Mahilig ka ba sa SPAM?
Yup, ‘yung masarap na delata na paboritong ipasalubong ng mga nagiging inglisero nating mga kababayan galing Tate. Feeling kasi ng iba ay napaka-sosi nito pero ang totoo ay associated ang pagkaing ito sa paghihirap na sanhi ng economic crisis. Sa sobrang mura nito sa bayan ni Uncle Sam ay nagiging solusyon ito sa mga oras ng pangangailangan. Tayong mga noypi lang naman ang nakakaramdam ng pagiging “priviliged” kapag nakakakain ng imported na relief goods.
Yup, ‘yung masarap na delata na paboritong ipasalubong ng mga nagiging inglisero nating mga kababayan galing Tate. Feeling kasi ng iba ay napaka-sosi nito pero ang totoo ay associated ang pagkaing ito sa paghihirap na sanhi ng economic crisis. Sa sobrang mura nito sa bayan ni Uncle Sam ay nagiging solusyon ito sa mga oras ng pangangailangan. Tayong mga noypi lang naman ang nakakaramdam ng pagiging “priviliged” kapag nakakakain ng imported na relief goods.
Ngayon ay tatanungin kita ulit, mahilig ka ba sa spam? Kung napansin mo, small letters nalang ang gamit ko dahil kapag naka-caps lock ay tinutukoy nito ang trademark ng delata habang kapag small letters lang ay tumutukoy naman sa mga walang kakuwenta-kuwentang electronic messages na pumupuno sa mga inboxes ng sangkatauhan (jEJem0Nz, keep this in your paksyet minds)!
Pero bago ang kuwento ko ay bibigyan muna kita ng isang malufet na trivia. Just in case na hindi ka nagtataka kung bakit ipinangalan sa delata ang mga buwisit na emails, malamang ay alam mo na na ang etymology nito ay galing sa isang comedy sketch ng Monty Python tungkol sa dalawang customers na mag-aagahan kaso puro SPAM lang ang nasa menu ng kakainan nila. Sa three and a half minutes na skit ay 132 times na binanggit ang SPAM. Ang sakit sa tenga na kasing sakit sa mata kapag nakikita mo ito sa inbox mo. Matagal ko nang alam itong info na ito thanks to Ms. Jessica Zafra.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay naisasama ang pangalan ko sa listahan ng mga recipients na makakatanggap ng tungkol sa Viagra. Hindi pa naman nanlalambot si junior ko kaya talaga namang nakakairita. Meron pang message tungkol sa kung paano ko mapapalaki si bestfriend, eh hindi ko naman na kailangan ‘yun! At kung matagal ko nang pinatulan ang mga lottery at electronic raffles kuno na kung saan nanalo daw ako ng milyun-milyong dolyares ay malamang na mas mayaman na ako kay Bill Gates at ‘di na kailangang kumayod dito sa Saudi. Meron ba namang maniniwala sa mga hinayupak na representatives ng Microsoft o UN na mali-mali ang spelling at grammar ng message?
Medyo nakakaalarma ang spamming dahil kung dati ay sa emails lang ito eh may mga kumakalat na rin sa celfones, blogsites, at pati na rin sa mga social networks! I’m sure, naranasan mo na ito ng madalas o minsan naman ay ‘di inaasahan o namamalayan. Kahapon ay may nag-post sa wall ko sa FB ng isang message tungkol sa isang prank. Siguro kung talagang eengot-engot ako ay nabiktima na ako ng isang computer worm na tinatawag na “koobface”. Kung ‘di ka maingat at na-click mo ang apllication ay kokopyahin nito ang lahat ng contacts mo at magpo-post ng same message sa wall nila hanggang sa mapuno ito at maging spam.
Una ko itong na-encounter noong kumalat ang scandal video daw nila “Obama at Hillary Clinton”. Nalaman ko kaagad na isa itong hoax dahil nagpost nito ang kaibigan kong si Raul (a.k.a. Wandering Potter) sa FB account ng mga anak kong chikiting (a.k.a. The Wonder Twins) na wala pang alam sa kamunduhan! Hindi naman gagawin ito ng isang matinong tao. Sinubukan kong i-click ‘yung Youtube video pero nag-redirect ito sa isang applications page kaya mas nagkaroon ako ng idea na peke ito tulad ni Willie Revillame kaya 'di ko na itinuloy! Dahil sa kakulitan nito ay naalarma ang FB Team at pinaglaho sila na parang bula. Sana ay ganun din ang gawin nila sa mga jEJem0Nz!
Ang bagong version nito ay “Candid Camera Prank” naman ang title. Ang dami yatang ‘di nadadalng mga noypi. Sobrang curious ba, sobrang uzi, o talagang likas lang ang kalibugan ng iba?! Ano ang gagawin mo kung nakita mong nag-post nito ang boss mo sa wall mo? Eh ‘di iisipin mong malibog siya? Gamitan ka ba naman kasi ng mga salitang “sexy” at “best video ever” sa mga scandal ng mga sikat na celebtities ay talagang maeengganyo ka.
Buti nalang at sumaklolo ang McAfee at Facebook Security para maging secure ang mga adik sa Mukhanglibro. Click niyo nalang ang mga links para maging informed. Pero, kung ayaw mo talagang magka-worm o virus ay kailangan lang ng konting pagpipigil sa nakakagigil.
Wala pang gamot sa AIDS kundi ang pagiging faithful sa partner at pag-practice ng safer sex.
P.S.
help us spreading the "jejemon buster" logo...let's kill'em all! andun >>>>>>>
P.S.
help us spreading the "jejemon buster" logo...let's kill'em all! andun >>>>>>>