Ito ay hindi na trial and error. Usapang jerbaks na talaga ito. Maghanda ka na ng tissue.
Kung ako si Superman, mga dairy products ang kryptonite ko. Yep, lactose intolerant ako. Medyo nagrerebolusyong lang naman ang bituka ko kapag nakakakain ako ng mga pagkaing hinaluan ng mga produktong yari sa gatas ng baka, gatas ng kambing, gatas ng kalabaw, gatas ng kabayo, at iba pang gatas galing sa mammary glands ng mga naggagatas na hayop.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hanggang ngayon ay may gatas pa rin ako sa labi kaya't mga pagkaing sobrang cheesy at creamy ang peyborit ko. Pizza, spaghetti, lasagna, cheese sticks, cheese curls. Chocolait, milk shake, ice cream, yoghurt. Ilan lang sa mga bff ng tiyan ko.
Balik sa usapang tae. Nauutot na ako sa intro.
Kilala ako ng mga barkada ko at lalong lalo na ng asawa ko na ako ay isang banyo king. Hindi dahil matagal maligo ha. At hindi rin dahil matagal tumae. Kapag may gimik, may kainan. At pag may kainan, gusto ko sa kainang ma-keso. Kaya naman kapag sa labas ang kainan, dapat ay may malapit na inidoro.
Noong mga unang date namin ng misis ko noong gf ko pa lang siya, medyo nahihiya pa akong magsabi na tinatawag ako ni mother (nature). Lumipas ang isang dekada, nasanay na rin at siya na rin nga minsan ang nagtatanong kung saan ako uupo pagkatapos kumain. Tanungin niyo man lahat ng kakilala talaga ko, alam ko kung saan mahahanap ang malinis na kubeta sa parte ng iskul, planta, at mga malls. Walang problema ang puwet ko noong nasa Pilipinas pa ako.
Nang mapadpad ako sa lupain ng mga kamelyo, nanibago ako na parang dumb ass. Bakit walang mga toilet ang mga restaurant dito?! Puro lababo lang na hugasan ng kamay ang makikita mo. Ilang beses na akong nanlamig at pinagpawisan ng butil-butil dahil sa pagpipigil ng kung anong gustong lumabas sa tumbong ko. Ang first experience ko ay noong first time kong makapunta sa Jeddah. Mga two-hour drive ang layo nito sa Rabigh kaya mahirap tiisin. Wala rin namang matinong kubeta sa mga gasolinahan. Hanap dito, hanap doon - wala yata talagang kubeta sa Saudi. Hanggang sa may nagturong guard na nasa third floor daw ang taehan. Nandun na kami sa palapag pero 'di pa rin mahanap.
At long last, doon lang pala malapit sa prayer room nila yung itinuturo ng guard. Parang naliligaw ako kasi ako lang ang Pinoy sa men's room. 'Di pa ako tumatagal sa squat type na inidoro ay may kumakatok na sa pinto ng cubicle. Isang iri lang, bumulwak na lahat ang lamang loob ko. Pag labas ay sumisipol-sipol lang na parang walang nangyari. Bow!
Hangga't nandito ako sa desert, tinuturuan ko ang tiyan ko na makisama sa trip ko.
Paabot ng tissue please.