Saturday, May 29, 2010

Blogger Ka Ba?

View Comments

Nasa college pa lang ako (way back mid-90s) ay nahilig na ako sa pagsusulat ng mga kung anu-anong katarantaduhan sa mundo. Wala pang blog noon sa net at ang outlet ko dati ay ang paggawa ng zine (from the word fanzine, tulad ng blog na portmanteau naman sa web log). Mahirap dati gumawa ng zine dahil self-financed ang publication. May option kang ibenta para ma-maintain ang hobby mo pero ako, pinamimigay ko 'yung copies ng libre para masuportahan ang publicity ng banda naming Demo From Mars during those times. 

Kaya nga ng magkaroon ng mga blog hosts sa net eh talaga namang natuwa ako. Pero kahit na matagal nang  nagkaroon ng mga libreng hosts ng mga blogs ay last year lang ako nagsimulang magsulat sa net dahil busy ako sa work at kung anu-anong mga bagay noong ako'y nasa Pinas pa. Dito sa Saudi ay naging pampalipas oras siya at pampalimot ng homesick.

Monday, May 24, 2010

T.G.I.F.

View Comments

R to L: jonar, esrome, and junjunpau

Create your own labloop foto slideshow for MySpace, Facebook or your website! view all fotos of this slideshow


Lahat ng tao ay gustong magpahinga. Lahat ay gustong makapag-relax once in a week kahit na madalas kang petiks sa trabaho. Sa Pinas, ang tawag sa weekend ay "family day". Sa OFW namang malayo sa pamilya, ang tawag lang dito ay "dayoff" o "rest day". 

Thank God It's Friday. Kung sa ibang panig ng mundo ay Linggo ang araw ng katamaran, dito sa Saudi naman ay Biyernes ang araw ng overtime, paglalaba ng sangkaterbang damit na madudumi, at paglilinis ng kuwarto para hindi atakihin ng mga arabong ipis (na bestfriend ni pareng Drake) at mga higanteng surot!

Wednesday, May 19, 2010

Rock Baby Rock

View Comments

Isa sa mga kabilin-bilinan ko sa misis ko(five months preggy at that time) bago ako pumunta dito sa Saudi ay iparinig niya ang collection  ko ng mga cd's kahit na nasa womb pa lang ang Wonder Twins.Napanood ko kasi dati sa Discovery Channel na naririnig ng mga babies ang outside world kahit na nasa tiyan pa lang sila ng mga mommies. At kung ano 'yung narinig nila during fetal development ay nagkakaroon ng effect sa personality nila paglabas nila sa mundo. Kaya nga sabi ko sa misis ko ay iparinig niya lahat ng albums ng Eheads, Slapshock, Nirvana, Smashing Pumpkins, at banda naming Demo From Mars para certified rakista na sila kaagad! Pangarap ko rin kasi na ma-appreciate nila ang mga genre ng music na nakahiligan ko habang nagkakamuwang na sila sa tugtugan. Para saan pa ang gitara ko at mga albums na kinolekta kung makikinig lang sila sa kanta ni Manny Pacquiao at Willie Revillame? Pangarap ko ring magkaroon sila Les Paul at Lei Xander ng banda kasama ang mga anak nila Geline, Joe, insan Badds, at utol Pot na mga kabanda ko noong kabataan namin. Pero hindi ko pinangarap na maging rockstars sila paglaki ha. Fifth choice lang ito kasama ang pag-aartista. Mas gusto ko pa rin silang maging doktor, architect, ambassador, o engineer.

Monday, May 17, 2010

Spampalibog

View Comments

Mahilig ka ba sa SPAM?

Yup, ‘yung masarap na delata na paboritong ipasalubong ng mga nagiging inglisero nating mga kababayan galing Tate. Feeling kasi ng iba ay napaka-sosi nito pero ang totoo ay associated ang pagkaing ito sa paghihirap na sanhi ng economic crisis. Sa sobrang mura nito sa bayan ni Uncle Sam ay nagiging solusyon ito sa mga oras ng pangangailangan. Tayong mga noypi lang naman ang nakakaramdam ng pagiging “priviliged” kapag nakakakain ng imported na relief goods.

Ngayon ay tatanungin kita ulit, mahilig ka ba sa spam? Kung napansin mo, small letters nalang ang gamit ko dahil kapag naka-caps lock ay tinutukoy nito ang trademark ng delata habang kapag small letters lang ay tumutukoy naman sa mga walang kakuwenta-kuwentang electronic messages na pumupuno sa mga inboxes ng sangkatauhan (jEJem0Nz, keep this in your paksyet minds)!

Thursday, May 13, 2010

Idol Ko Si Willie

View Comments

Sige na nga, makikisawsaw na ako sa pinakamainit na topics sa Pinas kahit na wala naman talaga akong hilig sa politics at pag-aartista (click here to read my entry on this story). Eh ano pa nga ba ang laman ng radyo at telebisyon, ng diyaryo, ng celfone, at lahat ng mga networks na pangsosyalan tulad ng FB, FS, at Twitter? Una, ang 2010 National Circus Elections. At Pangalawa, ang issue sa idol kong si Willie Revillame versus the people of the Republic of the Philippines na pumapanig kay paksyet na Jobert.

Oo, idol ko si Willie at walang pakialamanan dahil blog ko ito!! Kaya kung member ka ng FB group na bumabatikos sa kanya at nangangalap ng signatures para i-petition siyang tanggalin sa ABS-CBN, hindi ito ang entry na dapat mong mabasa. Sa gitna ng lahat ng pang-aalipusta, bibigyan ko siya ng malufet na tribute.
Sa lahat ng mga makikitid ang utak, hindi si Willie ang dahilan ng pagkatalo ni Money Villar. Ang idol ko ang isa sa mga pinakamagagaling na endorsers ng ating panahon. Marami siyang tatanga-tangang followers na naniniwala sa charismang pinapakita niya sa sambayanan through live teevee. Kaya kahit na siguro maalat ang sukang ibebenta ay bibilhin ng masa dahil sa kanya. Natalo si Villar dahil kay Sarah Geronimo – noong nakodakan siya na ginawang “L” ang “V” hand sign habang naka t-shirt pa ng yellow! Atska kasalanan din ni Villar ang pagkatalo niya dahil binaboy niya ang kanta ng Parokya ni Edgar. At sino ba naman ang gustong maligo sa dagat ng basura? Like, eeew.

Tuesday, May 11, 2010

Three Weddings and a Lonely Man

View Comments

 jayayeng 12082008
papatalo ba naman kami ni misis sa mga wedding pics sa ibaba?!

Masaya ang mga kasalan. Sigurado ako dito dahil naranasan mismo namin ng misis ko ang feeling noong kami ang ikinakasal. 'Yung alam mong kayo na ng minamahal mo ang magsasama ng habambuhay. Hindi 'yung basta magsasama lang kayo kundi 'yung may basbas ng simbahan, ng batas, at ng mga tao. Eight months pa lang ako mula nang dumating dito sa Saudi at pang-Guinness na ang dami ng mga kasalang na-miss ko.


Geline and Mafi (September 12, 2009)

Si Geline ang itinuturing kong BFF (ewan ko lang kung ganun din ang turing niya sa akin. jeJeje). Simula nang makilala ko siya noong highschool, siya na ang naging paborito kong kasa-kasama sa lahat ng bagay. Sa paggala, sa kalokohan, at kung anu-ano pang mga katarantaduhan. Kaya nga alam namin ang takbo ng bituka ng bawa't isa. Hindi lang sa saya kundi pati sa lungkot at kapighatian. Sa kanya ko nasasabi ang mga problema ko sa buhay lalo na kapag may gin bulag kaming katapat at masasarap na pulutan. Hindi naman halata sa katawan niya na mahilig siyang

Saturday, May 8, 2010

Ang Supernanay

View Comments

May isang nanay akong ipapakilala sa inyo na itatago nalang natin sa pangalang Sheila Marie a.k.a. Yayeng / Yaying. Actually, mas preferred kong tawagin siyang LABS kaso nang ipanganak niya ang Wonder Twins ay mas gusto ko na siyang "Supernanay".

Five months siyang preggy sa aming baby boys noong umalis ako papuntang Saudi. Alam kong mahirap para sa kanya ang situation na ganun dahil kailangan niya ng partner sa ganung stage na critical. Kinaya niya ang lahat ng sacrifices na ginawa namin para lang sa magiging anak namin. Kahit na malaki na ang tiyan niya, she still managed to accept interior design services. Tinulungan niya pa rin akong kumayod para sa kakailanganin naming panggastos sa paglabas ng kambal. Huminto nalang siya sa pagtatrabaho nung sinabihan na siya ni doc na hindi na talaga puwede. I'm sure, kung puwede lang siya magtrabaho hanggang sa last hours bago siya manganak ay ginawa na niya alang-alang sa mga anak namin. Pero kahit na nagwo-work siya that time ay hindi niya inaabuso ang sarili niya para hindi naman maapektuhan ang mga bata sa kanyang sinapupunan.

Wednesday, May 5, 2010

Gravy Na 'Toh

View Comments

tourist spot dito sa Yanbu, KSA


Bagong lipat ako ng lugar. Patapos na kasi ‘yung unang project na napuntahan ko kaya sa iba naman ako ipapadala. From Rabigh ay nandito na ako ngayon sa Yanbu – parehong lugar dito sa Saudi Arabia. Ang pinagkaiba nga lang ay nasa siyudad na ako ngayon at medyo countryside naman ang setup ng nauna kong assignment. Naalala ko tuloy ‘yung time na nalipat ako from Cavite to Makati noong nagta-trabaho pa ako sa Pinas.

Sa paglipat ko dito ay may isang bagay akong medyo excited. Ang lahat ng tao ay may kababawan sa mundo kapag naisipan niyang magpakatotoo. At isa sa mga kababawan ko dito sa Saudi ay ang pangarap kong makakain sa JOLLIBEE. Eh bakit ka ba nangingialam, paborito kong kumain dito mula pagkabata hanggang sa mag-asawa, at magkaanak. Alam ko kung gaano “kalinis” (daw) lutuin ang mga masasarap na pagkain nila dahil nagging service crew ako sa kitchen nila noong nasa college pa ako. Anyways, hindi ang buhay ko bilang kabayong trabahador nila ang entry ko kundi bilang customer na OFW sa gitna ng disyerto.

Sunday, May 2, 2010

Larawang Kupas

View Comments

Ang sarap makakita ng mga lumang pictures ng photograph lalo na kapag kasama ka sa kinodakan. Imposibleng hindi ka tatawa kapag nakita mo ang itsura mo noong time na feeling mo eh cool ang dating mo. Actually, hindi ito entry na babasahin. Ang gagawin mo lang ngayon ay tititigan ang mga litrato kong nakuha sa baul. Sige, okay lang na okrayin at pagtawan. Naisip ko lang kasi na kahit pangit ako ay proud akong ipakita ang mukha ko sa buong mundo hindi katulad ni pareng Drake (peace tayo bro)! Pero bago niyo ako hanapin sa ibang mga pictures, heto muna ang itsura ko mula noong teenager ako hanggang sa ngayon:

yup, ito ang mga most wanted na hinahanap ng NBI. lalo na 'yung kalbo - malaki'ng reward



heto naman ang banda naming Aneurysm. kami 'yung madalas na hindi pinapapasok sa SM Megamall at Robinson's Galleria



ito naman ang banda naming Demo From Mars noong nakatugtog sa Club Dredd sa EDSA. cool naman kami 'di ba?!



ang mga batang yagit noong nagbinata na. si pom-pom, barkada namin



kasama ang mga haiskul friends sa St. John's Academy. sayang 'di ako naka-attend ng reunion last month! ang tagal pa namang pinagplanuhan nun. fifteen years in the making yata. bwahahah



EOw p0wh I2 nmN~ P0Wh ANg mGA SinUng trOPA NG JEJEmoNZ Na nGPKlat~ NG nk2hILonG mESSgEZ 2LAd NI2NG bNbSA~ u Po



mga tropa naman from uste noong nag-oath-taking kami as new civil engineers



ang professional drinkers ng Mangoville...alak pa!! sana ganyan pa rin katawan ko



misis ko yung naka-stripe na shirt. ungas, hindi 'yung nasa kaliwa



o huwag mag-react, hindi ako 'yung longhair - erpats ko yan, karga ako!!


.......at dito nagtatapos ang feature presentation.


Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker