Wednesday, June 23, 2010

Big 6

5 Comments



Okay, bago ko simulan ang entry ay gusto ko lang muna kayong pangunahan na wala akong hilig manood ng Pinoy Big Brother (defensive mode). Lalung-lalo na ng Teen Edition na puro may itsura ng kinukuhang housemates para magiging artista paglabas ng bahay ni Kuya. Nagustuhan ko lang ang palabas na ito noong unang season nila pero matapos 'yun ay nawala na ang pagiging fanatic ko. Hindi rin kasi ako natanggap sa audition ng celebrity edition kaya nagpaka-bitter nalang ako sa PBB. MAs gugustuhin ko pang basahin nalang ang librong "Nineteen Eighty-Four" ni George Orwell kung saan ibinase ang paksyet na reality / scripted show.

Kagabi ay  naengganyo akong makinood ng isang episode sa mga kasama ko ring housemates dito sa villa  nang mapadaan ako sa teevee area galing kusina. Binigyan ng task ni Big Brother ang pitong natitirang housemate na mamili kung sino ang makakasama sa Big Six. Kung tutuusin ay medyo mahirap ang pinapagawa niya dahil kailangan ng matinding pag-iisip kung sino ang isang tatablahin sa grupo. 

Taenang mga bata ito, sasali-sali sa laro pero ayaw manalo. Ang unang lima sa katauhan nila Ann, Bret, Ryan, James, at Ivan ay nag-plastikan to the highest level. Kanya-kanya silang choices pero hindi nila nilagay ang sarili nila bilang the best o top one. Ang pinakanakakabuwisit sa lima ay itong si Ivan na tinabla pa ang sarili para makasama ang kanyang housemates sa Big Six. Akala ko mukha lang siyang bading pero wala pala talagang bayag! Ang tanging nagpabilibsa akin ay angdalawang huling babae na sila Fretzie at Devon dahil sila lang ang may guts na iluklok ang sarili sa pinakataas. Kung puwede lang akong bumili ng load para maiboto sila ng one millinon points, sila ang bibigyan ko nito.'Yun naman ang tama. Paano ka mananalo kung ikaw mismo ay walang bilib sa sarili mo? Hindi na uso ang pa-humble, paawa epek, at pa-cute sa teevee dahil matagal nang nabaril ang mga tulad nila sa grandstand ng Crame. Sayang ang two million pesos, 'di mo matatapakan sa daan ang ganung halaga.

Naalala ko tuloy ang time na minsang tinopak ako sa pag-appraise ng mga subordinates ko sa dati kong pinapasukan. Pinatawag ko sila isa-isa (mula operator level hanggang sa staff) at tinanong ko vis-a-vis kung anong grade o rating ang babagay na ibibigay ko para sa kanilang performance for the past six months. Lintek talaga tayong mga pinoy, sobrang napaka-humble. Puwede na ang "puwede na 'yan". Paksyet, hindi ko kaya ang ganun dahil grade conscious ako noong nag-aaral pa ako sa eskuwelahan. Noong binigay nila sa akin ang gusto nilang grade, binabaan ko pa ng ten points. Halata sa mukha nila na na-badtrip sila sa akin. Sa loob-loob ko, "that's for being effortless"! Nagmumura sila habang lumalabas ng pinto - kahit hindi ko naririnig eh nakakabingi 'yung aura nila.

Bago ako na-hire sa dati kong pinapasukan ay dumaan ako sa isang napakalufet na interview. Maghapon siya as in. May written exam, may "product presentation", may one-on-one interview, may panel interview, at lastly, may situational test. 'Yung ginawa ni Kuya sa mga housemates ay naranasan ko na.  Hindi actually katulad ng ganoong style kasi wala pa namang PBB noong 2002. Ang style na ginawa sa amin ay ala-"Weakest Link". Lampas sampu kaming naiwan sa libu-libong aplikanteng gustong makapasok at magkaroon ng trabaho. Ang sabi sa amin ng HR ay tatlo lang ang pipiliin at susuwerteheng matanggap. Dahil nga buong araw kaming magkakasama ay parang ang tagal na naming kakilala ang bawat isa. Pinapili kami ng dalawang gusto naming makasama na makukuha. In the end after ng bilingan ng boto, isa ako sa mga lowest at walang chance na matanggap. Bago pinalabas ang mga weakest links ay binigyan kami ng chance bawat isa para sabihin ang nasa loob namin. Tulad ng napanood ko kagabi, 'yung mga kasama kong talunan ay tanggap ang nangyari. Pathetic.

Pagdating sa akin ay malutong kong sinabing, "We are all entitled to our own opinions but whatever you say to me or do to  me, I'm still a licensed civil engineer....and these people are not!"

Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa HCG at inimbitahan ako for salary negotiation.




Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker