Nasa college pa lang ako (way back mid-90s) ay nahilig na ako sa pagsusulat ng mga kung anu-anong katarantaduhan sa mundo. Wala pang blog noon sa net at ang outlet ko dati ay ang paggawa ng zine (from the word fanzine, tulad ng blog na portmanteau naman sa web log). Mahirap dati gumawa ng zine dahil self-financed ang publication. May option kang ibenta para ma-maintain ang hobby mo pero ako, pinamimigay ko 'yung copies ng libre para masuportahan ang publicity ng banda naming Demo From Mars during those times.
Kaya nga ng magkaroon ng mga blog hosts sa net eh talaga namang natuwa ako. Pero kahit na matagal nang nagkaroon ng mga libreng hosts ng mga blogs ay last year lang ako nagsimulang magsulat sa net dahil busy ako sa work at kung anu-anong mga bagay noong ako'y nasa Pinas pa. Dito sa Saudi ay naging pampalipas oras siya at pampalimot ng homesick.
Apat ang blogs ko. Una kong ginawa ang No Benta na ang topic ay tungkol sa pop culture noong nineties. Pangalawa ay itong B'log ang Mundo na "anything goes" for and by OFW's and their families. Ang third ko ay ang Frontispiece 2.0 na isa namang business blog para mai-promote ko ang Interior Design and Events Planning services ng aking misis. Ako lang naman ang number one fan niya. Ang last ay ang The Wonder Twins na isang online journal namin ni misis para sa mga first-born babies naming sila Les Paul at Lei Xander. Lumabas sila sa mundo na nandito ako sa disiyerto kaya hanggang ngayon ay 'di ko pa sila nahahawakan at nakakarga man lang.
Noong una ay extra income talaga ang gusto kong mangyari. Napakarami ko kasing nabasa na puwede raw kumita ng malaki sa pagsusulat. Nag-research ako kung paano 'yun at sinunod ang mga tips for optimization. Salamat sa kanila at may twelve pesos na ako sa Nuffnang. Meron na akong one dollar sa Paypal. At meron na rin akong ninety cents sa Adsense. Paksyet, mahirap pala 'yun. Kahit na 'di ako kumikita sa blogging ay tuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Natuwa ako nang una akong naka-receive ng comment para sa entry ko about the Eraserheads' Final Set na ipinalabas sa GMA7. Kahit na negative ang una kong natanggap ay masaya pa rin ako dahil at least ay nalaman kong may nag-aaksaya rin pala ng oras sa mga ideas ko. Lalo akong natuwa nang may isa akong reader na isinama ako sa kanyang blogroll. Sayang nga lang at deleted na yung account niya. To make things shorter, dumami ang friends ko sa blogosphere at ito na ang naging dahilan para magpatuloy ako sa pagsusulat. Sabi ko nga kay OFW si Juan sa isa sa kanyang mga entries: "To know that people are reading your post is already an achievement. To make them leave their comments is another thing. to earn from adsense, nuffnang, and other resources is the extra".
Okay tapos na ang palabok. Hindi naman tungkol sa pagba-blog ko ang topic ko ngayon kundi tungkol sa mga bloggers na talagang sinusubaybayan ko. Heto na po sila (drum roll please).....
JESSICA RULES THE UNIVERSE One word - Idol.
THIS IS A CRAZY PLANETS The Lourd has spoken. Ito ang blog ni Lourd Ernest De Veyra sa Spot.PH. Siya lang naman ang isa sa mga tinitingala kong musikero. Kung 'di niyo kilala ang vocalist ng Radioactive Sago Project ay marami ka nang nami-miss sa buhay.
6PM / ALASAIS Ang kuwento nila Tem-i, Tikboy, at Tenco tungkol sa kanilang kabataan noong eighties at nineties. Sobrang nakaka-relate ako sa kanila dahil magkaparehas kami ng panahong kinalakihan. Nakilala ko sila nang i-add nila ako as a friend sa Multiply. Nang binisita ko ang site na nila ay naging masugid na tagasubaybay na nila ako sa kanilang mga misadventures in life. Sayang at mukhang itinigil na nila ang pagpo-post ng entries. Nabawasan tuloy ang isa sa mga Friday habits ko.
TAYMPERS Ang blog ng isang matandang isip-bata. Tulad ko at nila Tikboy, ang blog niya ay tungkol sa mga bagay-bagay na ginagawa noong uso pa ang paglalaro ng teks, holen, trumpo, syato, taguan, patintero, at iba pang mga larong pambata. Una ko siyang nakilala nang mag-comment siya sa entry kong Screw You na tungkol sa wrestling. Simula noon ay naging kalaro ko na siya. Isa rin siya sa mga unang nag-add sa akin sa blogroll.
DRAKE'S ROOM Si Drake ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagba-blog tungkol sa Buhay Saudi. Ang dami ko kasing napupulot na aral sa nakakatawang kuwento sa buhay. Una ko siyang nagustuhan sa kanyang entries tungkol sa kanyang pagbabakasyon sa Pilipinas. Simula noon ay lagi ko nang hinihintay ang kanyang mga bagong posts. Una akong nagpapansin ng comment sa kanyang entry tungkol sa mga clowns. Medyo may mga similarities ang mga pang-MMK na drama niya sa buhay sa akin kaya mas lalo ko siyang nagustuhan. Kapag napadpad ako sa Riyadh ay siya ang una kong hahanapin para lang makahingi ng autograph (pa-kabsa ka naman).

WICKEDMOUTH Malufet ang taong ito. Gusto kong makasamang tumambay si Glentot sa MOA habang nanlalait sa mga dumadaang jologs. Favorite pastime ko rin 'yun eh. Idol ko na siya simula nang magpost siya ng entry tungkol sa pagkapanalo niya sa pa-contest ni Jessica Zafra na itinuturing kong dahilan sa pagsusulat. He is really wicked - mapa-english o tagalog na entries. Hanep sa alright. Kaya nga sobrang honored ako nang ma-appreciate niya ang No Benta at ilagay sa kanyang list of cute blog layouts.
PLUMA NI JEPOY Siya ang kakambal ni Glentot. Aliw na aliw ako sa mga kuwento niya sa buhay. Sobra akong natuwa sa kanya noong nadenggoy niya si Drake sa kanyang April Fool's Day entry. Kapag nagbakasyon ako sa August ay hindi maaaring hindi ko sila ma-meet ni Glentot.
KA-BLOGS-TUGAN Si Pablong Pabling. Masyado akong na-intimidate sa kanyang profile noong una akong naligaw sa kanyang blog. At sa pagbabasa ko ay nasabi kong may "K" naman siya for that. Walang tatalo sa mga patawa niya. Gustung-gusto ko ang kanyang experiences with Granma (R.I.P.). Hindi OA ang mga patawa niya kahit hindi siya kalbo.
9MMDOTNET Madalas ko siyang nakita sa mga tinatambayan kong blogs at meyo na-curious ako sa handle niyang Stone Cold Angel. Siguro ay mahilig rin siya sa wrestling katulad ko. Hindi nga ako nagkamali dahil nang binisita ko ang bahay niya ay may entries siya tungkol sa Wrestlemania. Bukod pa doon ay may tribute siya kina pareng Kurdt, Metallica, Slayer, at Vic Sotto na pawang mga idols ko rin. Yayayain ko siyang mag-jamming sa bakasyon.
KUWENTONG NAKAKA Akala ko dati ay porn blog ito kaya ko pinuntahan. Eh medyo nakaka-curious din ang handle niyang Kikilabotz. Kuwela ang batang ito. Gustung-gusto ko ang kanyang ipis series. Sana balang araw ay maging libro 'yun. Ako ang unang bibili kapag nagkataon.

GILLBOARD GROWS UP Magaling din ang 28-year old boy na ito. Una ko siyang nagustuhan nang mabasa ko ang kuwento niya tungkol sa isang kaibigan niya sa Facebook Sa galing niya sa pagsusulat ay mapapatanong ka tuloy minsan kung totoo nga ba 'yung entry of fiction lang.
X-SPOT Si Pepe Cabrera. Marami rin siyang blogs tulad ko. Bukod sa paborito ko ang mga kuwento niya sa buhay niya sa Saudi ay bilib na bilib ako sa mga photographs niya sa isa niya pang blog. A very eclectic person.
At dito nagtatapos ang feature presentation. Sana ay bisitahin niyo rin sila dahil siguradong hindi kayo magsisisi!