Sunday, February 28, 2010

Coloring Faces

View Comments




Hi there...bilis talaga ng araw...Marso na agad...once again the heat of summer in the Philippines is starting to toast everyone's skin my wife complains. Meanwhile here in Malaysia the weather has its daily mood swings instead. The rain is like a fireman stepping into the action every time the heat of the day scales up to an annoying level. It's not like the Philippines where we have extreme spells of heat and rain in seasons. Kumbaga when you sweat it rains and when it rains it floods. Hahaha!

March and April in India are months when they celebrate Holi the Festival of Colors. I just want to share my personal anecdote when I worked there two years back. So perhaps you can go over the wikipedia site and check out the cultural background of this festive annual occasion: HOLI

There was this big national festival they call Holi or “Festival of Colors” which they celebrated on the same date as our Black Saturday last March (year 2008). A week before that, one of my colleagues warned me to keep out of the streets that day because children will be all over the place making fun and spraying some sort of liquid using toy pumps on unwary victims. I didn’t pay much attention to that warning. Besides, I thought where’s the harm in getting wet with that liquid anyway when we also have a similar dousing “San Juan” festival. When that day came, I just got back from biking around what used to be a chaotic downtown-turned-ghost-town that morning when one of our IT guys came up to me and said “Loy, why don’t you join the party we’re getting started at the garden?” So I said, “Why not?” when I actually meant to say was “Ok now this is another beginning of the assimilation process!” I then excused myself for awhile to leave my shopping bag in the house and soon we went to the garden together. The moment I stepped on the lawn, everybody welcomed me, our President included, each queuing up and greeting me Happy Holi. It was reminiscent of those fraternity inductions so similarly that I thought I was passing through the ritual gauntlet but of course minus the paddles and crowbars. Instead each one was carrying a bag of stuff which at first I had no idea whatsoever until I felt that my face and hair were being showered and smudged with this powder in various neon colors. The next thing was they also gave me a bag of that colorful stuff, yellow this time, insinuating me “to get even”. A mischief I also did to the others with style. After that, we gathered around in a circle seated in lotus position, laughed and sang kindergarten Hindi songs (not me), smudged color at each other’s faces, exchanged “Happy Holi” greetings, behaved like children, etc etc. In parting, we took pictures of our group for posterity and for my part in Indian culture. That colored powder was really good for undercover makeup. My wife was forced to use a magnifying glass to identify me in those photos. And I was forced to do multiple washings to remove them off my clothes and skin.

Saturday, February 27, 2010

I Think I'm Paranoid

View Comments




Listen to this music while reading this article

Last thursday, bumulaga sa monitor ng desktop ko ang notice from Facebook nang mag-logon ako. Bukod dito ay pinadalhan pa ako ng email na pareho rin ang message. May nagsumbong na third party na na-violate daw ang rights niya dahil sa mga postings doon sa group na ginawa ko kaya nag-decide sila na i-disable yung access. Lahat ng admins ng group ay nakatanggap din ng warning.


Ang FB ay ginawa para makipag-socialize at maki-reconnect sa mga kaibigan. Kahit pati sa mga kaaway. When I resigned from my previous job, gumawa ako ng group para sa mga ex-employees ng pinanggalingan ko. And it's an exclusive club dahil for people no longer connected with the company lang ang puwedeng mag-join. Eventually ay dumami ang mga nag-resign na naging member ng group. Umabot sa lagpas isandaan yung members. Okay naman dahil recollection ng experiences ang napag-uusapan sa mga discussions. Mga uploads ng antigong photos. Pati yung mga 'di nag-pang-abot sa kumpanya ay nagkakilanlan.


Ito ang ilan sa mga naiisip kong reasons kung bakit nagsumbong yung paksyet na nagpa-dissolve sa grupo namin:

1. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng "private" at "exclusive". May engot kasi na current employee na nagpupumilit sumali. Siyempre, disapproved siya. Inggit kaya umepal.

2. Bawal lagyan ng "Ex" ang company name kung gagawin itong group name ng iba. Violation of human rights na daw ito. Dapat "Dating Employee" nalang ang gamitin.

3. Nagkaroon siya ng konting utak at gumamit ng ibang pangalan para makasali. Wala siyang nakitang kakaiba sa loob kaya napahiya. Para 'di halata ang sampal sa mukha, white wash.

4. May original member na nagpauto at pumayag sa under the table.

5. Akala ng nagsumbong ay kasama pa sa job description ang pag-monitor ng cyberspace. 'Di ka empleyado ni Bill Gates oy.


Actually, dalawa yung natanggap kong notice. Yung isa ay para doon sa Fans Club ng HCG. Ginawa akong isa sa mga admin nung INIAKI DORO na hanggang ngayon ay pinagsususpetsahan kong may pakana ng lahat.


Ang nakakatawa sa nangyari, pati yung fans club ay pinabura. Violation of rights na pala ang maging fan ng isang product, brand name, at company?


Nagkamali ng sinumbong o isang palabas lang? Whatever.


Waste of time lang ang pagpatol ko sa ginawang katangahan. Pero pagbigyan niyo na ako dahil ito ang kelangan ko, magpatay-oras para 'di mabato dito sa Saudi.

Thursday, February 25, 2010

Blue Pill, Red Pill

View Comments

This is your last chance. After this, there is no turning back. You take the blue pill - the story ends, you wake up in your bed and believe whatever you want to believe. You take the red pill - you stay in Wonderland and I show you how deep the rabbit-hole goes.

Ok ok! Lam ko pilit nyong inaalala kung san nyo unang narinig ang quotation marks na yan. Yes, tumpak! Sa blockbuster na The Matrix at ito'y winika ni Morpheus ke Neo (played by Lawrence Fishburne and Keannu Reeves respectively). Pero teka hindi sa movie review ang tema ng blog na ito. Pasakalye lang un..kumbaga agaw pansin hehehe.

Actually me kinalaman ito sa blog ng kapwa kong OFW na si Jayson na hanga ako sa kasipagan sa regular na pagbablog dito. Katunayan naaaliw ako sa mga entries niya na nagsisilbi lagi ito either pampawala-homesick o pampawala antok. Ehe...sorry pre baka mali na naman ang maging impression ng ilan sa makakabasa ng blog na ito na masasarap ang buhay ng mga OFWs sa ibang bansa at nakukuha pang antukin sa workplace. Hahaha. Pampabuhay dugo ang ibig ko sabihin sa mga comments ko. Totoo ung cnasabi ni Jayson. Katunayan first time lang nya mangibang bayan para magwork at first time rin nya mangibang bayan for that matter. So lahat2 ng ito'y first time sa kanya kasama na rin ang hard choice nilang mag-asawa na mawalay sa isa't isa sa kabila ng wala pang one year nagsasama sa iisang bubong bilang husband-and-wife. Anyway congrats to you Jayson for you are now a father of twin sons. Nakupo lalo atang kinuryente ka ng homesick.
But I think Jayson is just one of the thousands of young Filipino fathers who made the hard choice of working abroad so that they can provide a better future for their families. They took the red pill and saw how deep the rabbit hole was. Tulad ko rin several years back. Magti-three years old yung panganay namin ng iwan ko ang mag-ina ko to work in China. I could have taken the blue pill and just worked locally and the story ends there. But in reality the story goes on to the next chapter and the next and the next until it ends with your last breath. So I took the red pill, face reality that life is going to be tough no matter what. Thanks to the current technology, sa dami ng sari-saring means of communication hindi na ganun kahirap ang maging homesick. Anjan ung cellphone, internet, yahoo messenger with voice, facebook (with all the kodakan ng gimiks...hoy pampaalis homesick rin un noh!) Pero sa totoo lang grabe talaga feeling ng homesick sa unang alis. Parang malalagutan ka ng hininga ang pakiramdam.

Para sa kin, agree ako ke Jayson. Mas mainam na rin na ipublish na lang sa facebook kung ano ung mga masasayang thoughts not necessarily with matching happenings. Cmpre d rin natin maiiwasan ung maging pensive moods natin paminsan2 but to me I'll just keep it within the circle of my family and close friends. Kung ipublish ko man ginagawa ko namang poetic and metaphoric. Better leave my readers confused than sentimental. Besides makikita mo ang spontaneous influx ng concerns sa mga social networking sites twing me sasapit na matinding trials tulad nung Ondoy last year at Haiti earthquake just recently. So for now we are in desperate need of seeing more smiling faces. At the end of the day even if I choose to worry sometimes, I realize nakakapagod din pala. Mas walang kapaguran ung thinking positive and laughing your hearts out. Hahaha!

Picture Perfect

View Comments


Ang original concept ng blog site na ito ay mag-invite ng mga fellow OFW's para magkuwento ng mga experiences sa iba't ibang panig ng mundo. Marami akong kinukulit at nakulit na para mag-share kaso isa pa lang ang nag-accept, si Wandering Potter na dati kong kasamahan sa pinapasukan ko sa Pilipinas. Pero mukhang busy na rin ngayon si Loy kaya 'di na nakakapagsulat.

Anyweys, 'di yung pangungulit ko ang topic dito. Nabanggit ko lang ang kaibigan ko kasi siya ang nagsabi sa'kin dati na dapat huwag puro masaya ang ikuwento namin para hindi maisip ng mga magbabasa (kung meron man) na masarap magtrabaho sa ibang bansa.

Tama si Loy, KASALANAN NATING MGA OFW kung bakit ang tingin sa atin ng mga nasa Pinas ay napakaraming pera. Magbukas ka ng Friendster o Facebook ng isang Inuutong Bayani, bubulaga sayo ang mga photos na talaga namang kakainggitan - nakapost as profile pic ang kuha na katabi ang isang magarang kotse kahit na 'di naman sa kanya. Siyempre, iisipin ng marami na astig ang service mo dahil mga managers lang ang meron nito sa Pinas. Kahit na mabuking dahil 'di naman marunong mag-drive, tinatalo pa rin ang pag-pose para may pang FB. Isusumbong ko kayo kay Bonggang-Bonggang Bong-Bong!

