Sunday, February 28, 2010
Coloring Faces
View Comments
Posted by
wanderingpotter
at
12:04 PM
Labels: expat, festivals, global Pinoy, OFW
Thursday, February 25, 2010
Blue Pill, Red Pill
View Comments
Posted by
wanderingpotter
at
6:01 PM
Labels: expat, global Pinoy, homesick, OFW
Picture Perfect
View Comments
Posted by
NoBenta
at
3:40 PM
Labels: expat, facebook, friendster, global Pinoy, OFW, picture taking
Monday, January 18, 2010
Kumpare ni Ali Baba
View Comments"'Di maaaring ariin ang pag-aari ng nagmamay-ari" ~ Eraserheads
One week ago, ito ang shoutout ko sa FB. Kaninang umaga, nakausap ko ang misis ko na nanakawan daw kami.
Kabuwanan ngayon ng asawa ko kaya hindi na siya makapaglagi sa bahay namin na nasa second floor ang location. Dahil sa kambal ang dinadala niya, hirap na siyang humakbang sa mga baytang ng hagdanan. Napagpasyahan nalang namin na doon muna siya sa mga biyenan ko manirahan kasama ang kasambahay namin. In other words, mga house spirits lang ang nagbabantay ng tahanan namin. Bukod pa dito ang kapitbahay naming walang pakialam na siya ring may-ari ng mga paupahan.
Ibang klase talaga ang mga kawatan. Bantay-salakay. Walang kinakatakutan. Walang konsiderasyon. Walang puso. Walang isip. Walang kaluluwa.
Ang hirap ng sitwasyon nating mga nagtatrabaho dito sa ibang bansa at mababalitaan mong nilooban ang bahay niyo sa Pilipinas ng mga masasamang tao. Wala kang magawa. Mapapamura ka nalang ng malutong. Lahat ng galit sa dugo mo ay aakyat patungong utak mo. Parang gusto mong umuwi nalang sa Pilipinas dahil sa pag-aalala.
Dito sa Saudi, maku-culture shock ka. Kahit na mag-iwan ka ng gamit sa likuran ng pickup na sasakyan mo ay hindi mawawala. PUWEDE PALA 'YUN?! Siguro kung lahat ng tao sa Pilipinas ay Ex-Saudi, wala nang malilikot ang kamay.
Ang pagtawag ng "Ali Baba" sa iyo dito sa gitnang silangan ay katumbas ng tadyak ng tatlong daang camels sa pagkatao mo dahil magnanakaw lang naman ang ibig sabihin nito. Kaya mo bang sabihin sa asawa't anak mo na magnanakaw ka? Sana kasinlaki ng beach balls ang bayag mo para gawin iyon.
Kapit sa patalim. Buti nalang ay pareho kami ng asawa ko na 'di pinalaki ng mga magulang namin na okay lang magnakaw. Lalo't kung wala na talaga. At least naiintindihan namin na nangangailangan din ang yung taong iyon na kasama ni Ali Baba. Yun nga lang, 'di ko pa rin maisip na ipapakain niya sa pamilya niya yung pagkaing GSM (galing sa magnanakaw). Kung halang na talaga ang mga bituka nila ay talagang 'di na sasakit ang mga tiyan nila!
Ayon nga kay Pekto na sumikat sa "Wow Mali", "PLAK!" Pera lang ang katapat. Yun naman ang dahilan nila sa pagnanakaw. Pero mahirap man sabihin, MONEY IS NOTHING!! Buti nalang at wala sa bahay ang asawa ko nang pinasok kami. At least, bagay lang ang nawala. Kayang-kayang palitan.
Natuwa ako sa tinext ng misis ko -- naalala niya daw yung movie na "Richie Rich". Akala daw ng mga magnanakaw ay valuable ang makikita nila ang vault ng pamilya ay nagulat sila. Oo, valuable sa mag-anak pero junk para dun sa mga magnanakaw. Nagulat sila na mga bagay na may sentimental values ang nandoon. Parang sa home sweet home namin, mas malulungkot pa kami kung yung mga simple things na may kabuluhan ang natangay. Yun nga lang, mahalaga pa rin sa amin yung ibang alahas dahil yun ang ginamit ng labs ko sa kasal namin.
Sa mga magnanakaw na balang-araw ay tatamaan ng karma multiplied to the highest level, isang namamagang middle finger para sa inyo at malakas na "Ha Ha Ha!".
Posted by
NoBenta
at
1:34 AM
Labels: akyat-bahay, ali baba, b'log ang mundo, expat, global Pinoy, kawatan, magnanakaw, OFW, saudi
Monday, January 11, 2010
Best Frenemy
View CommentsSecond job ko ang pinasok ko dito sa Saudi. At sa higit anim na taon ko sa una kong trabaho, hindi ko maiwasang ikumpara ang mga taong nakasama at kasama ko ngayon. Sa Pilipinas, alam mo kaagad kung sino ang kaibigan at kung sino ang kaaway. Pero dito sa ibang bansa, hindi ka puwedeng basta magtiwala. Hindi mo alam kung friend o FRENEMY ang pinakikibagayan mo.
Mukhang bago sa pandinig, parang Friendster ang dating. Pero maniniwala ba kayo na as early as 1953, this word has appeared in print. Obviously, pinaghalong salita lang ito ng "friend" at "enemy". From the word itself magkakaroon ka ng idea na ang ibig sabihin nito ay mga taong nagpapanggap na kaibigan pero kaaway naman talaga. Pero puwede rin silang mga ka-group, ka-buddy, o ka-partner na part ng friendly competition.
Ngayon, paano mo malalaman kung sino ang frenemy mo, lalo na't puro kabayan mo ang pinagkakatiwalaan mo sa trabaho?! Wala namang mga Pinoy na magkakatalo kung pare-parehong nasa ibang bansa, 'di ba?
Yup, sasang-ayon ka kung magkakaharap tayong lahat. Pero ang nakakalungkot, mas parang ibang-lahi pa ang ibang Pinoy kapag nakatalikod na sa kababayan nila. Hanep kung ibagsak ang kapwa-Pilipino.
Sabi nila, first impression lasts. And it really does for me. Madali akong kutuban sa unang meet pa lang. Usually, ang mga unang pinapakita ng tao sa unang meet ay pakitang-tao lang. Dito tayo magaling kaya ang daming nababaitan sa atin. Tantsahin mo at pakiramdaman kung "plastik" ang dating. Mata pa lang, mahuhuli mo na ang tao. I-decipher mo na kaagad yung mga tanong na ibinabato niya, yung mga punch line niya sa biro sa'yo dahil iyon ang pagkatao niya.
Hindi lahat ng mabait ay mabuting tao at hindi lahat ng masama ay talagang masamang tao. Magaling ang mga frenemies dahil manipulative at adaptable sila sa lahat ng bagay. Ang dami niyang common interests with you, 'di ka ba nagtataka? Kaya konting ingat pa rin.
May mga taong obvious na nakikipagkumpitensiya sa iyo, at may mga tao namang simple lang kung bumira. Mag-ingat ka sa mga taong ka-grupo ang turing sa'yo. Consensus kung gumawa ng report. Brainstorming to the max. In the end, siya lang ang may pogi points sa puti niyong amo. Parang vacuum cleaner kung sumipsip ng information from you for their personal gain.
Kung may naispatan ka nang frenemy, try to evaluate and contrast. I am very sure na may best friend ka naman sa Pilipinas. O kung may asawa, mas ok. Ikumpara mo yung ugali ng frenemy mo sa tunay mong mga friendster sa buhay. Pag medyo malayo, mag-isip-isip ka na.
Kung 'di ka naman kuntento sa gut feel mo, makipagkuwentuhan ka sa ibang tao kapag coffee break. For sure, may magsasabi sa'yo ng tunay na ugali ng pinakikisamahan mo. Yun nga lang, mag-ingat ka rin na hindi niya kaaway yung kinakausap mo para hindi biased.
Ngayon, mag-isip ka na kung kaibigan mo ako. Sa tingin mo ba ay sinulat ko ito for your own good?
~ NO BENTA
Posted by
NoBenta
at
1:36 AM
Labels: b'log ang mundo, expat, frenemies, frenemy, global Pinoy, OFW
Sunday, January 10, 2010
Katas ng Saudi
View Comments
Posted by
NoBenta
at
10:44 AM
Labels: b'log ang mundo, dyip, expat, global Pinoy, jeep, jeepney, OFW, Pinoy, saudi, saudi life
Wednesday, December 2, 2009
OFW, Expats, Whatever
View CommentsDito palang sa titles nagkakatalo-talo na. OFW or Expats. Yung “o” sa pagitan ng dalawang titles na ito ang boundary line ng tila separation of classes o caste system defined by the job nature of Filipinos working overseas. Kung blue collar ka employed in a construction company as a carpenter, plumber, mason, etc OFW ka. Kung ikaw naman ay nasa senior management level ung tipong nakasuot ng kurbata pag nasa office at naka-casual shirt wearing a safety helmet pag nasa field Expat ka. Best example nito yung isang political ad noon sa TV showing Pinoys working overseas at different levels. Narun ung mga construction workers sweating it out under the scorching heat of the sun pero nakangiti pa rin - OFW. Then ung isang Pinoy supervisor naman with beetling brow na naka-casual golf shirt at safety helmet reading a blueprint to his crew - Expat.
Funny pero nakataas ang isang kilay.
But the truth is OFW or Expat they have the same definition and therefore are the same equal titles. A Filipino who is working on a foreign assignment. But I have met some people who strongly object being addressed as OFW. They seem to connote that OFWs are the domestic helpers, construction crew, caregivers, chauffeurs, cooks, orderlies, etc. On the other hand, Expats are those who are in the managerial or consultant levels. But strictly by definition, they are all the same. Pinoys who work overseas are all expatriates (ex – out, patria – country) no matter what the jobs are. Perhaps we were only used to associating the title Expat to white people which local companies in Pinas hire. And generally they hold the top level management positions. Therefore the misperception stuck. I would call it simply corporate myth as they can also be categorized as Overseas Foreign Wimps err.. I mean Workers, sorry. So going back to the “o” that separates the OFW and Expats mentioned earlier, there seems to be a shadow of discrimination looming among Pinoys separated by these two titles. And sometimes one is promoted from “OFW” to “Expat” because of seniority.
Napansin ko na agad ito nung first time ako magwork abroad. Hindi komportable yung mga fellow Pinoy colleagues ko na matagal na sa company na matawag o ma-address silang OFW. Immediately they cut the conversation and correct the speaker that they are indeed Expats not OFW. “Mga expats tayo dito at hindi mga OFW” they profess. Wha…? Ok the speaker stands corrected. Pero what’s the big fuss? Sadly there IS a big fuss. It creates a caste system among Pinoy employees belonging to different levels of job positions. It spawns jealousy and eventually devolves into disunity. Once again highlighting the notorious perception that the crab mentality lurks in every Pinoy migrant worker.
My present thoughts tell me that every Pinoy who works overseas share a common cause. Family. And because of that feeling of love and belongingness towards that small but vital unit of society the Lord has blessed us all, we chase our dreams wherever they go to provide the best to all our beloved. And in our journey we build new families with Pinoy colleagues in host countries that adopted us. The moment I decided to be an OFW or Expatriate, I long omitted the “o” that separates them.
~ WANDERING POTTER
Posted by
wanderingpotter
at
6:06 PM
Labels: b'log ang mundo, discrimination, expat, family, OFW

