isa sa mga peyborit kong litrato namin ni papa
"Paglaki ko, gagayahin ko'ng tatay ko..."
Kung isa kang Batang Nineties, malamang ay alam mo kung saan ko kinuha ang aking opening line. Galing ito sa isang government infomercial on reckless driving. Dalawang bata ang naglalaro ng kotse-kotsehan at 'yan ang dialogue na ibinibida ng isa. Tapos may darating na isa pang bubwit at magsasabi ng "('di ko na matandaan ang pangalan ng bata), tatay mo nabangga!". Pero taliwas sa nangyari sa tatay ng bata sa commercial ay hindi kailanman nabangga si erpats sa pagmamaneho. Kahit na nakainom siya at parang roller coaster ang takbo ng sasakyan ay never siyang sumalpok sa kung ano mang bagay sa dinadaanan niya.
IDOL KO SI PAPA.
Siya ang nag-iisang tsuperman ng aming buhay. Oo, proud akong sabihin na isang professional driver ang aming tatay. Eversince. Ang kuwento ni mama, ang pangarap daw ni erpats ay maging isang seaman kaso hindi ito nangyari dahil nabuo ako bunga ng kanilang pag-iibigan. At dahil nagbuo sila ng sariling pamilya, mas pinili nilang magtrabaho keysa mag-aral para masuportahan ang aming mga pangangailangan. Kung ikukumpara ang pagmamaneho ni erpats sa aming buhay, masasabi kong isa siyang magaling na driver at sweet lover! Kung 'di dahil sa kanyang magaling na paggabay sa amin ay 'di kami makakarating sa kinalalagyan namin ngayon.
Wala na yatang magiging mas "cool" pa kay Carlito Quitiquit a.k.a. "Thart (from the word sweetheart)". Tingnan mo nalang ang picture namin sa itaas, 'di ba kamukha siya ni macho-guwapito Rico J. Puno?

PA, HAPPY FATHER'S DAY!! WE LOVE YOU!
P.S.
Happy Father's Day din sa aking napakabait na biyenang si Daddy Ed!!
At sa lahat din ng mga tatay, isang tagay para sa ating araw!