Sa bawat ngiti ng mga ofw's na palabas ng airport ay may halong pangamba na baka kulangin ang baong pera! Magising na sana ang mga kamag-anak at pamilya na hindi itinatae ang pera sa ibang bansa. Dugo at pawis ang puhunan para mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal
Noong bata pa ako lagi kong inaabangan ang pagdating tuwing December ng mga lolo at lola ko galing Hong Kong. Lahat kaming magkakapatid at magpipinsan ay inaabangan ang araw ng paglanding ang eroplano. Binibilang bawa't tulog na natitira bago namin sila salubungin sa NAIA. Nagpapatayan kaming mga bata kung sino ang sasama sa pagsundo sa erport. Nagulgol at paglulupasay ang maririnig at makikita mo sa hindi makakasama!
Kapag nakalapag na sina granma and granpa ay konting yakapan, konting kumustahan, at konting chikahan. Pagkatapos ng konting drama ay inuusisa na namin ang mga dala nilang balikbayan boxes. Sana marami. Sana malalaki. Nasan kaya 'yung box para sa matatanda? 'Yung para sa mga bata?
GUILTY AKO. Mas importante sa aming mga bata ang mga pasalubong kaysa sa pagdating ng mga matatanda na gusto kaming makasama na magdiwang ng Kapaskuhan.
'Nay (tawag namin sa lola ko), nakabili ba kayo ng Gameboy namin?
'Tay, may mga chocolates ba kayong dala galing Duty Free?
Meron po bang mga Giordano polo shirts na ipinadala sila Tita?
Pupunta po ba tayo sa Star City sa Pasko?
Ang eksena sa bahay...lahat ng kamag-anak at pamilya ay always present kapag nagbabakasyon ang mga lola. Grupo-grupo dahil naka-group din ang mga boxes na dala nila nanay at tatay. Minsan depende sa age bracket. Minsan depende naman sa gender. Minsan depende sa dami ng members ng bawat pamilya. Never na mawawala ang imported na Nescafe at Coffee Creamer, ang original na Maling Luncheon Meat, at ang mga chocolates na Hershey's Kisses, Crunch, at Toblerone. Hating-kapatid. Walang lamangan. Sa huli ay magtatanong pa ang dalawang matanda kung nakakuha ba lahat ng dalang pasalubong. Kapag walang umiiyak, ibig sabihin ay walang problema at walang nakalimutang bilihan. Masaya ang lahat. Tenkyu then uwian.
Sabi sa akin ni nanay dati, January pa lang ay namimili na siya ng mga ipapasalubong para sa December. Inaabangan niya ang lahat ng sale ng damit tuwing magpapalit ng season para bargain niyang makukuha ito at bultuhan. Kapag Chinese New Year naman ay inaabangan nila ang mga itatapong basura (mga lumang appliances, laruan, at kung anu-ano pa) ng mga Intsik na pinag-aagawan naman ng mga Pinoy. Kinukulekta rin nila ang mga pinaglumaang damit at laruan ng mga pinsan ko para ipamigay naman sa amin sa Pinas. Ang mga bakanteng balikbayan boxes naman ay pupunuin nila sa pamamagitan ng mga kita sa pagtitinda ng ulam sa mga pinoy at mga flight stewardess na gusto ang lutong-atin. Sa pagtitinda rin sila humuhugot ng ipapadala sa mga apo at anak tuwing may birthday, may binyagan, kasalan, at iba pang celebrations. Naisasama pa minsan ang pagtakbo ng mga anak nila tuwing kinakapos sa pambayad ng tuition, ng kuryente, ng tubig, at ng kung anu-anong 'di matapos-tapos na utang. Isang tawag lang, may padala na.
HINDI KO ALAM KUNG PAANO NILA PINAGHIRAPAN SA ABROAD ANG MGA ITO AT KAILANMAN AY HINDI PUMASOK SA ISIP KO DAHIL ANG PANINIWALA KO AY MARAMI SILANG PERA.
Mali pala. Ngayong nasa abroad na ako ay alam ko na ang katotohanan. Sabi nga nila, hindi mo mararamdaman kung hindi mo nararanasan.
Kagabi ay napag-usapan namin ng roommate kong si Emerson at iba pang mga kasama namin sa villa ang nalalapit naming bakasyon sa August. Ang sarap ng feeling sabi namin. Makikita na naman at makakasama ang mahal sa buhay. Bonding to the max. Hanggang sa pumasok ang topic ng tungkol sa kung ano ang tingin sa iyo ng mga kakilala mong naiwanan sa Pilipinas.
Nandiyan 'yung dumarami na ang mga biglang nakakaalala sa'yo dahil alam nilang malapit ka na umuwi. P're, huwag mo kalimutan 'yung size ten ko na sapatos. Samahan mo na rin ng isang pares ng original Levi's 501 jeans. Si misis nga pala, type ang 8gb na ipod pero kung mahal, puwede na ang imitation, carry na 'yun. Paksyet, nasa'n ang pera? May pinatago ka ba?
Meron namang bigla kang ite-text o biglang magpapadala ng email at private message sa YM. Tito, malapit na birthday ko. Ninong, best in physical education po ako. Insan sa tuhod, binyag sa makalawa ng pamangkin mo sa kabit ko. Ilang years mo silang hindi nakakausap at noong paalis ka nga ay 'di man lang sila dumalaw sa despedida mo pero biglang magpaparamdam na parang wala lang.
Kapag nabalitaang malapit ka na magbakasyon ay meron namang mga magpapabili ng mga kung anu-ano sa iyo. Tatawag at talagang sasabihin sa'yo ang mga ipapabili. Oy, balita ko mura ang alahas diyan sa saudi. Bilihan mo naman ako ng makakapal na bracelet at kuwintas. 'Yung parang isinusuot ni Mr. T. 'Yung magmumukha akong may hepa. Bayaran nalang kita ng kaliwaan. Ikaw itong si gago, bili naman dahil assured ka na babayaran naman pagdating mo. Biglang sasabihin ng kausap mo na bukas nalang ang bayad dahil walang barya at malas magbayad ng gabi. Thirty five years, six months, three weeks, and four days...malalaki na ang anak mo at may mga apo na. Awa ng Diyos, umaasa ka pa ring babayaran ka sa pinabiling alahas. Sana hiningi nalang niya para hindi ka na umasa.
Kapag nabalitaang malapit ka na magbakasyon ay meron namang mga magpapabili ng mga kung anu-ano sa iyo. Tatawag at talagang sasabihin sa'yo ang mga ipapabili. Oy, balita ko mura ang alahas diyan sa saudi. Bilihan mo naman ako ng makakapal na bracelet at kuwintas. 'Yung parang isinusuot ni Mr. T. 'Yung magmumukha akong may hepa. Bayaran nalang kita ng kaliwaan. Ikaw itong si gago, bili naman dahil assured ka na babayaran naman pagdating mo. Biglang sasabihin ng kausap mo na bukas nalang ang bayad dahil walang barya at malas magbayad ng gabi. Thirty five years, six months, three weeks, and four days...malalaki na ang anak mo at may mga apo na. Awa ng Diyos, umaasa ka pa ring babayaran ka sa pinabiling alahas. Sana hiningi nalang niya para hindi ka na umasa.
Hindi maramot ang mga Pinoy. Hangga't maari, lahat ng kakilala, kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, at lalo na ng sariling pamilya ay maaambunan ng pasalubong at ng kung ano mang tulong na hihingiin. Sana nga lang ay maisip naman ng iba na pinaghihirapan din naming mga OFWs ang kinikita sa ibang bansa. Isang buwan na paghihirapan ang suweldo pero saglit lang itong dumadaan sa mga palad dahil kailangan ng sariling pamilya, ng kamag-anak, at ng kung sino pang umaasa sa'yo.
Nasabi ko na sa entry kong Picture Perfect dati na ang mga nakikita niyong mga naka-post na photos sa FB ng mga OFWs ay isang superficial na bagay lamang. Sa likod ng mga magagandang tanawin at mga nakangiting mukha ay ang hirap at lungkot ng nalalayo sa pamilya. Nakakasawang mag-ulam ng itlog at magsabaw ng instant noodles. Nakakaumay rin ang isang linggong adobong manok, paksiw na hasa-hasa, at sinaing na tulingan. Tinitipid mo ang sarili mo sa mga bagay na gusto mo para lang maibigay ang pangarap at kailangan ng pamilya.
Emo mode ba ako ngayon? Hindi mga parekoy.
Nagsasabi lang ng totoo na "Hindi Porke't Nasa Abroad Ako, Mayaman Na! Hindi Ako Banko!"
Emo mode ba ako ngayon? Hindi mga parekoy.
Nagsasabi lang ng totoo na "Hindi Porke't Nasa Abroad Ako, Mayaman Na! Hindi Ako Banko!"
P.S.
Please spread the word. Sali na rin kayo sa FB Fan Page na naging inspiration ng entry na ito. Click mo lang 'yung link sa itaas!