Monday, May 24, 2010

T.G.I.F.

R to L: jonar, esrome, and junjunpau

Create your own labloop foto slideshow for MySpace, Facebook or your website! view all fotos of this slideshow


Lahat ng tao ay gustong magpahinga. Lahat ay gustong makapag-relax once in a week kahit na madalas kang petiks sa trabaho. Sa Pinas, ang tawag sa weekend ay "family day". Sa OFW namang malayo sa pamilya, ang tawag lang dito ay "dayoff" o "rest day". 

Thank God It's Friday. Kung sa ibang panig ng mundo ay Linggo ang araw ng katamaran, dito sa Saudi naman ay Biyernes ang araw ng overtime, paglalaba ng sangkaterbang damit na madudumi, at paglilinis ng kuwarto para hindi atakihin ng mga arabong ipis (na bestfriend ni pareng Drake) at mga higanteng surot!

Well last Friday, bago namin pilahan ang washing machine at gawin ang kung anu-ano pa man, ay napagkasunduan namin sa villa na mag-swimming sa libreng beach dito sa Yanbu. Since wala namang OT sa site ay sumang-ayon kami na dayuhin ang dagat at hanapin ang mga kaibigan nina Agua at Dyesebel. Ang usapan ay seven in the morning ang assembly dahil mahirap maabutan ng nagngingitngit na araw. Kailangang agahan ang pagligo kung gusto mo pang makilala ang sarili mo pagharap mo sa salamin. Pagdating doon ay namangha ako sa lugar dahil kahit na libre ito ay mas maganda pa sa resort ng Rikitoy sa Cavite at baybayin ng Manila Bay. May mga basura rin sa paligid pero minimal lang - wal namang lumulutang na tae.

Siyempre, dahil bagong salta ako dito ay sinamantala ko ang pagpapa-picture sa mga pang-FB na views. Hindi naman halata sa imageloop sa itaas na sabik kami sa camera. Kaya nga ni-loop ko nalang dahil masyadong marami kung ipo-post ko lahat dito sa entry. At sigurado naman akong wala kayong pakialam sa mga pictures namin dahil wala naman kayo sa mga ito.

Thank Goto It's Full. Ang dala naming baon ay isang napakalaking kaldero ('yung pang-binyagan at pang-piyestahan; sayang lang at 'di ko nakuhaan sa celphone!) na may bottomless goto. Yup, masarap na gotong sinahugan ng tuwalya, isaw, at itlog. Lagyan mo pa ng toppings na tinustang bawang at murang dahon ng sibuyas, panalo ang luto ni Jonar!! Sa'n ka pa, akala mo sa mga kariton karinderya ng Cubao at Recto lang meron nito?! Siyempre kapag nagtunaw ng taba sa kalalangoy, dapat kaagad mabawi dahil baka mawala ang mga tiyan naming naita-tuck-in!!





blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker