Tuesday, June 29, 2010

Hindi Porke't Nasa Abroad Ako, Mayaman Na! Hindi Ako Banko!

View Comments

Sa bawat ngiti ng mga ofw's na palabas ng airport ay may halong pangamba na baka kulangin ang baong pera! Magising na sana ang mga kamag-anak at pamilya na hindi itinatae ang pera sa ibang bansa. Dugo at pawis ang puhunan para mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal

Noong bata pa ako lagi kong inaabangan ang pagdating tuwing December ng mga lolo at lola ko galing Hong Kong. Lahat kaming magkakapatid at magpipinsan ay inaabangan ang araw ng paglanding ang eroplano. Binibilang bawa't tulog na natitira bago namin sila salubungin sa NAIA. Nagpapatayan kaming mga bata kung sino ang sasama sa pagsundo sa erport. Nagulgol at paglulupasay ang maririnig at makikita mo sa hindi makakasama!

Sunday, June 27, 2010

Yan Bu Rats

View Comments

kumakapal na talaga ang mukha ko na mag-post ng ganito sa net


Paano mo lalabanan ang homesick kapag inatake ka nito na parang atomic bomb na ibinagsak sa Hiroshima? 

Sabi ng mga matatandang kasama ko dito sa disiyerto, hindi na bago sa kanila ang mga noyping umuuwi na may maluwag na turnilyo ang ulo. Lalo na noong mga panahong wala silang ibang libangan kundi ang maghintay sa napakahabang pila ng payphone (with matching isang bayong na umaapaw sa baryang panghulog) at ang maghintay ng isang buwan bago makatanggap ng sulat mula sa ka-penpal.

Friday, June 25, 2010

Killer Smile

View Comments



Isa sa mga minsanan kong ginagawa kapag medyo nababato ay ang pagkakamot ng itlog ko. Kapag medyo sawa na ay tumatapat naman ako sa aking computer at binibisita si pareng YT para manood ng mga nakakatawang bidyu. Ang mga madalas kong pinapanood ay ang mga past episodes ng Wow Mali, Just For Laughs, at Bitoy's Funniest. Kung minsan, nagtitiyaga naman ako sa mga nakakalokong cool stupid videos from Japan.

Wednesday, June 23, 2010

Big 6

View Comments



Okay, bago ko simulan ang entry ay gusto ko lang muna kayong pangunahan na wala akong hilig manood ng Pinoy Big Brother (defensive mode). Lalung-lalo na ng Teen Edition na puro may itsura ng kinukuhang housemates para magiging artista paglabas ng bahay ni Kuya. Nagustuhan ko lang ang palabas na ito noong unang season nila pero matapos 'yun ay nawala na ang pagiging fanatic ko. Hindi rin kasi ako natanggap sa audition ng celebrity edition kaya nagpaka-bitter nalang ako sa PBB. MAs gugustuhin ko pang basahin nalang ang librong "Nineteen Eighty-Four" ni George Orwell kung saan ibinase ang paksyet na reality / scripted show.

Kagabi ay  naengganyo akong makinood ng isang episode sa mga kasama ko ring housemates dito sa villa  nang mapadaan ako sa teevee area galing kusina. Binigyan ng task ni Big Brother ang pitong natitirang housemate na mamili kung sino ang makakasama sa Big Six. Kung tutuusin ay medyo mahirap ang pinapagawa niya dahil kailangan ng matinding pag-iisip kung sino ang isang tatablahin sa grupo. 

Sunday, June 20, 2010

Sobrang Okay Pare

View Comments

At dahil Father's Day ngayon, expected na natin na babaha ng entries sa blogosphere tungkol dito. Mapupuno ang email mo ng mga forwarded messages. Ganun din sa text na walang-humpay na pupunuin ang inbox ng celphone mo (pero bitter ako dahil wala akong natanggap kahit isa!). Sa radyo at teevee, siguradong may "special" program na nakahain.Kanina, habang kumakain kami ng hapunan ay napanood namin sila Cesar Montano, Gabby Concepcion, at Gary V. na kumakanta ng "Father and Son" ni cat Stevens sa ASAP. Parang engot lang dahil si Gary lang naman ang pinakitang may anak na lalaking bumabati sa kanya sa VTR. 'Yung dalawa, parehong babae 'yung pinakita. Sana nag-isip nalang sila ng ibang kanta.

Nang mag-commercial ay ipinakita naman ang show ni KC Concepcion na kasama ang nanay at tatay niya. Mukhang aabangan ito ng mga Sharonians sa loob-loob ko dahil certain may chemistry sa kanila na nagpapakilig sa lahat ng manonood. Kahit na parang balyena na si Ate Shawie at DOM na si Gabo.

Saturday, June 19, 2010

Wala Ka sa Tatay Ko

View Comments

isa sa mga peyborit kong litrato namin ni papa


"Paglaki ko, gagayahin ko'ng tatay ko..."

Kung isa kang Batang Nineties, malamang ay alam mo kung saan ko kinuha ang aking opening line. Galing ito sa isang government infomercial on reckless driving. Dalawang bata ang naglalaro ng kotse-kotsehan at 'yan ang dialogue na ibinibida ng isa. Tapos may darating na isa pang bubwit at magsasabi ng "('di ko na matandaan ang pangalan  ng bata), tatay mo nabangga!". Pero taliwas sa nangyari sa tatay ng bata sa commercial ay hindi kailanman nabangga si erpats sa pagmamaneho. Kahit na nakainom siya at parang roller coaster ang takbo ng sasakyan ay never siyang sumalpok sa kung ano mang bagay sa dinadaanan niya.

Friday, June 18, 2010

Nominees for Top 10 Emerging Influential Blogs for 2010

View Comments



I stumbled upon this recognition-giving body from a fellow blogger. They are already on their fourth year and the nomination period for 2010 has already began. The following bloggers are my bets for this year:


KUWENTONG NAKAKA Akala ko dati ay porn blog ito kaya ko pinuntahan. Eh medyo nakaka-curious din ang handle niyang Kikilabotz. Kuwela ang batang ito. Gustung-gusto ko ang kanyang ipis series. Sana balang araw ay maging libro 'yun. Ako ang unang bibili kapag nagkataon.

GROWING UP GEN-X Isa ring batang nineties tulad ko. Ang kanyang blog ay dedicated sa late eighties hanggang sa pagtatapos ng dekada nobenta. 

Monday, June 14, 2010

Disinwebe, Gemini, at si Pepe

View Comments

 in one of her most memorable birthday parties

Ang number nineteen ay isang napaka-espesyal na numero sa aking pamilya. Una, ipinagdiriwang ko ang aking beerday tuwing sasapit ang July 19 kada taon. Habang ang ang aming kambal na mga anak na sila Les Paul at Lei Xander, or more popularly known as The Wonder Twins, ay ipinanganak naman sa araw na January 19. Siyempre, kung naintindihan mo ang ibig kong sabihin, mage-gets mo kaagad na malamang ay  nineteenth din ang araw ng kaarawan ng labs ko. At kung may above-average kang IQ, maiisip mo na ngayong June ito mangyayari! Ang galing ni Bro, 'di ba?

Sa araw ding ito nagdiriwang ng araw ng kapanganakan si Paula Abdul. Kung hindi mo kilala ang celebrity na ito ay kawawa ka naman. Okay, kung wala ka talagang idea ay bibigyan nalang kita ng isa pang famous person na kilala ng lahat ng Pinoy - si Pepe. Nasa kindergarten pa lang tayo ay alam na natin na siya ang pambansang bayani pero sigurado ako na hindi mo kailanman natandaan ang birthday ni Gat. Jose Rizal dahil mas naaalala mo ang araw ng kanyang kamatayan na isang "double pay" holiday! Hmmmm, kaya pala magaling kumanta, magsayaw, at sobrang talino ni misis ay dahil "birthday bro" niya ang mga celebrities na tulad nila.

Thursday, June 10, 2010

Sino'ng Bespren Mo Doon?

View Comments


Kung ang laging kasama ni Kevin Arnolds sa "Wonder Years" ay si Paul Pfeiffer, ang kasama naman ni Bart Simpson ay si Milhouse Van Houten. Kung si Malcolm (in the Middle) ay may bespren na si Stevie, si Butt-Head naman ay may Beavis

Ganun yata talaga ang buhay -  hindi puwedeng nag-iisa ka lang. Mapa-lecheserye, pelikula, cartoons, sa libro, o sa totoong buhay, ang pagkakaroon ng isang pinaka-close na kaibigan ay isang bagay na hindi mawawala. 

Sabi nila, ang best friend daw ay iisa lang pero sa case ko, napakadami dahil friendly (daw) ako! Best friend ko ang nag-iisa kong labs (at Supernanay ng aming kambal)sa aming samahan bilang mag-asawa. Bestfriend ko si Pot bilang utol ko. Best friend ko naman si Bhobot noong mga uhugin pa lang kaming naglalaro sa lansangan  ng Mangoville. Best friend ko si Danilo na classmate ko noong elementary. Best friend ko rin si Che, classmate ko sa uste noong college at kumare ko na ngayon sa kanyang panganay.

At siyempre, 'di mawawala sa listahan si GELINE LOPEZ na itinuturing kong "best friend for all seasons". 

Monday, June 7, 2010

One More Chance

View Comments


June 8, 2010 is the five hundred and forty-sixth day since me and my loving wife got married on December 8, 2008!  I have to admit that I'm kinda lonely when the eighth day of the month comes in. We don't get to celebrate our monthsaries like we used to. Anyway, the following entry is taken from our wedding website and I am proud to share to you guys our love story.
 

TWO COLOR-ETCHED HEARTS ON WHITE PAPERBOARD
Jay's Story

December 8, 1995, a day Yayeng and I will both remember for the rest of our lives. A day more than twelve years ago since we became lovers.

I can still remember how she gave her heart to me to become my one and only… I was at the newly opened Enchanted Kingdom at Sta. Rosa, Laguna celebrating the eighteenth birthday of my friend Cathy that day. I think she was waiting for me but I and my friends went home past midnight. Too bad there were no Nokia’s or Sony Ericsson’s yet.

Friday, June 4, 2010

Album Review: In Love and War

View Comments


I spent my whole weekend (Friday is Sunday here in Saudi) listening to "In Love and War". This is the "unfinished collaboration album" from Ely Buendia and Francis Magalona. Thanks to today's technology, Ely together with other talented musicians was able to finish what  him and the late master rapper have started. And as promised, I'll come up with my biased review on this highly anticipated and much talked-about masterpiece.

Thursday, June 3, 2010

ILAW

View Comments











Yesterday afternoon, I was shocked when I find out that the highly anticipated collaboration album from Ely Buendia and the late Master Rapper Francis Magalona is already out in the market. And the worst thing about it is that it has been in the record bar shelves since May 19! I totally freaked out when I learned about the news because nobody told me - not even Yahoo! Philippines, Philmusic or Spot.PH.

Okay, I need to calm down. I still have two more months to spend  here in Saudi before I can go to Music One in Glorietta. Good thing there are sites playing samples of the songs off "In Love and War". This album contains ten cuts with collaborations with some of most respected musicians like Gloc 9, Pupil, Hilera and much more.

Tuesday, June 1, 2010

Pahabol sa Summer

View Comments


June na...pasukan na naman ng mga bata. Kasama rin dito ang mga matatandang gustong manatiling bata para walang problema sa pagraket ng pera! Yup, tapos na ang summer sa Pilipinas pero dito sa Saudi ay parang walang hangganan. Paano ba naman, napakatindi magpasikat ng araw at lagi pang overtime kung magpahinga. Ang init dito ay nasa forty hanggang forty-five degrees - puwede kang magprito ng itlog sa hood ng sasakyan mong nabilad lang ng ilang minuto. Ang sunset naman dito ay past seven na ng gabi kaya maliwanag pa rin na akala mo ay ala-singko pa rin ng hapon.

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker