Showing posts with label homesick. Show all posts
Showing posts with label homesick. Show all posts

Thursday, December 23, 2010

Cats in the Cradle

View Comments







Isang tulog nalang, Noche Buena na. 

Para sa mga tulad kong malayo sa pamilya sa araw ng Pasko, hindi maiiwasan ang mag-isip ng kung anu-anong bagay tungkol sa pamilya. Ayokong sirain ang ang kasiyahan pero mukhang tinamaan yata ako ng taenang homesickness. Ewan ko ba kung bakit kaninang umaga ko pa nakakanta sa naglalaro kong isipan ang CATS IN THE CRADLE.

Para sa mga 'di nakakaalam, isa itong kanta na pinasikat ni Harry Chapin, isang folk rock artist, noong 1974. Nagkaroon na ito ng maraming renditions kabilang na ang kina Cat Stevens at Johnny Cash. Ang pinakagusto kong version nito ay ang sa Ugly Kid Joe na sumikat noong Dekada NoBenta. Maganda sa pandinig ang kanta pero kung susuriin ang mga salita, isang masaklap na katotohanan itong sumasalamin sa buhay ng mga OFWs na katulad ko.

Tuesday, June 1, 2010

Pahabol sa Summer

View Comments


June na...pasukan na naman ng mga bata. Kasama rin dito ang mga matatandang gustong manatiling bata para walang problema sa pagraket ng pera! Yup, tapos na ang summer sa Pilipinas pero dito sa Saudi ay parang walang hangganan. Paano ba naman, napakatindi magpasikat ng araw at lagi pang overtime kung magpahinga. Ang init dito ay nasa forty hanggang forty-five degrees - puwede kang magprito ng itlog sa hood ng sasakyan mong nabilad lang ng ilang minuto. Ang sunset naman dito ay past seven na ng gabi kaya maliwanag pa rin na akala mo ay ala-singko pa rin ng hapon.

Monday, April 12, 2010

Dear (Mga) Utol

View Comments

Utol kong sina Jeff at Pot


Bunso naming si Carlo at Ako


Nezelle, Ako, Geline, Bobot


The Brood ( Nezelle,Ako, Mat, Geline)


Kuha bago ako pumuntang Saudi




Dear Kuya – Sugarfree Music Code




Dear kuya, kumusta ka na dyan? 
Anong balita, malamig ba dyan? 
Dito mainit pero kung bumagyo, 
para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito 
Matagal na rin, mula nang ika’y magpasyang subukan 
ang swerte, at abutin ang yong mga pangarap 
Sa ibang bansa kung saan ikaw ay lagging mag-isa 
kami tuloy dito, nag-aalala 

[chorus] 
Nasan ka man ngayon, ano mang oras na 
ika’y may kailangan, tawag ka lang sa amin 
at parang nandito ka na rin 

Oo nga pala, kung nasayo pa ang checkered na 
polo ko, sa yo na yan. Hanap ka na rin 
ng maraming mapapaglibangan dahil balita ko 
mahal daw ang sine dyan 
Dambuha daw mga pinapakain dyan 
tataba ka malamang. Miss mo bang magtagalog? 
Kuya pag may kumausap sayo 
galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya 

[chorus ulit tapos] 

Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy sulat ka palagi. 
Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong 
san ka raw nagpunta? san ka raw nagpunta? 
Nasan ka na…Kuyaaaaa.......



Buti pa si Ebe ng Sugarfree, lagi akong naaalala sa tuwing pinapakinggan ko sa celfone ko ang kanta nila na kasama sa Original Soundtrack list ng aking Buhay Saudi. Kaya heto, sasagutin ko na ang liham niya at ito'y inaalay ko sa tatlong bugok kong kapatid na sila Pot, Jeff, at Carlo. Kasama rin dito ang mga kapatid ko sa labas na sila Geline, Mat, Nezelle, at Bobot. Ayokong tinatawag na "kuya" dahil feeling ko ay tumatanda ako pero ok lang sa mga pagkakataong katulad nito.

Dear (Mga) Utol,

Okay lang ako dito. Malaki na 'yung pinapaalagaang camel sa'kin ng boss ko. Tuwang-tuwa nga siya dahil nanganak na ito ng napakalusog na babae. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ako ang ama! Dito sa Saudi, mahal ang mga kamelyo. Ang sabi sa akin ng mga matagal dito ay mahal ang babayaran mo kapag nakasagasa ka nito - hanggang sa pinakaapo daw ang computation.

Nabalitaan ko nga sa 24oras na napakainit diyan, umabot daw ng 37 degrees! Nag-aalala tuloy ako sa mga pamangkin niyong kambal, baka lagi silang napapawisan. Kung nandiyan ako, baka hindi na ako sanay dahil mas mainit dito. Pero ok lang dahil magdamagan naman ang aircon dito. Kapag malamig dito, mas malamig pa sa Baguio. At kung mainit naman ay talagang napakainit. Lahat ng mga tao dito ay gumagamit ng lotion at moisturizer para maalagaan ang balat. Hayaaan niyo, dadalhan ko kayo ng Nivea at mga sabon pag-uwi ko para lumambot naman ang mga kalyo niyo. Umuulan din dito minsan sa isang taon at nagpipiyesta ang mga bado kapag nangyayari ito. Noong minsang umambon dito ay binaha ang Jeddah. Natamaan din kami dito sa Rabigh kaya wala kaming pasok nang mangyari iyon. 'Di kasi kasama sa design dito ang sewerage system kaya ganoon ang resulta! Sana umulan na diyan para mapuno na ang mga dam ng Pinas at mawala na ang shortage sa kuryente at tubig. Punta nalang muna kayo sa Imelda Falls sa Majayjay para maglublob sa malamig na tubig!

Nakaka-pitong buwan na ako dito at malapit na ang pinakaaabangan kong bakasyon. Sa August na 'yun, huwag kayong mawawala sa binyag ng anak naming Wonder Twins na sila Les Paul at Lei Xander ha. May balak pa rin ba kayong mag-abroad? Susuportahan ko kayo sa trip niyo basta kayanin niyo lang ang hirap dito ha. Madaling kumita ng pera pero ang emotions mo ang kailangan mong kontrolin at labanan. Kaya niyo ba 'yun?!

Oo nga pala Tol (Pot), wala sa akin 'yung checkered mong polo pero nadala ko dito 'yung puti mong Vans na t-shirt. Okay lang naman siguro sa'yo dahil nakita ko sa FB account mo 'yung t-shirt ko na "AbsoFuckingLutely". Quits na tayo, bagay rin naman sa'yo 'yun basta't huwag kang magpapalaki ng tiyan dahil medyo fit ang pagkayari niyan.

Walang sine dito pero maraming channels ang teevee namin. Ang huling napanood namin ni misis bago ako umalis diyan ay "Transformers 2", "The Time Traveler's Wife", at "Up". Nagiging updated lang ako sa mga pelikula through internet. Kilala niyo naman ako na mahilig sa movies kaya ayokong nahuhuli sa palabas. Yun nga lang, puro mga lecheserye ng PinoyTV ang kadalasang pinapanood dito kaya nagsa-soundtrip nalang ako at naglalaro ng "Plants Vs. Zombies" sa netbook ko. Kapag may time sa mga bagong movies na nahihingi ko sa mga kasamahan ko dito, sa celfone ko nalang pinagta-tiyagaang panoorin gamit ang DivX player. Nakakanood lang ako ng pelikula sa Fox at MBC kapag nagsasawa na sila sa mga punyemas na palabas ng Siyete. At kadalasan, ang paggawa nalang ng mga entries sa blogs ko ang tinututukan ko para maaliw.

Dambuhala at napakarami rin ng pagkain dito kaya nakakalimutan ko madalas ang "diet". Eh paborito ko pa naman ang shawarma plate dito na ang katumbas ay limang jumbo rolls sa Waltermart. Yung lechon at barbecue na manok ay napakamura din. Samahan mo pa ng broast chicken na equivalent naman ng 4pc chicken joy complete with fries at bread roll. Nakita niyo naman siguro sa mga nakaraan kong entries na "Yamang-Dagat" at "Ganito Kami 'Pag Sahod" ang tinutukoy ko. Huwag kayong mag-alala dahil ang tunay na lalaki ay walang abs... puro tabs!

'Di mo kailangan ng fluent english dito. Parang barok dapat tulad ng pakikipag-usap ko sa mga dati kong boss sa Pinas na dayuhan din. Sinisimulan ko na ang mag-aral ng Arabic dahil kailangan din natin ito for security, defense, at socializing. Mayroon na akong mp3's at handbooks para sa tamang pronunciation ng mga basic words na ginagamit dito. Humanda kayo dahil aarabuhin ko kayo pagdating!

Sabi niyo sa akin bago ako umalis ay "text text nalang" at "tawag ka lang" kung maiinip ako dito. Mga kups kayo, bakit wala man lang nagrereply sa inyo kapag nagtetext ako?! Pinaliwanag ko naman sa inyo na ganun din naman ang singil kapag sa roaming sim ko kayo nagreply. Atsaka sana ay magpaalam naman kayo kapag nagcha-chat tayo sa FB at YM. 'Yun ay kung magrereply kayo sa messages ko. Hindi naman ako naka-invisible o offline! Nagbago ba kayo ng sim o naputulan sa mobile plans niyo? Sana nga lang.

Hanggang dito nalang dahil humahaba na ang kuwento ko. mag-ingat sila sa inyo palagi.


Nangangalampag at Nagpaparamdam,

Ang Panganay na Kapatid


P.S.

Ganito yata talaga kapag biglang naiisip mo na hindi ka na naaalala ng mga kapatid at kaibigan mo sa buhay!

Thursday, February 25, 2010

Blue Pill, Red Pill

View Comments

This is your last chance. After this, there is no turning back. You take the blue pill - the story ends, you wake up in your bed and believe whatever you want to believe. You take the red pill - you stay in Wonderland and I show you how deep the rabbit-hole goes.

Ok ok! Lam ko pilit nyong inaalala kung san nyo unang narinig ang quotation marks na yan. Yes, tumpak! Sa blockbuster na The Matrix at ito'y winika ni Morpheus ke Neo (played by Lawrence Fishburne and Keannu Reeves respectively). Pero teka hindi sa movie review ang tema ng blog na ito. Pasakalye lang un..kumbaga agaw pansin hehehe.

Actually me kinalaman ito sa blog ng kapwa kong OFW na si Jayson na hanga ako sa kasipagan sa regular na pagbablog dito. Katunayan naaaliw ako sa mga entries niya na nagsisilbi lagi ito either pampawala-homesick o pampawala antok. Ehe...sorry pre baka mali na naman ang maging impression ng ilan sa makakabasa ng blog na ito na masasarap ang buhay ng mga OFWs sa ibang bansa at nakukuha pang antukin sa workplace. Hahaha. Pampabuhay dugo ang ibig ko sabihin sa mga comments ko. Totoo ung cnasabi ni Jayson. Katunayan first time lang nya mangibang bayan para magwork at first time rin nya mangibang bayan for that matter. So lahat2 ng ito'y first time sa kanya kasama na rin ang hard choice nilang mag-asawa na mawalay sa isa't isa sa kabila ng wala pang one year nagsasama sa iisang bubong bilang husband-and-wife. Anyway congrats to you Jayson for you are now a father of twin sons. Nakupo lalo atang kinuryente ka ng homesick.
But I think Jayson is just one of the thousands of young Filipino fathers who made the hard choice of working abroad so that they can provide a better future for their families. They took the red pill and saw how deep the rabbit hole was. Tulad ko rin several years back. Magti-three years old yung panganay namin ng iwan ko ang mag-ina ko to work in China. I could have taken the blue pill and just worked locally and the story ends there. But in reality the story goes on to the next chapter and the next and the next until it ends with your last breath. So I took the red pill, face reality that life is going to be tough no matter what. Thanks to the current technology, sa dami ng sari-saring means of communication hindi na ganun kahirap ang maging homesick. Anjan ung cellphone, internet, yahoo messenger with voice, facebook (with all the kodakan ng gimiks...hoy pampaalis homesick rin un noh!) Pero sa totoo lang grabe talaga feeling ng homesick sa unang alis. Parang malalagutan ka ng hininga ang pakiramdam.

Para sa kin, agree ako ke Jayson. Mas mainam na rin na ipublish na lang sa facebook kung ano ung mga masasayang thoughts not necessarily with matching happenings. Cmpre d rin natin maiiwasan ung maging pensive moods natin paminsan2 but to me I'll just keep it within the circle of my family and close friends. Kung ipublish ko man ginagawa ko namang poetic and metaphoric. Better leave my readers confused than sentimental. Besides makikita mo ang spontaneous influx ng concerns sa mga social networking sites twing me sasapit na matinding trials tulad nung Ondoy last year at Haiti earthquake just recently. So for now we are in desperate need of seeing more smiling faces. At the end of the day even if I choose to worry sometimes, I realize nakakapagod din pala. Mas walang kapaguran ung thinking positive and laughing your hearts out. Hahaha!

