Nasa college pa lang ako (way back mid-90s) ay nahilig na ako sa pagsusulat ng mga kung anu-anong katarantaduhan sa mundo. Wala pang blog noon sa net at ang outlet ko dati ay ang paggawa ng
zine (from the word fanzine, tulad ng blog na portmanteau naman sa web log). Mahirap dati gumawa ng zine dahil self-financed ang publication. May option kang ibenta para ma-maintain ang hobby mo pero ako, pinamimigay ko 'yung copies ng libre para masuportahan ang publicity ng banda naming
Demo From Mars during those times.
Kaya nga ng magkaroon ng mga blog hosts sa net eh talaga namang natuwa ako. Pero kahit na matagal nang nagkaroon ng mga libreng hosts ng mga blogs ay last year lang ako nagsimulang magsulat sa net dahil busy ako sa work at kung anu-anong mga bagay noong ako'y nasa Pinas pa. Dito sa Saudi ay naging pampalipas oras siya at pampalimot ng homesick.