Yung iba naman ay pino-post pati ang katakawan. Lahat ng kinakainan ay naka-update agad sa photo album. Dito ay guilty ako. Eh ano ba, masarap kaya kumain. Pinapainggit ko talaga yung mga da best at murang pagkain!

Ang trip naman ng iba ay ipagmalaki yung mga pamamasyal sa mall, sa hotel, sa resort, sa Disney, at kung saan-saan pang nakakapukaw sa mga mata ng mga makakakita. Kahit na nalibre ka lang doon dahil sa teambuilding ng kumpanya niyo, iibahin mo pa yung caption para 'di halatang 'di ka gumastos!

Kung iisipin mo, siyempre puro masasaya ang ilalagay mong pics sa mga social networks mo dahil magmumukha ka namang tanga kung maglalagay ka doon ng umiiyak ka at nahihirapan. Ayaw rin naman nating mag-alala ang mga kamag-anak at pamilya natin sa kalagayan natin sa malayong lugar. Nata-tats ako kapag napapanood ko yung commercial ng "OFW Diaries" sa GMA Pinoy TV. Yung part na sinabi ng host na "Ayaw nilang makita ng kanilang pamilya na naghihirap sila sa ibang bansa...".

Kaya naman nagmumukha tayong mayaman. Superficial kung tutuusin.

Kung pinanindigan mong ganun ka nga talaga, sana ay huwag ka nang magulat kung 'pag nagbakasyon ka ng March ay may mga staff ng NAIA na babati ng "Merry Christmas Sir!" habang nakalabas ang palad at nakangiting-aso!

Monday, February 22, 2010

Condom-Inyo!!

View Comments


READ THIS FIRSTBishops to DOH chief: Resign

Nagsimula sa pamimigay noong nakaraang Valentine's Day ng DOH ng mga condoms para sa mga nasa legal age at lollipop para sa mga menor de edad ang ikinakagalit ngayon ng simbahan sa Pilipinas.

Isa sa mga news ngayon ay ang pagbibitaw ng maaanghang na salita ng mga bishops laban kay Health Secretary Esperanza Cabral.

"Napaka-imoral para sa nanunungkulan sa gobyerno na paigtingin ang pamamahagi ng condom na alam naman natin na hindi totoong mababawasan o mapipigilan nito ang pagdami ng HIV-AIDS. Nakakatakot dahil moralidad ng lipunan lalo na ng mga kabataan ang nakataya rito. Sana po magbago na siya (Cabral) dahil ang isang paa niya ay nasa impyerno na. Baka marami pa ang madamay," ang sabi ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles, vice chairman ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life, sa panayam sa kanya sa Radio Veritas. 

Kahapon, sinamahan ko ang kasamahan ko sa pharmacy para bumili ng amoxycillin. May nakita akong tindang mga condoms. Napaisip tuloy ako.... applicable kaya sa mga Pinoy ang size ng mga binibenta dito? Eh kung baligtarin natin - kasya kaya sa mga Arabo ang mga condoms na ipinamigay ng DOH?

Kung AIDS / HIV lang naman ang pag-uusapan, ang PAGIGING LOYAL LANG ang solusyon sa problemang iyan. Isama mo na rin ang SEX EDUCATION.

Kayo, ano ang stand niyo sa birth control -- ARTIFICIAL o NATURAL?








Sunday, February 21, 2010

Labadami

View Comments




Nang umalis ako ng Pinas papuntang Saudi, binaunan ako ng isang dosenang brief, isang dosenang pares ng medyas, at isang dosenang panyo at face towel. Alam kasi ni misis na medyo tamad ako kapag paglalaba na ang usapan. Sa ganitong paraan, may magagamit ako kung sakaling 'di ako makapaglaba.

Tuwing Biyernes ang schedule ko sa paglalaba - sakto sa OT ng karamihan kaya maiksi lang ang pila. Buti nalang at automatic na washing machine ang gamit dito sa villa namin. Hindi mo na kailangang magkusot, magbanlaw, at magpiga. Ilalagay mo lang madudumi mong damit, budburan ng Tide, takpan, at maghintay ng forty-five minutes.

Masarap dito sa Saudi, ang daling magpatuyo ng damit. Huwag ka na gumamit ng downy dahil nawawala rin ang amoy nito sa tinding init ng araw. Huwag mo ring papalagpasin ng isang oras ang pagpapatuyo kung ayaw mong mag-amoy-araw ang mga damit mo. Siguraduhin mo ring nakasipit ang mga linabhan mo kung ayaw mong mapunta ito sa kabilang roof top dahil sa lakas ng hangin. Hindi mo kailangang mag-alala sa ulan. Ang dapat mong tingnan ay ang pabugsu-bugsong pagdaan ng sandstorm!

Tuesday, February 16, 2010

Al Dewan: Broast Chicken and Pizza

View Comments



L to R: Wilfred, Me, Jun


L to R: Wilfred, Gem, Jun


Pizza-rap!!! Pepperoni, beef, mushroom, olive, bell pepper, tomato sauce and lotsa , mozzarella cheese!



Miss ko na ang giant bubuyog at kamag-anak nitong pizza.

Laking Jollibee ako at halos kasing-tanda ko siya. Mula bata hanggang sa magbinata at mag-asawa, pagkain nila ang peyborit ko. Sa sobrang paborito ko, ginawa pa nila akong kabayo nang mag-working student ako sa kanila noong college ako. Okay lang dahil ilang beses naman akong nakapag-uwi ng instant gravy! Sauce pa lang, ulam na.

Miss ko na ang sex scandal ni Jollibee at Twirlie. At lalong miss ko na si Chicken Joy. Pati yung kamag-anak nilang si Greenwich. Kahit na may McDo at sabihin na ako'y jologs sa pagtangkilik sa Jabi, wala akong pakialam. Die-Hard ito. Sagad to the bones!

May Jollibee na sa Saudi kaso wala dito sa Rabigh. Buti nalang, ang usong pagkain dito ay Broast Chicken. Para siyang Saudi version ng Chicken Joy pero pinamura at walang gravy. Ang kasama lang nito     ay garlic sauce, hot sauce, at ketchup. Sobrang mura nito dahil four (4) pieces nito (breast, thigh, wing, drumstick) ay SaR11 lang! May kasama na itong french fries at kubus (parang pita bread).

Yung pizza nila, panalo na rin for SaR30. Large na iyon good for four persons. Bale tig-dadalawang slices     kayo. Medyo bitin pero masarap naman ang lasa.

Ang medyo may pangalan na "fast food" dito sa Rabigh ay ang Al Dewan. Siya ang parang Al-Baik dito na medyo sikat sa Kaharian ng mga Arabo.

Sarap kumain. Meron din palang baboy dito -- ang mga OFW na nagsisitabaan!! Sarap kumain eh!





Sunday, February 14, 2010

Balentaympers

View Comments


Tulad ng sabi ko sa mga nauna kong blogs, negativejay dati ang alyas ko. At kasama sa pagiging negative ko noon ang 'di pag-celebrate ng araw ng mga puso. Napipilitan lang akong magbigay ng mga valentine's cards dahil project ito sa iskul. Para akong kumakain ng sangkatutak na mais kapag ginagawa ko iyon.

Nakahanap pa ako ng kakampi sa pag-boycott sa "silent new year" noong college nang mabasa ko ang libro ng idol kong si Jessica Zafra. Bakit nga ba kailangang maglaan ng isang araw para mapuno ang motel, restaurant, at mga sinehan? Puwede naman tayong bumili at magbigay ng chocnut at gumamela kahit hindi katorse ng Pebrero 'di ba? Eh 'di hindi sana traffic sa kahabaan ng EDSA kapag balentayms!

"Against the Flow" ako noon. Bato ang damdamin. Ni simpleng "hello" ay 'di mo maririnig sa akin kapag binati ako. "Hell you!", puwede pa siguro.

Ngayong may asawa at nandito na sa buhanginan kasama ang homesick, naiisip ko ang mag-iina ko sa araw ng mga puso. Ang hirap pala mag-stay sa lugar na walang valentine's day. Parang 'yung naramdaman ko dito noong Pasko. Mga kalahati ng feeling na 'yun. Dating meron sa Pilipinas, 'di ko pinapansin. Ngayong wala dito sa Saudi, hinahanap-hanap ko!

Kaninang 9pm (2am sa Pinas), binati ko ang Supernanay ng Wonder Twins namin. Saktong gising pa naman siya dahil gising pa rin ang kambal. Surprised siya?! Oo naman dahil alam kong matagal niyang inantay ito galing sa puso ko.

Corny at emo ba? Siyempre "it's because of love". Ganito ka rin malamang. Kaya nga binabasa mo ito eh.

Saturday, February 13, 2010

Usapang Tae Pa Rin

View Comments


Ito ay hindi na trial and error. Usapang jerbaks na talaga ito. Maghanda ka na ng tissue.

Kung ako si Superman, mga dairy products ang kryptonite ko. Yep, lactose intolerant ako. Medyo nagrerebolusyong lang naman ang bituka ko kapag nakakakain ako ng mga pagkaing hinaluan ng mga produktong yari sa gatas ng baka, gatas ng kambing, gatas ng kalabaw, gatas ng kabayo, at iba pang gatas galing sa mammary glands ng mga naggagatas na hayop.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hanggang ngayon ay may gatas pa rin ako sa labi kaya't mga pagkaing sobrang cheesy at creamy ang peyborit ko. Pizza, spaghetti, lasagna, cheese sticks, cheese curls. Chocolait, milk shake, ice cream, yoghurt. Ilan lang sa mga bff ng tiyan ko.

Balik sa usapang tae. Nauutot na ako sa intro.

Kilala ako ng mga barkada ko at lalong lalo na ng asawa ko na ako ay isang banyo king. Hindi dahil matagal maligo ha. At hindi rin dahil matagal tumae. Kapag may gimik, may kainan. At pag may kainan, gusto ko sa kainang ma-keso. Kaya naman kapag sa labas ang kainan, dapat ay may malapit na inidoro.

Noong mga unang date namin ng misis ko noong gf ko pa lang siya, medyo nahihiya pa akong magsabi na tinatawag ako ni mother (nature). Lumipas ang isang dekada, nasanay na rin at siya na rin nga minsan ang nagtatanong kung saan ako uupo pagkatapos kumain. Tanungin niyo man lahat ng kakilala talaga ko, alam ko kung saan mahahanap ang malinis na kubeta sa parte ng iskul, planta, at mga malls. Walang problema ang puwet ko noong nasa Pilipinas pa ako.

Nang mapadpad ako sa lupain ng mga kamelyo, nanibago ako na parang dumb ass. Bakit walang mga toilet ang mga restaurant dito?! Puro lababo lang na hugasan ng kamay ang makikita mo. Ilang beses na akong nanlamig at pinagpawisan ng butil-butil dahil sa pagpipigil ng kung anong gustong lumabas sa tumbong ko. Ang first experience ko ay noong first time kong makapunta sa Jeddah. Mga two-hour drive ang layo nito sa Rabigh kaya mahirap tiisin. Wala rin namang matinong kubeta sa mga gasolinahan. Hanap dito, hanap doon - wala yata talagang kubeta sa Saudi. Hanggang sa may nagturong guard na nasa third floor daw ang taehan. Nandun na kami sa palapag pero 'di pa rin mahanap.

At long last, doon lang pala malapit sa prayer room nila yung itinuturo ng guard. Parang naliligaw ako kasi ako lang ang Pinoy sa men's room. 'Di pa ako tumatagal sa squat type na inidoro ay may kumakatok na sa pinto ng cubicle. Isang iri lang, bumulwak na lahat ang lamang loob ko. Pag labas ay sumisipol-sipol lang na parang walang nangyari. Bow!

Hangga't nandito ako sa desert, tinuturuan ko ang tiyan ko na makisama sa trip ko.

Paabot ng tissue please.

Thursday, February 11, 2010

Ganito Kami 'Pag Sahod

View Comments



Ang TROPANG LAMON ng Rabigh, KSA (L to R: Patrick, Jayson, Wilfred, Jun, Steve; wala si Gem dahil hawak ang camera!)



Ang murang lechon manok ng Saudi - SAR12 lang!!


















Si Jun na kahit allergic sa manok ay napapalaban 'pag ganito ang set-up


Wala na talagang gaganda pa sa lahat ng araw kundi ang ang Payday. Isang buwan kang kumayod kaya ang sarap ng feeling kapag nasasayaran na ng pera ang mga palad mo. Kahit na saglit mo lang mahahawakan dahil didiretso ka sa Telemoney para magpadala kay misis, iba pa rin ang saya. Kaya nga tayo nandito eh - PARA KUMITA NG PERA!!

At sa thirty days mong pinaghirapan, i-treat mo naman ang sarili mo sa isang malufet na kainan. 'Yung tipong bibitayin ka na kaya masarap ang pipiliin mo (Paksyet 'yung mga binitay na tuyo at sinangag lang ang hiniling sa berdugo at nagpapaawa epek. Mamamatay nalang, umaarte pa!).

"Boodle Fight". Ang sarap kumain kapag matakaw din katulad ko ang mga kasama mo. Ang sarap makipag-unahan sa puwet ng manok. Kanya-kanyang pili ng parte: pekpek, este pakpak, suso (breast), thigh, drumstick, at leeg (ang pinakamalaman na parte dahil matagal maubos!). Basta sa'kin ang chicken ass at yummy skin, solve na ako

Siyempre kapag paubos na ang pagkain, laging may natitirang part na ayaw nang kainin ng lahat. Ugaling Pinoy - "Uy, nagkakahiyaan pa!". Letsugas, tirahin na 'yan!!

Wednesday, February 10, 2010

Ang Buhay Natin ay TAE

View Comments

Uulitin ko ang title, ang buhay natin ay TAE, yup, isang TRIAL AND ERROR.

Noong magtapos ako ng elementary sa Camp Crame na isang public school, pinatay ko ang daga ko sa dibdib at sinubukang sumabak sa St. John’s Academy na isang private school sa San Juan para mag-highschool. Kahit na laki ako sa hirap at halos lahat ng estudyante doon ay “English spokening”, naging maayos ang Highschool Life ko sa pinagmamalaki kong alma mater. Bukod sa ka-batch ko si Bernard Palanca na naging sikat kahit papaano sa mundo ng mga artista, utang ng loob ko lang naman sa iskul namin ang correct grammar pagdating sa English. Buti nalang at nagtiyaga ang mga teachers ko noon na unatin ang baluktot kong dila!

Sa College, sinubukan kong mag-exam sa UST para sa course na engineering. Electronics and Communication ang choice ko kaso bagsak kaya napunta ako sa mundo ng hollow blocks, bakal, at semento – Civil Engineering ang ipinilit ng registrar para sa grade na nakuha ko. Error! Masarap pala sa kolehiyo. Malaya ka kung ano ang gusto mong gawin. Sa sobrang laya, buhay ko’y napariwara. Error nanaman!! Sa UST ako nag-aral pero sa University of Manila ako nagtapos. Ang malufet, kinuha ko ang engineering ng anim na taon. Pero kahit na papaano, wala akong pagsisisihan sa TAE na ginawa ko sa buhay ko noon. May mga maikukuwento pa rin ako sa mga kainuman, anak, at magiging apo ko.

Sa Board Exams review, isang mabuting TAE ang pinalabas ko mula sa tumbong. Walang alak, walang yosi, walang TV, walang ibang bisyo. Ayun nabaliw ako. San ka pa, isang take ko lang ang lintek na PRC Exams na iyan. Hindi tulad ng mga gago at mayayabang kong classmates na hanggang ngayon ay ‘di pa rin pumapasa.

Unang work ko, TAE pa rin ang pinairal ko. Hindi ko nagamit ang lisensiya ko sa pagiging inhinyero dahil sa kamunduhan ng mga inidoro ako napadpad. Toilet bowl ang pinupuntahan lahat ng TAE! Parang isang tubol, sinikap kong patigasin ang TAE ko ng halos pitong taon. May magandang nangyari. May masaya. May malungkot. Lahat ng TAE ko sa Hocheng Philippines Corporation o HCG ay ang nagpalawak pa sa nalalaman ko.

Nang ikasal na kami ng asawa ko, Trial and Error (ayoko ng TAE kasi ‘di naman kami mabaho) pa rin. Ilang buwan kaming naghintay para makabuo. At sa sobrang Trial and Error, nabuo ang WONDER TWINS!!

Panibagong hamon sa buhay kaya nag-decide kami na TAE ulit ang gamitin. Dahil sa TAE, napadpad ako dito sa Saudi. Ngayon, hindi ko pa alam kung ERROR ba ang makakamtan ko dito o ‘yung sinisigaw na “SUCCESS!” kapag lumalabas ng banyo.

Tuesday, February 9, 2010

Pasyente

View Comments

PATIENCE IS STILL AN EFFING VIRTUE!!


Cliche'.

Oo, pero kailangan ng bawat OFW na katulad ko. Wala tayo sa bansa natin kaya kailangang habaan ang pisi.

Monday, February 8, 2010

Posible

View Comments

Kapag February na sa Pinas, mas lumalamig ang panahon. Mas malamig pa sa December. Mas kailangang mamaluktot para magkasya sa kumot.

Kapag sinabing Saudi, init ng araw at walang katapusang disyerto ang maiisip mo. Kaya ayaw ng mga laking aircon ang magpunta dito dahil sa pangambang baka maging parang aircon din ang pagpapawis ng kilikili nila.

Ngayon ko lang na-experience ang ang ganitong lamig - mas matindi pa sa Baguio. At sa Saudi pa! Lintek sa umaga, kailangan mong mag-heater kung gusto mong makaligo. Kailangan mo ring magsuot ng costume mong jacket kung lalabas ka na ng bahay.

Posible!

Sunday, February 7, 2010

Onli in da Pilipins

View Comments

May mga pros and cons ang pagtatrabaho sa ibang bansa. May masarap at may mahirap.”Kasama sa kontrata”, laging sinasabi nating mga OFW’s. Ilang buwan pa lang ako dito sa Saudi pero miss ko na masyado ang mga wala dito sa kingdom.

Asawa. Anak. Magulang. Kapatid. In-Laws. Kamag-anak. Kaibigan.

Tokwa’t baboy, sizzling sisig, crispy pata, sinigang na baboy, inihaw na liempo, lechon at lechon kawali. Balut at penoy. Chicharong balat, chicharong balat na may laman, chicharong bituka, chicharong bulaklak. May fishball, squidball, at kikiam dito sa Rabigh kaso mas masarap pa rin ‘yung maruming sauce ni manong na nagtitinda doon sa Magallanes extension. Betamax, adidas, IUD, helmet, chicken ass, balat – sarap ng ihaw-ihaw na linulublob sa hepa suka na puno ng sibuyas at sili! Kwek-kwek, tukneneng, abnoy – mga itlog na binalutan ng orange na breading. Mamang sorbetero. Manong mani. Manong kasuy. Eat-all-you-can goto sa Cubao. Bulaluhan na umaapaw sa taba at utak. Tapsilog, tosilog, dangsilog, malingsilog, hotsilog at iba pang specialty ng Joey’s Eatery sa Murphy, Cubao.

Jollibee. Sisig Hooray. Yoshinoya. Hong Kong Style Noodles. Zagu. Quickly. Amici. Chef D’Angelo’s. Golden Buddha.

Ang Sabado nights kaharap ang pulang kabayo (RHB), SMB, SML, lola (Gran Matador), Emperaning, GSM Blue, GSM Bilog, at GSM kuwatro kantos.

Mga tambay sa kanto. Inuman ng mga sunog-baga sa daan. Mga batang naglalaro sa kalye. Mga kalyeng puno ng tae ng aso. Mga eskinitang amoy tae ng pusa. Mga gitaristang kabataan sa tapat ng tindahan. Ingay ng videoke mula sa ikatlong block. Tsismosa, palingkera, bungangera na may brand ng bunganga ni Crispy Permin. Mga rambol at suntukan sa kabilang barrio. Mga bahay na nare-raid dahil sa shabu.

Pila sa tricycle terminal ng C5 Waterfun. Pila ng jeep sa Waltermart Makati pauwi ng bahay. Bus sa EDSA na walang kasing-gulang. Mga taxi na namimili ng pasahero. Pang-blockbuster na pila ng MRT at yung mga nagtatakbuhang pasahero nila papuntang exit kapag huminto na ang tren.

Channels 4, 5, 9, 11, 13, 21, 23, 29. “Wow Mali”. “Reunions”.” Ang Pinaka”. “Quickfire”. Bangayan ng “Ang Dating Daan” at “Tamang Daan”

Market! Market! Boni Highstreet. Serendra at ang lahat ng mga sosi na tindahan doon lalo na ang Fully-Booked. Ali Mall, Greenhills, Megamall na may Powerbooks at Cyberzone, Shangri-La, Robinson’s Galleria, at Glorietta. Isama mo na rin ang Guadalupe Shopping Complex , Starmall, Farmer’s Plaza, at EDSA Central na puno ng mga tiangge.

Internet packages ng PLDT, Bayantel, Sky, Smart, Globe, at Sun na ang singilan ay per hour at hindi per kilobyte.

Kung ganyan kasarap sa Pilipinas, aalis ka pa ba at magpupunta sa ibang bansa?

Tara.

Saturday, February 6, 2010

Wala Nito sa Pinas

View Comments

May mga priviliges din ang pagiging OFW. Bukod sa walang kamatayang pang-uuto sa atin ng gobyerno na tayo ang mga “bagong bayani”, heto ang ilan sa mga natikman kong wala sa atin simula nang ako ay mangibang-bayan ppatungong Saudi:

First time na makasakay ng eroplano after thirty years ng pamumuhay sa Pinas. Magtrabaho ng walang kaltas mula sa BIR –ang mga taxes na wala namang pinupuntahan kundi sa bulsa ng mga kurakot at walang kuwentang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno. ‘Di-hamak na mas mataas na sahod. Libreng pagkain. Libreng transpo. Libreng tirahan. Lahat ng kuwarto ay naka-aircondition kahit na magdamag paandarin. Wala kang takot na gumamit ng electric stove dahil mura ang kuryente. Murang electronics and gadgets – halos forty percent ang savings kumpara sa mga binibenta sa Greenhills at Gilmore. Mura ang rekados – pareho ang presyo ng kilo ng sugpo, alimasag, baka, at pusit. Mura ang favorite kong shawarma. Mura ang broasted at lechon manok – one hundred twenty pesos ang equivalent. Nakakakain ka ng imported na “Made in the Philippines”. Dinuguang manok dahil walang baboy. Mas mabilis ang metro ng liters kaysa sa metro ng price kung nagpapa-gasolina (mas mura ang gas kaysa sa tubig!). Magandang superhighway na walang mga kapitalistang toll gate. Bihira ang magnanakaw. Mura ang alahas na gawa sa Saudi gold. Mura ang pang-personal hygiene – pabango, shampoo, toothpaste, lotion, atbp. 3M sunglasses at Caterpillar na safety shoes ang ini-issue as protective personal equipment. Madaling magpatuyo ng sinampay. Madaling magdaing ng isda. Hindi ka nag-aalala na baka umulan dahil wala kang payong. Mas nagiging tiwala ka sa kababayan mo kahit na wala kayong matagal na pagkakakilanlan. Majority ng Pinoy ay united. Mas mahaba ang pasensya ng mga kasama mo. Mas disiplinado at law-abiding ang mga Pinoy. Ikaw ang susuko sa overtime na parang inaayawan mo ang pera.

Ang sarap ‘di ba? Kapalit lang naman niyan ay ang mga panahong nawawala na dapat ay kasama mo ang pamilya mo.

Ano pa hinihinatay mo?! Tara na!

Wednesday, February 3, 2010

The Only Secret (Sirit Ka?!)

View Comments




I used to call myself “Negative Jay” to describe myself as the epitome of negativity, hatred, pessimism, and angst.

Dati ‘yun, noong kabataan ko habang lango sa paggiging “certified rocker”.

Ngayong may asawa na’t anak, mas pinili kong gamitin ang POSITIVE JAY (yun nga lang, ‘di ko pa rin mabibitawan ang negativejay na account ko sa Yahoo!) sa mga social networks. Napanood ko sa film showing ng dati kong pinapasukan ang “The Secret” na kung saan sinabi na ang kailangan natin para umunlad sa buhay ay ang “Positive Outlook”. Kapag maganda ang iniisip mo sa paggising mo palang sa umaga ay maganda rin ang darating sa iyo buong araw. Kapag puro kabuwisitan naman ang lagi mong naiisip, ‘iyon din ang tatanggapin mo -  sa pagkabutas ng pantalon mo, sa pagkaiwan mo sa service bus, hanggang sa pagkakaroon ng virus ng computer mo, connected lahat yan sa lagay ng utak mo.

Positive vibes attract positive things. A negative vibe is equal to all negative occurrences.

Kinabukasan ng pamilya natin ang dahilan kaya tayo napadpad sa ibang bansa. Kahit na wala ka sa Pinas, isipin mo nalang na safe, malusog, at masaya sila. Isipin mo nalang kung natutulala ka sa kakaisip na may nangyayaring masama sa kanila – ‘di ka na makakatulog hanggang sa magkasakit ka na at mapraning. Ano na ang mangyayari sa inyo ng mga mahal mo kung papauwiin kang isa nang baliw sa Pilipinas?

Sa trabaho, just keep cool, stay calm and enjoy the experience. We don’t need to complicate things. Tandaan natin na “only the gifted stupid people complicate and argue on the simplest things”. Maghanap tayo ng ikakadali ng trabaho natin. Hindi iyong ‘di mo pa nga nagagawa, ‘yung worst scenario na kaagad ang iniisip mo. May pinagkaiba ang pagsasabi ng “it’s possible but difficult” sa pagsasabi ng “”it’s difficult but possible”. Mamili ka nga kung ano ang tama!

So next time na may nagtanong sa’yo kung ano ang lagay mo, huwag mong sagutin ng “Ok lang”. Sagutin mo nang nakataas ang noo, “HETO, YUMAYAMAN!!


Tuesday, February 2, 2010

Alisbayan Box

View Comments

Matapos mong makapag-uwi ng mga isang truck ng Balikbayan Boxes, makapagbakasyon, at makipag-bonding sa pamilya't mga mahal sa buhay, babalik at babalik ka pa rin sa bansang pinapasukan mo. Sa hirap ba naman ng buhay sa Pilipinas, kahit lindulin kayo at pasabugan ng mga scud missiles ay gugustuhin mong mamatay ng busog ang pamilya mo!

Sa pagbalik mo sa ibang-bansa, ikaw naman ang magdadala ng mga pabaon ng iyong pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan. Siyempre, tuwang-tuwa ka naman at mapupuno mo ang iyong ALISBAYAN BOX!!


Marami naman talagang mabibiling Pinoy foods sa ibang bansa kaso mahal kumain ng imported na sariling-atin! Kaya heto ang listahan ng mga gusto kong mabitbit kung babalik pa man ako dito sa Saudi:


1. chocnut
2. balut
3. itlog na maalat
4. hopia
5. marty's vegetarian chicharon
6. boy bawang
7. tokwa
8. skyflakes
9. lucky me pancit canton
10. butong-pakwan
11. pulvoron ng goldilocks
12. v-cut
13. chippy
14. nachos
15. clover chips
16. alamang
17. bagoong isda
18. dahon ng sili
19. tuyo
20. tinapa

Monday, February 1, 2010

Balikbayan Box

View Comments





BALIKBAYAN BOX
Eraserheads



Puno ng tuwa't galak
Ang aking Balikbayan Box
Pandikit, damit at laruan
Poster ay wala nang paglagyan

Ubos ang sweldo mo
Sa loob ng isang linggo
Kay tamis asukal ni sisar
Ang demonyong cook nang aasar

Refrain:

Umuwi na tayo
Umuwi na tayo hey, hey, hey

Umuwi na tayo dahil wala nang sense ang ating mundo

Lahat sa iyong buhay
Nawalan na ng saysay
Na'san na ang pasalubong ko
Sino ang mag-uuwi nito

(refrain)

Walang maintindihan
Dumating sa Allen, Haro, Maida, at Levan
Kailangan nang sumahalang
Sandali mag-papahangin lang


(refrain)

Balikbayan....(4x)

Puno ng tuwa't galak
Ang ating Balikbayan Box





Bawat BALIKBAYAN BOX ay katas ng pawis, luha, dugo, at tiyaga ng mga OFW's. Pero kahit na anong hirap punuin ang isang kahon, siguradong saya ang idudulot nito sa mga padadalhan at makakatanggap sa Pinas.

First time ko dito sa Saudi kaya hindi ko pa alam ang diskarte sa pagpuno ng mga BB's. Nakikita ko lang sa mga tita at lola ko ang karaniwang laman ng pasalubong na kahon.

Heto ang listahan na sa tingin ko'y laman din ng bagahe niyo para sa mga mahal sa buhay:

1. chocolate (para sa chikiting)
2. Saudi gold (para kay misis, nanay, at biyenan)
3. rubber shoes (para kay utol at bayaw)
4. pabango (para sa mga kamag-anak)
5. power tools (para sa tatay at biyenan)
6. laruan (para sa pamangkin)
7. appliances (tv, stereo, blender, washing machine, etc.)
8. gadgets (mobile, mp3 player, laptop, dekstop, etc.)
9. Levi's jeans
10. preserved dates (ang minatamis na hindi linalanggam!)
11. sabon (ivory, nivea)
12. lotion



Haayy.... sarap magwaldas ng pera kapag marami ka.



Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker