Isang tulog nalang, Noche Buena na.
Para sa mga tulad kong malayo sa pamilya sa araw ng Pasko, hindi maiiwasan ang mag-isip ng kung anu-anong bagay tungkol sa pamilya. Ayokong sirain ang ang kasiyahan pero mukhang tinamaan yata ako ng taenang homesickness. Ewan ko ba kung bakit kaninang umaga ko pa nakakanta sa naglalaro kong isipan ang CATS IN THE CRADLE.
Para sa mga 'di nakakaalam, isa itong kanta na pinasikat ni Harry Chapin, isang folk rock artist, noong 1974. Nagkaroon na ito ng maraming renditions kabilang na ang kina Cat Stevens at Johnny Cash. Ang pinakagusto kong version nito ay ang sa Ugly Kid Joe na sumikat noong Dekada NoBenta. Maganda sa pandinig ang kanta pero kung susuriin ang mga salita, isang masaklap na katotohanan itong sumasalamin sa buhay ng mga OFWs na katulad ko.
My child arrived just the other day,
He came to the world in the usual way.
But there were planes to catch, and bills to pay.
He learned to walk while I was away.
And he was talking 'fore I knew it, and as he grew,
He'd say, "I'm gonna be like you, dad.
You know I'm gonna be like you."
Nang isilang ang mga chikiting namin, wala ako sa tabi ni Supernanay. Kasalukuyang nasa Saudi ako para makadagdag (financially) sa sinusuportahan naming pamilya. Sabi nila, ok lang daw na malayo sa pamilya basta may kinikitang pera. Ang tanong, kaya bang tapatan ng pera ang mga na-miss ko sa paglaki ng mga bata? Paksyet, emo na kung emo pero sayang 'yung panahong una nilang nabanggit ang kanilang "first word" at ang una silang makatayo at nakapaglakad mag-isa. Buti nalang at nandyan si misis para ipaalala na ako ang kanilang ama. Nakakatuwang malaman na kaya na nilang sabihin ang salitang "tatay". Sana habang lumalaki sila ay gustuhin rin nilang maging tulad ko at gawin nilang personal hero kahit na wala ako sa kanilang mga tabi.
And the cat's in the cradle and the silver spoon,
Little boy blue and the man in the moon.
"When you coming home, dad?" "I don't know when,
But we'll get together then.
You know we'll have a good time then."
Mga simpleng nursery rhymes pero kung hihimayin ay may malalim na ibig sabihon. Ang "cat's in the cradle" ay isang idiot-matic expression na ang meaning ay "baby sa crib". Ang "silverspoon" ay maaring tumukoy sa isang constellation sa kalawakan. Sadness naman ang tinutukoy ng "little boy blue" habang ang "man in the moon" ay progression. Kung pagsasama-samahin, maaaring ang ibig sabihin nito ay: isang malungkot na bata ang nakatingin sa mga bituin at sinasabi sa sarili na lalaki siyang katulad ng kanyang tatay kahit na wala ito sa piling niya.
Kung ikaw ang tatay na OFW, paano mo sasagutin ang tanong ng iyong anak na kung kailan ka uuwi? 'Di ba napakahirap?
My son turned ten just the other day.
He said, "Thanks for the ball, dad, come on let's play.
Can you teach me to throw?" I said, "Not today,
I got a lot to do." He said, "That's ok."
And he walked away, but his smile never dimmed,
Said, "I'm gonna be like him, yeah.
You know I'm gonna be like him."
Hangga't maaari ay gusto kong magkaroon ng target kung hanggang kailan lang ako mag-aabroad. Ayokong lumaki ang mga anak ko na walang tatay na gumagabay. Kasama nila ang kanilang nanay pero hindi sapat iyon para sa mga hahanapin nilang kasagutan sa mga bagay-bagay pagdating ng panahon.
Well, he came from college just the other day,
So much like a man I just had to say,
"Son, I'm proud of you. Can you sit for a while?"
He shook his head, and he said with a smile,
"What I'd really like, dad, is to borrow the car keys.
See you later. Can I have them please?"
Nagtagal ka nga sa abroad at napagtapos sa pag-aaral ang iyong mga anak. Pagbalik mo sa iyong pamilya, etchapwera ka. Ni hindi ka man lang kinikilala bilang malapit na magulang dahil napakalayo ng mga damdamin niyo sa isa't isa. BANGUNGOT NG LAHAT NG OFWs. Akala ko sa pelikula lang at mga lecheserye ito nangyayari pero base sa mga nakasama ko dito sa ibang bansa, isa ito sa mga pinakamalaking problemang kumakain sa lahat. Huwag naman sanang mangyari ito sa akin.
I've long since retired and my son's moved away.
I called him up just the other day.
I said, "I'd like to see you if you don't mind."
He said, "I'd love to, dad, if I could find the time.
You see, my new job's a hassle, and the kid's got the flu,
But it's sure nice talking to you, dad.
It's been sure nice talking to you."
And as I hung up the phone, it occurred to me,
He'd grown up just like me.
My boy was just like me.
Sad ang ending pero ipinapangako kong hindi ito mangyayari sa amin. Ipapapitpit ko ang aking bayag kung mabibigo ako sa layunin kong ito. Malaki ang tiwala ko sa aming pamilya kaya alam kong walang mga kuwentong pang-dramang magaganap!
Tama na ang drama. THINK POSITIVE. Itae nalang ang homesickness at i-flush sa squat type na inidoro.
Sa lahat ng OFWs at kanilang mga pamilya, MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON!!