Friday, June 25, 2010

Killer Smile



Isa sa mga minsanan kong ginagawa kapag medyo nababato ay ang pagkakamot ng itlog ko. Kapag medyo sawa na ay tumatapat naman ako sa aking computer at binibisita si pareng YT para manood ng mga nakakatawang bidyu. Ang mga madalas kong pinapanood ay ang mga past episodes ng Wow Mali, Just For Laughs, at Bitoy's Funniest. Kung minsan, nagtitiyaga naman ako sa mga nakakalokong cool stupid videos from Japan.

Kahapon habang nagba-browse ng mga kalokohan nila Joey ay nakita ko sa related vidoes ang isang video na may title na "Ayos sa Trip si Manong". Medyo naengganyo ako kaya nag-point ang click ako sa link nito. Mababaw lang ang kaligayahan ko at kapag talagang napatawa mo ako ay hindi ko 'yun nakakalimutan. Ang video na nasa entry na ito ay isa sa mga nagpasaya sa aking YT life. Ang lufet ni manong. Dahil sa kanyang kakulitan ay natukso akong i-post siya sa aking FB wall at gumawa nga ng entry na ito.

Dahil din kay manong, inusisa ko kung sino ang nag-upload ng kanyang video. Napag-alaman kong si maynard2382 ang naglagay nito sa YT. I was hoping to see another video of manong pero dalawa lang ang naka-store sa kanyang channel. Heto naman 'yung isa pang video na nakapagbigay-aliw din sa akin:





Itong video naman ang nagpakilala sa tunay na may-ari ng na-upload ni maynard2382. Sa ending kasi ng "Netlingo Imba" ay lumabas ang link ng FLIPPISH. Hindi ko alam kung sila talaga ang first online Filipino video channel pero mukhang totoo naman dahil wala pa akong ibang napupupuntahan tulad nito. Paksyet, bakit ngayon ko lang nadiskubre ang site na ito?! Ang dami ko nang na-miss sa buhay. Ang ganda ng mga uploaded videos dito dahil bukod sa Pinoy ay fresh na fresh ang mga tema. Maraming featured shows dito at ang isa sa mga tinambayan ko kaagad ay ang team ng Brain Freeze. Ayon sa site, "Brain Freeze stars some of the freshest actors from this side of the internet who just happen to be a tad crazy. This isn't a comedy show, but if they make you laugh, well, good for you." Try niyong manood at siguradong mapapangiti rin kayo.

Sa mundong sobrang puno ng paghihirap, problema, at pagdurusa, kailangan nating tumawa para makaramdam ng konting ginhawa at upang hindi tayo mabilis na tumanda! Naks, may ganun? Wala lang magawa. Brain freeze....




blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker