Sunday, February 14, 2010

Balentaympers


Tulad ng sabi ko sa mga nauna kong blogs, negativejay dati ang alyas ko. At kasama sa pagiging negative ko noon ang 'di pag-celebrate ng araw ng mga puso. Napipilitan lang akong magbigay ng mga valentine's cards dahil project ito sa iskul. Para akong kumakain ng sangkatutak na mais kapag ginagawa ko iyon.

Nakahanap pa ako ng kakampi sa pag-boycott sa "silent new year" noong college nang mabasa ko ang libro ng idol kong si Jessica Zafra. Bakit nga ba kailangang maglaan ng isang araw para mapuno ang motel, restaurant, at mga sinehan? Puwede naman tayong bumili at magbigay ng chocnut at gumamela kahit hindi katorse ng Pebrero 'di ba? Eh 'di hindi sana traffic sa kahabaan ng EDSA kapag balentayms!

"Against the Flow" ako noon. Bato ang damdamin. Ni simpleng "hello" ay 'di mo maririnig sa akin kapag binati ako. "Hell you!", puwede pa siguro.

Ngayong may asawa at nandito na sa buhanginan kasama ang homesick, naiisip ko ang mag-iina ko sa araw ng mga puso. Ang hirap pala mag-stay sa lugar na walang valentine's day. Parang 'yung naramdaman ko dito noong Pasko. Mga kalahati ng feeling na 'yun. Dating meron sa Pilipinas, 'di ko pinapansin. Ngayong wala dito sa Saudi, hinahanap-hanap ko!

Kaninang 9pm (2am sa Pinas), binati ko ang Supernanay ng Wonder Twins namin. Saktong gising pa naman siya dahil gising pa rin ang kambal. Surprised siya?! Oo naman dahil alam kong matagal niyang inantay ito galing sa puso ko.

Corny at emo ba? Siyempre "it's because of love". Ganito ka rin malamang. Kaya nga binabasa mo ito eh.

blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker