Nagsimula sa pamimigay noong nakaraang Valentine's Day ng DOH ng mga condoms para sa mga nasa legal age at lollipop para sa mga menor de edad ang ikinakagalit ngayon ng simbahan sa Pilipinas.
Isa sa mga news ngayon ay ang pagbibitaw ng maaanghang na salita ng mga bishops laban kay Health Secretary Esperanza Cabral.
"Napaka-imoral para sa nanunungkulan sa gobyerno na paigtingin ang pamamahagi ng condom na alam naman natin na hindi totoong mababawasan o mapipigilan nito ang pagdami ng HIV-AIDS. Nakakatakot dahil moralidad ng lipunan lalo na ng mga kabataan ang nakataya rito. Sana po magbago na siya (Cabral) dahil ang isang paa niya ay nasa impyerno na. Baka marami pa ang madamay," ang sabi ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles, vice chairman ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life, sa panayam sa kanya sa Radio Veritas.
Kahapon, sinamahan ko ang kasamahan ko sa pharmacy para bumili ng amoxycillin. May nakita akong tindang mga condoms. Napaisip tuloy ako.... applicable kaya sa mga Pinoy ang size ng mga binibenta dito? Eh kung baligtarin natin - kasya kaya sa mga Arabo ang mga condoms na ipinamigay ng DOH?
Kung AIDS / HIV lang naman ang pag-uusapan, ang PAGIGING LOYAL LANG ang solusyon sa problemang iyan. Isama mo na rin ang SEX EDUCATION.
Kayo, ano ang stand niyo sa birth control -- ARTIFICIAL o NATURAL?
Kung AIDS / HIV lang naman ang pag-uusapan, ang PAGIGING LOYAL LANG ang solusyon sa problemang iyan. Isama mo na rin ang SEX EDUCATION.
Kayo, ano ang stand niyo sa birth control -- ARTIFICIAL o NATURAL?