kumakapal na talaga ang mukha ko na mag-post ng ganito sa net
Paano mo lalabanan ang homesick kapag inatake ka nito na parang atomic bomb na ibinagsak sa Hiroshima?
Sabi ng mga matatandang kasama ko dito sa disiyerto, hindi na bago sa kanila ang mga noyping umuuwi na may maluwag na turnilyo ang ulo. Lalo na noong mga panahong wala silang ibang libangan kundi ang maghintay sa napakahabang pila ng payphone (with matching isang bayong na umaapaw sa baryang panghulog) at ang maghintay ng isang buwan bago makatanggap ng sulat mula sa ka-penpal.
Buti nalang at medyo makabago na ang inabutan kong buhay dito sa kaharian kaya marami nang puwedeng paglibangan kapag medyo nalolongkot ka sa buhay. Unahin mo ang pagkamot sa itlog mo (nagawa ko na ito sa aking last entry). Isunod mo naman ang puwet mo kapag medyo namumula na sa kamot yung dalawa. Puwede moring ng bilangin at gawaan ng tabular sheet ang mga nahuhuli mong giant surots na namumugad sa villa niyo. Kapag tapos ka na at nasusuka sa baho ng dugong nanikit sa kuko mo sa pagtiris sa kanila ay pumunta ka naman sa kusina. Huwag ka muna kumain. Puntahan mo muna 'yung lamesang ginagawang soccer field ng mga cute na baby ipis. Isa-sa mo silang hulihin at kapag nakarami ka na ay puwede ka nang gumawa ng torta. Puwede mo rin naman silang ihalabos na parang hipon o kaya ay gawing crispy na parang crablets.
Makitambay ka sa kuwarto ng ibang lahi. Mangapitbahay ka sa iba't ibang grupo nila para ma-distinguish mo ang levels ng body odor. Itodo mo ang airconditioner ng kuwarto niyo at kapag medyo nilalamig ka na ay mag-sunbathing ka naman sa ilalim ng araw na may temperature ng fifty degrees. Bilangin mo na rin ang mga butil ng buhangin para hindi ka mainip habang nagpapaitim ng batok. Subukan mong uminom ng gasolina dahil mas mura ito kaysa sa tubig. Lagyan mo ng yelo para ice-cold ang dating.
O kaya naman, para mas maging makatotohonan, bumili kayo ng superdooper mega non-alcoholic beer sa pinakamalapit na suking tindahan. Huwag niyong kalimutan ang pulutan. Maglasing-lasingan kayo tulad ng ginagawa mo sa Pinas kapag umiinom ka ng Cali. Magpapilit ka sa dalawa mong roommates na humarap sa laptop at titigan ang webcam habang nagli-lipsynch ng tig-isang kanta ng Westlife at VST & Company. Kapag natapos na ang malufet na trip ay panoorin niyo ito at sabay-sabay na pagtawanan ang mga kahihiyang ginawa niyo.
Kung malakas ang loob mo at feeling artista ka ay i-upload mo sa Youtube o sa FB ang finished product:
Marami pa nito. Magtatae na kayo sa susunod.