Saturday, May 8, 2010

Ang Supernanay

May isang nanay akong ipapakilala sa inyo na itatago nalang natin sa pangalang Sheila Marie a.k.a. Yayeng / Yaying. Actually, mas preferred kong tawagin siyang LABS kaso nang ipanganak niya ang Wonder Twins ay mas gusto ko na siyang "Supernanay".

Five months siyang preggy sa aming baby boys noong umalis ako papuntang Saudi. Alam kong mahirap para sa kanya ang situation na ganun dahil kailangan niya ng partner sa ganung stage na critical. Kinaya niya ang lahat ng sacrifices na ginawa namin para lang sa magiging anak namin. Kahit na malaki na ang tiyan niya, she still managed to accept interior design services. Tinulungan niya pa rin akong kumayod para sa kakailanganin naming panggastos sa paglabas ng kambal. Huminto nalang siya sa pagtatrabaho nung sinabihan na siya ni doc na hindi na talaga puwede. I'm sure, kung puwede lang siya magtrabaho hanggang sa last hours bago siya manganak ay ginawa na niya alang-alang sa mga anak namin. Pero kahit na nagwo-work siya that time ay hindi niya inaabuso ang sarili niya para hindi naman maapektuhan ang mga bata sa kanyang sinapupunan.



Suwerte ako sa asawa ko dahil alam kong hindi niya pababayaan ang mga anak namin.

Kahit na malayo ako sa kanila ay kampante ako na may isang nanay na nag-aaruga kina Les Paul at Lei Xander - mahirap maging nanay at tatay nang sabay. Mahal niya ang mga anak namin at gagawin niya ang lahat para mapalaki sila ng maayos. Hindi pa nga naghihilom ang tahi niya sa pagka-caesarean ay gusto na niya uling kumuha ng mga projects para maitaguyod ang magandang development ng mga bata. Bilib ako sa kasipagan ng misis ko, walang tatalo. Paminsan-minsan ay nagtetext siya na sumasakit na ang likod niya sa lumalaking mga anak namin pero lahat 'yun ay kinakaya niya. Mas gugustuhin niya pang i-giveup nalang ang ibang projects kaysa naman iwanan nang matagal ang mga chikiting namin sa kasambahay. Mas gugustuhin niyang lumaki sa kanya sila kaysa sa kamay ng hindi naman namin kamag-anak.

At hindi ako natatakot na magaya ang buhay namin sa kuwento ni Ate Vi at Claudine sa makabag-damdaming pelikulang "Anak" na parang hate na hate ng lahat ng OFW's. Wala akong pangamba na matatakot ang mga anak namin na magpakarga sa akin pagbakasyon ko sa Pinas. Lagi akong ikinukuwento ng Supernanay sa little angels namin.

Labs, first time kitang babatiin nito. Ang sarap ng feeling na bukod kina mama at mommy, nanay at lola, ay kasama ka na sa greeting list ko kapag sasapit ang occasion na ito. Number One ka sa listahan ko.

ILOVEYOULABS, HAPPY MOTHER'S DAY!!

HAPPY MONTHSARY NA RIN!!

Konting panahon nalang at magkakasama na tayo nila Les at Lei as one happy family.


blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker