I used to call myself “Negative Jay” to describe myself as the epitome of negativity, hatred, pessimism, and angst.
Dati ‘yun, noong kabataan ko habang lango sa paggiging “certified rocker”.
Ngayong may asawa na’t anak, mas pinili kong gamitin ang POSITIVE JAY (yun nga lang, ‘di ko pa rin mabibitawan ang negativejay na account ko sa Yahoo!) sa mga social networks. Napanood ko sa film showing ng dati kong pinapasukan ang “The Secret” na kung saan sinabi na ang kailangan natin para umunlad sa buhay ay ang “Positive Outlook”. Kapag maganda ang iniisip mo sa paggising mo palang sa umaga ay maganda rin ang darating sa iyo buong araw. Kapag puro kabuwisitan naman ang lagi mong naiisip, ‘iyon din ang tatanggapin mo - sa pagkabutas ng pantalon mo, sa pagkaiwan mo sa service bus, hanggang sa pagkakaroon ng virus ng computer mo, connected lahat yan sa lagay ng utak mo.
Positive vibes attract positive things. A negative vibe is equal to all negative occurrences.
Kinabukasan ng pamilya natin ang dahilan kaya tayo napadpad sa ibang bansa. Kahit na wala ka sa Pinas, isipin mo nalang na safe, malusog, at masaya sila. Isipin mo nalang kung natutulala ka sa kakaisip na may nangyayaring masama sa kanila – ‘di ka na makakatulog hanggang sa magkasakit ka na at mapraning. Ano na ang mangyayari sa inyo ng mga mahal mo kung papauwiin kang isa nang baliw sa Pilipinas?
Sa trabaho, just keep cool, stay calm and enjoy the experience. We don’t need to complicate things. Tandaan natin na “only the gifted stupid people complicate and argue on the simplest things”. Maghanap tayo ng ikakadali ng trabaho natin. Hindi iyong ‘di mo pa nga nagagawa, ‘yung worst scenario na kaagad ang iniisip mo. May pinagkaiba ang pagsasabi ng “it’s possible but difficult” sa pagsasabi ng “”it’s difficult but possible”. Mamili ka nga kung ano ang tama!
So next time na may nagtanong sa’yo kung ano ang lagay mo, huwag mong sagutin ng “Ok lang”. Sagutin mo nang nakataas ang noo, “HETO, YUMAYAMAN!!”