L to R: Wilfred, Me, Jun
L to R: Wilfred, Gem, Jun
Pizza-rap!!! Pepperoni, beef, mushroom, olive, bell pepper, tomato sauce and lotsa , mozzarella cheese!
Miss ko na ang giant bubuyog at kamag-anak nitong pizza.
Laking Jollibee ako at halos kasing-tanda ko siya. Mula bata hanggang sa magbinata at mag-asawa, pagkain nila ang peyborit ko. Sa sobrang paborito ko, ginawa pa nila akong kabayo nang mag-working student ako sa kanila noong college ako. Okay lang dahil ilang beses naman akong nakapag-uwi ng instant gravy! Sauce pa lang, ulam na.
Miss ko na ang sex scandal ni Jollibee at Twirlie. At lalong miss ko na si Chicken Joy. Pati yung kamag-anak nilang si Greenwich. Kahit na may McDo at sabihin na ako'y jologs sa pagtangkilik sa Jabi, wala akong pakialam. Die-Hard ito. Sagad to the bones!
May Jollibee na sa Saudi kaso wala dito sa Rabigh. Buti nalang, ang usong pagkain dito ay Broast Chicken. Para siyang Saudi version ng Chicken Joy pero pinamura at walang gravy. Ang kasama lang nito ay garlic sauce, hot sauce, at ketchup. Sobrang mura nito dahil four (4) pieces nito (breast, thigh, wing, drumstick) ay SaR11 lang! May kasama na itong french fries at kubus (parang pita bread).
Yung pizza nila, panalo na rin for SaR30. Large na iyon good for four persons. Bale tig-dadalawang slices kayo. Medyo bitin pero masarap naman ang lasa.
Ang medyo may pangalan na "fast food" dito sa Rabigh ay ang Al Dewan. Siya ang parang Al-Baik dito na medyo sikat sa Kaharian ng mga Arabo.
Sarap kumain. Meron din palang baboy dito -- ang mga OFW na nagsisitabaan!! Sarap kumain eh!