Showing posts with label bagong bayani. Show all posts
Showing posts with label bagong bayani. Show all posts

Thursday, July 1, 2010

Cancer Month

View Comments

despedida / birthday party ko last year

Sinasalubong ko ng masayang-masayang-masayang-masaya ang buwan ng Hulyo. Dati, isa ito sa mga pinakaayoko dahil ito ang month ng aking birthday. Ayoko ito sa kadahilanang bukod sa madadagdagan ang edad ko ay ayoko ng binabati ako "happy birthday p're!" sabay banat ng "sa'n ang inuman?". Kuripot akong tao. Hindi dahil ayokong gumastos kundi dahil napakarami kong kaibigan. "Friendliest" yata ako noong pre-school! Kaya mahirap mag-budget kapag ang friends mo sa FB ay umaabot ng libo.

Tuesday, June 29, 2010

Hindi Porke't Nasa Abroad Ako, Mayaman Na! Hindi Ako Banko!

View Comments

Sa bawat ngiti ng mga ofw's na palabas ng airport ay may halong pangamba na baka kulangin ang baong pera! Magising na sana ang mga kamag-anak at pamilya na hindi itinatae ang pera sa ibang bansa. Dugo at pawis ang puhunan para mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal

Noong bata pa ako lagi kong inaabangan ang pagdating tuwing December ng mga lolo at lola ko galing Hong Kong. Lahat kaming magkakapatid at magpipinsan ay inaabangan ang araw ng paglanding ang eroplano. Binibilang bawa't tulog na natitira bago namin sila salubungin sa NAIA. Nagpapatayan kaming mga bata kung sino ang sasama sa pagsundo sa erport. Nagulgol at paglulupasay ang maririnig at makikita mo sa hindi makakasama!

Sunday, June 27, 2010

Yan Bu Rats

View Comments

kumakapal na talaga ang mukha ko na mag-post ng ganito sa net


Paano mo lalabanan ang homesick kapag inatake ka nito na parang atomic bomb na ibinagsak sa Hiroshima? 

Sabi ng mga matatandang kasama ko dito sa disiyerto, hindi na bago sa kanila ang mga noyping umuuwi na may maluwag na turnilyo ang ulo. Lalo na noong mga panahong wala silang ibang libangan kundi ang maghintay sa napakahabang pila ng payphone (with matching isang bayong na umaapaw sa baryang panghulog) at ang maghintay ng isang buwan bago makatanggap ng sulat mula sa ka-penpal.

Wednesday, June 23, 2010

Big 6

View Comments



Okay, bago ko simulan ang entry ay gusto ko lang muna kayong pangunahan na wala akong hilig manood ng Pinoy Big Brother (defensive mode). Lalung-lalo na ng Teen Edition na puro may itsura ng kinukuhang housemates para magiging artista paglabas ng bahay ni Kuya. Nagustuhan ko lang ang palabas na ito noong unang season nila pero matapos 'yun ay nawala na ang pagiging fanatic ko. Hindi rin kasi ako natanggap sa audition ng celebrity edition kaya nagpaka-bitter nalang ako sa PBB. MAs gugustuhin ko pang basahin nalang ang librong "Nineteen Eighty-Four" ni George Orwell kung saan ibinase ang paksyet na reality / scripted show.

Kagabi ay  naengganyo akong makinood ng isang episode sa mga kasama ko ring housemates dito sa villa  nang mapadaan ako sa teevee area galing kusina. Binigyan ng task ni Big Brother ang pitong natitirang housemate na mamili kung sino ang makakasama sa Big Six. Kung tutuusin ay medyo mahirap ang pinapagawa niya dahil kailangan ng matinding pag-iisip kung sino ang isang tatablahin sa grupo. 

Sunday, June 20, 2010

Sobrang Okay Pare

View Comments

At dahil Father's Day ngayon, expected na natin na babaha ng entries sa blogosphere tungkol dito. Mapupuno ang email mo ng mga forwarded messages. Ganun din sa text na walang-humpay na pupunuin ang inbox ng celphone mo (pero bitter ako dahil wala akong natanggap kahit isa!). Sa radyo at teevee, siguradong may "special" program na nakahain.Kanina, habang kumakain kami ng hapunan ay napanood namin sila Cesar Montano, Gabby Concepcion, at Gary V. na kumakanta ng "Father and Son" ni cat Stevens sa ASAP. Parang engot lang dahil si Gary lang naman ang pinakitang may anak na lalaking bumabati sa kanya sa VTR. 'Yung dalawa, parehong babae 'yung pinakita. Sana nag-isip nalang sila ng ibang kanta.

Nang mag-commercial ay ipinakita naman ang show ni KC Concepcion na kasama ang nanay at tatay niya. Mukhang aabangan ito ng mga Sharonians sa loob-loob ko dahil certain may chemistry sa kanila na nagpapakilig sa lahat ng manonood. Kahit na parang balyena na si Ate Shawie at DOM na si Gabo.

Wednesday, May 5, 2010

Gravy Na 'Toh

View Comments

tourist spot dito sa Yanbu, KSA


Bagong lipat ako ng lugar. Patapos na kasi ‘yung unang project na napuntahan ko kaya sa iba naman ako ipapadala. From Rabigh ay nandito na ako ngayon sa Yanbu – parehong lugar dito sa Saudi Arabia. Ang pinagkaiba nga lang ay nasa siyudad na ako ngayon at medyo countryside naman ang setup ng nauna kong assignment. Naalala ko tuloy ‘yung time na nalipat ako from Cavite to Makati noong nagta-trabaho pa ako sa Pinas.

Sa paglipat ko dito ay may isang bagay akong medyo excited. Ang lahat ng tao ay may kababawan sa mundo kapag naisipan niyang magpakatotoo. At isa sa mga kababawan ko dito sa Saudi ay ang pangarap kong makakain sa JOLLIBEE. Eh bakit ka ba nangingialam, paborito kong kumain dito mula pagkabata hanggang sa mag-asawa, at magkaanak. Alam ko kung gaano “kalinis” (daw) lutuin ang mga masasarap na pagkain nila dahil nagging service crew ako sa kitchen nila noong nasa college pa ako. Anyways, hindi ang buhay ko bilang kabayong trabahador nila ang entry ko kundi bilang customer na OFW sa gitna ng disyerto.

Saturday, February 6, 2010

Wala Nito sa Pinas

View Comments

May mga priviliges din ang pagiging OFW. Bukod sa walang kamatayang pang-uuto sa atin ng gobyerno na tayo ang mga “bagong bayani”, heto ang ilan sa mga natikman kong wala sa atin simula nang ako ay mangibang-bayan ppatungong Saudi:

First time na makasakay ng eroplano after thirty years ng pamumuhay sa Pinas. Magtrabaho ng walang kaltas mula sa BIR –ang mga taxes na wala namang pinupuntahan kundi sa bulsa ng mga kurakot at walang kuwentang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno. ‘Di-hamak na mas mataas na sahod. Libreng pagkain. Libreng transpo. Libreng tirahan. Lahat ng kuwarto ay naka-aircondition kahit na magdamag paandarin. Wala kang takot na gumamit ng electric stove dahil mura ang kuryente. Murang electronics and gadgets – halos forty percent ang savings kumpara sa mga binibenta sa Greenhills at Gilmore. Mura ang rekados – pareho ang presyo ng kilo ng sugpo, alimasag, baka, at pusit. Mura ang favorite kong shawarma. Mura ang broasted at lechon manok – one hundred twenty pesos ang equivalent. Nakakakain ka ng imported na “Made in the Philippines”. Dinuguang manok dahil walang baboy. Mas mabilis ang metro ng liters kaysa sa metro ng price kung nagpapa-gasolina (mas mura ang gas kaysa sa tubig!). Magandang superhighway na walang mga kapitalistang toll gate. Bihira ang magnanakaw. Mura ang alahas na gawa sa Saudi gold. Mura ang pang-personal hygiene – pabango, shampoo, toothpaste, lotion, atbp. 3M sunglasses at Caterpillar na safety shoes ang ini-issue as protective personal equipment. Madaling magpatuyo ng sinampay. Madaling magdaing ng isda. Hindi ka nag-aalala na baka umulan dahil wala kang payong. Mas nagiging tiwala ka sa kababayan mo kahit na wala kayong matagal na pagkakakilanlan. Majority ng Pinoy ay united. Mas mahaba ang pasensya ng mga kasama mo. Mas disiplinado at law-abiding ang mga Pinoy. Ikaw ang susuko sa overtime na parang inaayawan mo ang pera.

Ang sarap ‘di ba? Kapalit lang naman niyan ay ang mga panahong nawawala na dapat ay kasama mo ang pamilya mo.

Ano pa hinihinatay mo?! Tara na!

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker