Tuesday, December 1, 2009

The Calling

Photobucket

Never na pumasok sa isip ko ang mangibang-bansa.

Noong malapit na akong matapos sa course kong civil engineering, marami na ang nagtatanong kung maghahanap ako ng trabaho sa abroad. Ang sagot ko, "Kailangan ng Pilipinas ang mga professionals".

Idealistic. Paksyet.

Pinangarap kong magkaroon ng magandang bahay, ng magarang sasakyan, ng malaking ipon para sa pamilya at magiging sariling pamilya ko.

Pero sa entry level ko sa unang trabaho ko as MT o management trainee, binigyan lang ako ng humigit kumulang walong libo kada buwan. Langya, ibawas mo ang tax ng gobyerno na wala namang pinupuntahan. Yung SSS, Philhealth, at Pag-ibig. Magkano nalang ang natira? Eh 'di ang unti-unting naglalaho mong mga inaasam.

Ilang beses ko ring nasabi na ayoko na. Hanap nalang ako ng ibang trabaho. Pero dahil siguro sa mga kasama at sitwasyon sa Pilipinas, tumagal ako ng more than six years sa first job ko. From MT to supervisory level, umangat din naman ang position at sahod ko.


KINAYANG PAGKASYAHIN PERO KULANG.

Noong mag-decide na kami ng labs ko na magpakasal last year, gumawa kami ng budget plan. Kahit bali-baligtarin, ito lang ang computation tamang formula:

INCOME - EXPENSES = SAVINGS

Pamasahe sa pagpasok araw-araw. Pambayad sa renta ng bahay, sa tubig, sa kuryente, sa telepono, sa internet, sa pamamalengke, sa gasul, sa damit, at siyempre para sa leisure time (kaya pala laging masakit ang ulo ni ermats nang mawalan ng trabaho si erpats).

Sa tulong ni Bro, sumapat naman ang blessings Niya sa amin.

After ilang months ng walang-kapantay na masayang pagsasama, we received another blessing. Actually two blessings from Bro. Nalaman namin sa ultrasound result na kambal ang dinadala ni misis.


I'M THE HAPPIEST MAN AT THAT MOMENT.

Panay ang pasalamat ko sa Kanya at sinabi ko na gagawin ko ang lahat to become a good father to them.

Weeks passed by and I came to the realization na kakapusin ang kita naming mag-asawa sa paglabas ng mga angels namin. Doble kayod dapat dahil doble ang gagastusin para sa kanila. 'Di naman ako masyadong kinabahan dahil alam kong magtutulungan kami ng misis ko. Pero sinubukan kong magcompute, mukhang kakapusin na kami.

Mabait talaga ang Diyos. He finds a way to help us face the challenges in life.

Tumawag ang pinsan ni misis at sinabing magpasa ako ng resumé sa company nila na naka-base sa Saudi. Nangangailangan daw ng quantity surveyor.

Ilang beses kong pinag-isipan. Ilang beses naming pinag-usapan. Ilang beses kong iniyakan.

Mahirap pero kailangan. Lahat gagawin ko para sa asawa at magiging anak ko.


Kaya bago ako umalis papuntang Saudi, binaon ko sila sa puso ko upang maging singtibay ng bato at singtatag ng bloke ng semento.

blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker