Oo, idol ko si Willie at walang pakialamanan dahil blog ko ito!! Kaya kung member ka ng FB group na bumabatikos sa kanya at nangangalap ng signatures para i-petition siyang tanggalin sa ABS-CBN, hindi ito ang entry na dapat mong mabasa. Sa gitna ng lahat ng pang-aalipusta, bibigyan ko siya ng malufet na tribute.
Sa lahat ng mga makikitid ang utak, hindi si Willie ang dahilan ng pagkatalo ni Money Villar. Ang idol ko ang isa sa mga pinakamagagaling na endorsers ng ating panahon. Marami siyang tatanga-tangang followers na naniniwala sa charismang pinapakita niya sa sambayanan through live teevee. Kaya kahit na siguro maalat ang sukang ibebenta ay bibilhin ng masa dahil sa kanya. Natalo si Villar dahil kay Sarah Geronimo – noong nakodakan siya na ginawang “L” ang “V” hand sign habang naka t-shirt pa ng yellow! Atska kasalanan din ni Villar ang pagkatalo niya dahil binaboy niya ang kanta ng Parokya ni Edgar. At sino ba naman ang gustong maligo sa dagat ng basura? Like, eeew.
Napakagaling din kayang magpatawa ni Willie. Dati ay Pinoy TV ang cable namin dito sa Saudi kaso nagpursige akong mapakabitan kami ng TFC dahil ang baduy ng Eat Bulaga. Ang tatanda na nila TVJ para magpatawa. Walang sense ‘yung mga binibitiwan ni Joey na mga jokes dahil hindi siya witty. Nakakabastos sa mga guests na babae. Hindi katulad ni Willie na mapapaisip ka. Matatawa ka kapag nakuha mo ang ibig niyang sabihin. Dapat ngang kunin na niya ang trono ni Comedy King Dolphy. Si Willie nga ang dapat tawaging “Master Showman”, at hindi si baklash Germs, dahil mag-isa lang siyang nagdadala sa Wowowee kumpara sa tatlong bugok na itlog ng Dabarkads. Hindi rin siya mukhang manyakis sa mga dancers ng shows dahil wala siyang hilig sa babae – kaya nga ‘di ba naka-dalawang hiwalay na siya ng asawa?
Wala akong masabi sa kabaitan ni Sir Willie. Inggit lang si Joey sa mga mansion at yate (sorry ‘di ko alam ispilengin ang english term para dito) kaya sinasabihan siyang mayabang. May mayabang ba na ido-donate sa nangangailangan ang milyong salapi na natanggap niya mula sa isang anonymous donor? Hoy, hindi ‘yun scripted tulad ng sinasabi ng iba na scripted na “tearless” pag-iyak niya noong minsang mag-apologize siya sa masa.

Kahit sa mga novelty song na paborito ko, si Willie lang ang pinapakinggan ko. Walang binatbat ang mga walang kuwentang kanta ni Joey De Leon.
Hindi rin siya ”tupperware” tulad ng dati kong boss na babae noong sa Pinas pa ako nagta-trabaho. Kung ano ang nakikita mo sa kanya ay ‘yun na siya. Totoo siyang tao dahil halata mo naman sa kanyang mga mukha ang reaction kapag kaharap ang ibang tao. Hindi siya tulad ng ibang artista na kapag may yumakap at humalik, o makipag-kamay man lang ay nandidiri na. Wala kang makikitang hand sanitizer o alcohol sa kanyang “kikay kit”.
Natutuwa rin ako kapag nakakatulong siya sa mga nangangailangan. Siya talaga ang pag-asa at sagot sa kahirapan ng mga kababayan nating umaasa nalang na giginhawa ang buhay sa pamamagitan ng panonood ng Wowowee. Ang dami ko ng napanood na tinulungan niya ng taos-puso ang mga taong naghihirap sa buhay, may karamdaman, at kung anu-ano pang nakakaawang sitwasyon na talaga namang nakapagpaluha sa akin at nakapagpaantig ng puso ko. Sariling pera pa nga niya madalas ang ipinamumudmod niya sa mukha ng mga contestant para lang siya makatulong. Kung tatakbo siyang presidente ay hindi na ako magdadalawang-isip na iboto siya, he’s a leader of some kind. Tatalunin niya pa si Noynoy na sa tingin ko ay magiging kaaway na niya ngayong maluluklok na bilang pinakamakapangyarihang noypi.
Bukod sa lahat, pinag-iisipan niyang mabuti (mga one and a half times) ang mga binibitiwan niyang salita. Walang utang na loob ang ABS-CBN sa taong nagpasikat sa noontime show nila. Tama lang ang sinabi niyang magre-resign nalang siya kapag hindi tinanggal ng management si Jobert. Hindi ba nila alam o kilala si Willie? Maraming ibang teevee stations ang naghahabol ssa kanya. Mas pipiliin siya ng GMA na mag-host sa Eat Bulaga. Kapag nangyari ‘yun ay katapusan na ng career ng Escalera Brothers at Mr. Ungasis!
TEKA, BAKA NANINIWALA KA NA SA KALOKOHAN KO.
MGA KAIBIGAN, LAHAT NG INYONG NABASA AY PAWANG KATHANG-ISIP AT MGA KASINUNGALINGAN LAMANG NA BUNGA NG MALIKOT NA PAG-IISIP NG ISANG TAONG EXCITED NANG UMUWI MULA SAUDI PARA MAKAPAGBAKASYON NA SA PILIPINAS.
ANG TRIBUTE NA ITO AY PEKE TULAD NG PAGKATAO NI WILLIE.