May mga priviliges din ang pagiging OFW. Bukod sa walang kamatayang pang-uuto sa atin ng gobyerno na tayo ang mga “bagong bayani”, heto ang ilan sa mga natikman kong wala sa atin simula nang ako ay mangibang-bayan ppatungong Saudi:
First time na makasakay ng eroplano after thirty years ng pamumuhay sa Pinas. Magtrabaho ng walang kaltas mula sa BIR –ang mga taxes na wala namang pinupuntahan kundi sa bulsa ng mga kurakot at walang kuwentang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno. ‘Di-hamak na mas mataas na sahod. Libreng pagkain. Libreng transpo. Libreng tirahan. Lahat ng kuwarto ay naka-aircondition kahit na magdamag paandarin. Wala kang takot na gumamit ng electric stove dahil mura ang kuryente. Murang electronics and gadgets – halos forty percent ang savings kumpara sa mga binibenta sa Greenhills at Gilmore. Mura ang rekados – pareho ang presyo ng kilo ng sugpo, alimasag, baka, at pusit. Mura ang favorite kong shawarma. Mura ang broasted at lechon manok – one hundred twenty pesos ang equivalent. Nakakakain ka ng imported na “Made in the Philippines”. Dinuguang manok dahil walang baboy. Mas mabilis ang metro ng liters kaysa sa metro ng price kung nagpapa-gasolina (mas mura ang gas kaysa sa tubig!). Magandang superhighway na walang mga kapitalistang toll gate. Bihira ang magnanakaw. Mura ang alahas na gawa sa Saudi gold. Mura ang pang-personal hygiene – pabango, shampoo, toothpaste, lotion, atbp. 3M sunglasses at Caterpillar na safety shoes ang ini-issue as protective personal equipment. Madaling magpatuyo ng sinampay. Madaling magdaing ng isda. Hindi ka nag-aalala na baka umulan dahil wala kang payong. Mas nagiging tiwala ka sa kababayan mo kahit na wala kayong matagal na pagkakakilanlan. Majority ng Pinoy ay united. Mas mahaba ang pasensya ng mga kasama mo. Mas disiplinado at law-abiding ang mga Pinoy. Ikaw ang susuko sa overtime na parang inaayawan mo ang pera.
Ang sarap ‘di ba? Kapalit lang naman niyan ay ang mga panahong nawawala na dapat ay kasama mo ang pamilya mo.
Ano pa hinihinatay mo?! Tara na!