Monday, December 14, 2009

PASS KO Muna Ang Work

View Comments




Kasama sa kontrata nating mga ofw's ang hindi makapag-celebrate ng Pasko kasama ang mga mahal sa buhay.

Lalo na sa aming mga nandito sa disyerto. Kahit na ilang beses pang sabihin ni Mel Tiangco sa 24 Oras na malapit na ang Pasko, mahirap maramdaman dito. Wala ka namang makikitang signs ng Yuletide seasons.

For a first-timer like me, talaga namang tatamaan ka ng homesick pag nakahiga ka na bago matulog. Ang dami kong biglang nami-miss sa trabaho sa Pilipinas kapag napag-uusapan ang birthday ni Bro.

SIMBANG GABI
Ilang beses kong binalak kumpletuhin ang mga misa tuwing madaling-araw kasi sabi nila ay matutupad ang wish mo kapag nabuo mo ito. Malay mo, bigla nga akong maging milyonaryo. Pero ilang beses rin akong nabigo kasi ang hirap talaga gumising ng alas-kuwatro ng umaga!

Only in the Philippines mo lang makikita ang mga kabataan na gumising nang madaling-araw para magsimbang-porma kasama ang mga syota nila. O kaya naman, magsimbang-lasing after maubos yung bote ng alak habang hinihintay ang misa!

Siyempre, ang pinaka-miss ko sa lahat sa ay ang puto bumbong at ang special bibingkang may itlog sa gitna na tinitinda sa labas ng simbahan. Lagi akong nagpapadagdag sa tindera ng kinayod na niyog tsaka ng pekeng Star Margarine na nagpapasarap sa lasa nito. Pag-uwi sa bahay ay samahan mo pa ng hot cocoa... Magnifico!! Pero paano mo gagawin ito kung ala-sais ng umaga ang pasok mo?


PALUWAGAN
Sa school, ang tawag ay class fund. Noong nagtrabaho na ako, ito na ang tawag. May option kayo ng grupo kung para sa inyong lahat o for personal use ang pag-iipunan niyo. From the word itself, para mas makaluwag ka. Tayong mga Pinoy kasi, namamahalan kapag hiningian ng pang-ambag ng isang bagsakan. Kahit na 100pesos lang ang contribution, mabigat pa rin sa bulsa. Kaya ang solution, piso daily one hundred days before the Christmas party! Bakit kaya mas nagiging kuripot ang tao kapag nagkakaroon na ng trabaho?


KRIS KRINGLE
Monito, monita. Sino nagsabing kuripot ang mga Pinoy? Napakagarbo kaya natin kasi bukod sa paluwagan, may pinagkakagastusan pa tayong mga regalo daily. At nagsisimula ito usually kapag nag-start na rin ang simbang gabi. Something old. Something new. Something slippery when wet. Minsan ok ang matatanggap mo pero madalas ay corny. San ka ba naman kasi kukuha ng worth 10pesos na regalo? Kahit sa Divisoria, di ka pupunta kasi lugi ka sa pamasahe. Araw-araw, nag-iisip ka kung paano mo ipupuslit sa drawer yung regalo mong mukhang tae kasi nakabalot sa dyaryo! Sana ay huwag lang something gooey at baka maitapon lang kapag nakapa ito!


WISH LIST
Karugtong ng kris kringle. May chance kang magsabit o magsulat sa bulletin board ng gusto mong makuha mula sa nakabunot sa'yo. Dito mo makikita ang ugali ng tao. May mukhang tanga kasi pera nalang ang gusto. Ibalik nalang daw ang ginastos niya. May makapal ang mukha kasi alam na ngang 100 lang ang usapan, hihiling ng tig-200. Yung iba, konting kapal lang kasi babayaran ka nalang ng sobra sa hiniling nya. Be careful with what you wish for, it just shows the true you!


GROUP PRESENTATION
Pinakaaabalahan ng lahat. October pa lang ay nagpa-practice na kayo dahil talo kayo noong nakaraang party. Kahit na 'di ka makatulog pag lunch break, ok lang. Kahit nagagalit na ang misis mo sa kakauwi mo ng gabi sa bahay dahil sa rehearsal, ok lang. Nakanangsyet, ilang beses ng bumenta ang ''Katawan'' ng Hagibis, inuulit-ulit niyo pa rin?! Sabagay, sa mga company parties mo lang mapagtatawanan ang mga corny at kahihiyang ginagawa ng mga empleyado. Once a year lang naman. After one week, makakalimutan din nila yun.


