Isa sa mga kabilin-bilinan ko sa misis ko(five months preggy at that time) bago ako pumunta dito sa Saudi ay iparinig niya ang collection ko ng mga cd's kahit na nasa womb pa lang ang Wonder Twins.Napanood ko kasi dati sa Discovery Channel na naririnig ng mga babies ang outside world kahit na nasa tiyan pa lang sila ng mga mommies. At kung ano 'yung narinig nila during fetal development ay nagkakaroon ng effect sa personality nila paglabas nila sa mundo. Kaya nga sabi ko sa misis ko ay iparinig niya lahat ng albums ng Eheads, Slapshock, Nirvana, Smashing Pumpkins, at banda naming Demo From Mars para certified rakista na sila kaagad! Pangarap ko rin kasi na ma-appreciate nila ang mga genre ng music na nakahiligan ko habang nagkakamuwang na sila sa tugtugan. Para saan pa ang gitara ko at mga albums na kinolekta kung makikinig lang sila sa kanta ni Manny Pacquiao at Willie Revillame? Pangarap ko ring magkaroon sila Les Paul at Lei Xander ng banda kasama ang mga anak nila Geline, Joe, insan Badds, at utol Pot na mga kabanda ko noong kabataan namin. Pero hindi ko pinangarap na maging rockstars sila paglaki ha. Fifth choice lang ito kasama ang pag-aartista. Mas gusto ko pa rin silang maging doktor, architect, ambassador, o engineer.
Nakakabingi ang music na hilig ko. Ito nga ang isa sa mga nami-miss ng misis ko simula nang mapadpad ako sa disiyerto. Wala na kasing maingay na stereo component tuwing weekends habang naglilinis ng bahay. Hindi kasi okay na pakinggan ang genre ng music ko kung hihinaan mo lang ang volume. Walang kadating-dating. Ito rin naman ang dahilan ng labs ko kung bakit ayaw niya iparinig sa mga anak namin ang mga paborito ko. Naiisip niya kasi na baka una, mabingi sila. At pangalawa, maging magugulatin. May point siya kaya pumayag na ako na kapag medyo malaki na sila makinig kina Kurt Cobain, Billy Corgan, Jamir, at Ely. Basta huwag na huwag ko lang malalaman na nag-eenjoy na sila sa boses ni Willie!! Dahil kapag naging ganun ay tatanggalin ko ang lahat ngh saksakan ng radyo at teevee!
Salamat nalang sa mga modern-day parents na mahilig din sa music. Noong isang araw habang nagba-browse ako ng Blogger templates for babies ay naligaw ako sa site ng Rockabye Baby! Sobra akong na-excite dahil ngayon ko lang nalaman na may mga lullaby renditions pala ng mga astig na kanta ng mga bandang pinapakinggan ko. I'm very happy to know that my kids will be able to listen to them without hurting or even damaging their ears! Pinuntahan ko na ang official website at FB Fan Page nila para ma-soundcheck ang mga pieces. Ang galing ng mga renditions, siguradong magugustuhan ng mga chikiting namin. Kahit na tulog sila ay may subliminal effect ito sa kanila, I'm sure.
Hindi ko na ie-elaborate ang magandang discovery na ito dahil baka magmukhang paid advertisement ang entry ko. Check niyo nalang 'yung site nila. At to give you ang idea, heto ang kanilang discography:
- Rockabye Baby! Baby's Favorite Rock Songs (3/23/2010)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Journey (2/9/2010)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Guns N Roses (11/11/2009)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Aerosmith (9/15/2009)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Queen (5/19/2009)
- Rockabye Baby! More Lullaby Renditions of The Beatles (1/27/2009)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of AC/DC (3/4/2008)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of the Pixies (6/10/2008)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Queens of the Stone Age (1/2/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of No Doubt (2/20/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of The Ramones (1/30/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of The Rolling Stones (9/11/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Smashing Pumpkins (2/20/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of U2 (1/30/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of The Beatles (3/13/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Björk (3/13/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Bob Marley (3/13/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Christmas Rock (9/11/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of The Eagles (1/9/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Green Day (6/5/2007)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Led Zeppelin (10/31/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Coldplay (8/29/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of The Cure (10/10/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Metallica (8/29/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Nine Inch Nails (2/20/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Nirvana (10/31/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Pink Floyd (9/19/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of The Beach Boys (10/10/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Radiohead (8/29/2006)
- Rockabye Baby! Lullaby Renditions of Tool (9/19/2006)
LES PAUL and LEI XANDER, Happy Fourth Month!!!