayan. Siguro nga kung para sa pamilya ko. Ang pagiging breadwinner naman ay isang heroic deed na. Ok lang yun. Kaya lang yung tagline na "bayani ng bayan" sa tingin ko nagmula lang sa isang airline commercial na naging national slogan. Kahit ito nabudburan na rin ng paminta ng pulitika.

Sanhi na rin upang mapagkamalang madatung kasi nga dollar-earner lalo na kung magpopost sa facebook ng mga kodakan mula sa ibat ibang lugar o gimikan samantalang ang totoo ay nagpapalipas lang ng homesick.

Salamat naman at sa panahon ngayon marami at hindi na masyadong mahal ang means of communication kaya sapat na yon para magkaron ako ng second wind para magpatuloy sa pagiging OFW.

Kaya para sa akin hanggang kaya pa ng katawan at masaya naman sa trabaho kahit nagsasakripisyo okey lang yung manatiling OFW. Kahit na middle age ka na at first timer pa. Kumbaga sa mga kasalukuyang OFWs "If it ain't broke, don't fix it." Enjoy your work and savor the opportunity. Ilang beses na akong nakarinig ng mga anunsyo ng ilang OFW na magreretire na sila at magnenegosyo na lang sa Pinas. Kung hindi nangyari, hindi tumagal. Madaling maubos ng mathematics of economics ang perang naipon sa pagtatrabaho sa abroad. At para naman sa mga first timers "Age doesn't matter. Follow your heart." You can listen to the advice of old folks about the loneliness of working away from the family but perhaps with a grain of salt. Nung time naman nila okey lang na magwork sa Pinas kahit na walo pa mga anak. Simple lang ang buhay noon. Kung me TV na kayo noon komportable na pamilya. Sa ngayon makakarinig ka ng "Pa, ako na lang walang cellphone sa klase namin". Kaya yang dramatics ng homesick ngayon daig na ng economics. Kaya bukod sa sariling family, meet your global family.

Ang pagkakataong makapagtrabaho sa abroad upang kumita ng maayos ay isang biyaya mula ke Lord. Ito ang isang purpose Niya.

~ WANDERING POTTER

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker