Ang TROPANG LAMON ng Rabigh, KSA (L to R: Patrick, Jayson, Wilfred, Jun, Steve; wala si Gem dahil hawak ang camera!)
Si Jun na kahit allergic sa manok ay napapalaban 'pag ganito ang set-up
Wala na talagang gaganda pa sa lahat ng araw kundi ang ang Payday. Isang buwan kang kumayod kaya ang sarap ng feeling kapag nasasayaran na ng pera ang mga palad mo. Kahit na saglit mo lang mahahawakan dahil didiretso ka sa Telemoney para magpadala kay misis, iba pa rin ang saya. Kaya nga tayo nandito eh - PARA KUMITA NG PERA!!
At sa thirty days mong pinaghirapan, i-treat mo naman ang sarili mo sa isang malufet na kainan. 'Yung tipong bibitayin ka na kaya masarap ang pipiliin mo (Paksyet 'yung mga binitay na tuyo at sinangag lang ang hiniling sa berdugo at nagpapaawa epek. Mamamatay nalang, umaarte pa!).
"Boodle Fight". Ang sarap kumain kapag matakaw din katulad ko ang mga kasama mo. Ang sarap makipag-unahan sa puwet ng manok. Kanya-kanyang pili ng parte: pekpek, este pakpak, suso (breast), thigh, drumstick, at leeg (ang pinakamalaman na parte dahil matagal maubos!). Basta sa'kin ang chicken ass at yummy skin, solve na ako
Siyempre kapag paubos na ang pagkain, laging may natitirang part na ayaw nang kainin ng lahat. Ugaling Pinoy - "Uy, nagkakahiyaan pa!". Letsugas, tirahin na 'yan!!