13th MONTH PAY
Ito ang pinakamasarap sa lahat. May ibang companies na hinahati ito. Yung iba, binibigay ang kalahati tuwing June. Karamihan naman ay binibigay bago mag-Pasko. Ito lang naman ang panahon na maniniwala ka kay Brod Pete na may LUBI-LUBI!!


Nakakamiss talaga ang araw ni Bro sa Pilipinas. Pero habang nandito ako sa Saudi, PASSKO MUNA ANG LAHAT DAHIL MAY WORK!

~ NO BENTA

Saturday, December 5, 2009

That Fever of Loneliness Called Homesickness

View Comments

“ET phone home, ET phone home!”

This line "E.T. phone home" was ranked 15th on the American Film Institute’s 100 Years, 100 Movie Quotes list. Perhaps not only because the 1982 science-fiction film “ET” was a blockbuster but also because everybody feels a feverish yearning for home that includes ET, the childlike alien who quoted this popular line.

A decade and a half back my wife and I were having a very special dinner at home. What made it special was not the dish we were enjoying that time. It was topic we were discussing. We both had decided that time that I would start working overseas. What was odd was that all the excitement we had that week fizzled out that dinner.

“Kaya ba natin?” she asked me as a tear flowing down her eye accentuated her concern.

I froze as I tried to find sense to my impending reply. Instead of a reassuring verbal response my eyes welled up in tears as well. Finally with a crackling voice I uttered “Kakayanin natin ito…” Then I looked at our barely 3-year-old son seated at a high chair between us playing with his food. His juvenile innocence only broke my heart more. It was hard to accept leaving a very young family all in pursuit of a better life. She would have to start living her life in the absence of a husband, a father, a friend as I would in her absence as well. As our minds began to get too preoccupied with the difficult challenges ahead, we prayed for our Heavenly Father’s guidance.

The day to exchange farewells inevitably came although my mental attitude was not ready yet. My wife and I had a tearful embrace. The next time to see each other again would wait for six months. I instantly felt a tinge of homesickness the very moment we unlock ourselves from each other’s arms. My feet were dragging my whole body as I walked to the entrance of the airport terminal. I felt that its facade suddenly turned into a detention prison. I had mixed emotions and I felt helpless. I realized that it was not anything like the movies where my own character would just decide not to leave, drop my luggage and go back to my wife’s waiting arms. Time was sucking me into another dimension of existence.

My plane bound to Hong Kong left without the last farewell phone calls, SMS, etc. The waving and flying kisses were our last gestures of goodbye. Owning cell phones at that time was still a privilege. All throughout the flight I was hypnotizing myself to start living an OFW life.

I met my new boss at the Hong Kong airport and went together to a hotel to spend one night. After freshening up, I decided to pay a visit to my brother who lives there and called him up. Within minutes he picked me up in my hotel and had some dinner at home. Later while having light conversation, I mentioned to them that I was beginning to feel homesickness. I even told them I was having a strange feel of guilt in my decision to accept an overseas job. They reassured me that everything would turn out fine and added that in due time my anxieties will just fade away. Furthermore, my brother said that Shanghai is beautiful, booming and exciting unlike the repressive cultural climate of Saudi Arabia which was his first overseas stint. I spent the next hours listening to his stories how Filipinos like him struggled living and working with very limited social freedom. He admitted he was just one of the fortunate few to leave Saudi for Hong Kong.

The whole thing finally sank in my mind. For a newbie OFW I was even luckier.

The next day, my boss helped me get a visa for China and flew to Shanghai hours later. For the next few years I kept abreast with my family only through mail and fortnightly long-distance phone calls. The feeling of isolation had always been so intense that going back home twice each year at Christmas time and summer season was ecstasy. Some felt even much more. I remember one British colleague who quit when the company charged him the huge amount of phone bills he incurred talking to his family for long hours daily.

Now the times have changed. Throughout the years technology stepped in making communication more accessible. Gone are the anxious waits for the mailed letters and expensive long-distance phone calls. The growing internet helped me stay with my family together while providing for their needs overseas. We learned that with love and trust the family spirit will always triumph over the bitter challenges of life.

~ WANDERING POTTER

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker