Sunday, January 31, 2010
Levels of HBO
View CommentsPosted by NoBenta at 5:47 PM
Labels: anghit, b'log ang mundo, baktol, body odor, kilikili power, OFW, putok
Friday, January 29, 2010
Ü lol
View CommentsMinsang nakipag-chat ako sa utol kong si Pot na OFW rin, biglang sumingit ang kumpare kong si Marlo. Sino daw ang kausap ko eh tulog na ang lahat ng tao sa Pilipinas? Weird ba? Hindi siguro. Naging libangan na ng mga kababayan natin ang pagsali sa mga chatrooms sa net. Kaya hindi ko masisisi ang kaibigan ko kung pagdudahan niya akong may ka-chat na iba.
Ang internet ay naimbento noong panahon ng giyera. Nang maging commercialized, nagsulputan ang mga chatrooms. Ang aim nito ay magkaroon ng social networking kahit na nasa loob ka lang ng bahay. Parang hi-tech version lang ito ng phone at pen pal. Yun nga lang, inabuso ng tao kaya naging wild.
Kapag bagito ka, magugulat ka sa "asl?". Ano ito, "asal"? Paano kung dinagdagan pa ng letter "n"? "Nasal"? Lintek, parang text message. Kaya nabobobo tayo eh. Kahit na tumataas ang level ng technology, bumababa ang grammar, composition, at vocabulary! "LOL" - akala ko ay minura ako minsan kaya sinagot ko rin ng "ulol ka rin!". Napapagalitan ko nga mga kapatid ko kapag parang text ang message sa chat dahil kumpleto naman ang letters ng keyboard. Walang dahilan para i-shortcut ang spelling.
Tulad ng mga sinaunang forms ng communication (pagsulat at pagtawag sa phone), ang chatrooms ay ang lugar sa cyberspace kung saan namumugad ang sangkatutak na kasinungalingan. Karamihan naman dito ay naglolokohan. Kahit ako, puwede kong sabihin na kamukha ko si Piolo. Pag nanghingi ng picture, eh di mag-send ka ng photo ng mga nasa FB ng ibang tao na kamukha ng artista. Kapag naghanap ng webcam, sabihin mo ay wala. Kapag tumawag naman, sagutin mo na dahil 'di naman makikita yung mukha mong walang katulad!
Hindi pa ba tayo nadadala sa katotohanan na hindi lahat ng maganda ang boses ay maganda rin?! May kakilala akong officemate dati na nakakapeke talaga ang voicebox. Baka himatayin ka pag nakita mo siya!
Dahilan ng iba ay gusto lang malibang kaya nakikipagchat. Wala akong pakialam kung makipagchat kayo sa ibang taong kinaaaliwan niyo. Kaso sana ay naiisip niyo ang kani-kaniyang pamilya niyo kapag nakikipaglokohan kayo sa iba.Okay lang kung pampalipas-oras lang talaga at hindi siniseryoso.
Ang sakit ko naman magsalita. Oo, para sa mga tatamaan. Hindi ako perpekto para maghusga pero pamilya natin ang dahilan kaya tayo nangibang-bayan.
Nakakalungkot lang na may mga kababayan tayo na lumalaki at humahaba ang listahan ng utang dahil sa kakapadala ng load at pakikipag-usap sa mga chatmates nila. Kung ginamit lang sana ang pakikipagchat sa pamilya para makatipid, sana ay mas malaki ang napapadala mong pera kada sahod.
gtg, bka bdtrip na kyo
Thursday, January 28, 2010
This is It
View Comments
Nag-check ako sa Yahoo! Philippines para maging updated naman sa Pinas. At ako'y talagang na-shock dahil ang sensational Cebu Dancing Inmates ay nagpasiklab nanaman sa buong mundo! Ang malufet ay kasama na nila ang choreographer na si Travis Payne at mga dancers na sila Daniel Celebre and Dres Raid, (mga matagal nang kasama ng yumaong "King of Pop", Michael Jackson) para ituro ang steps na ipi-feature sa "This is It".
The first Youtube video ("Thriller") of the inmates already reached more than 37 million views since it was uploaded two years ago. Kahit na mga bilanggo sila, talaga namang kikilabutan ka kapag napanood mo ang indak nila!
I'm pretty sure na isa ito sa mga itatanong sa ating mga OFW's kapag nakahalubilo ang mga banyaga. Kahanay na nila sa listahan siyempre ang balut, si Pacman, at mga sapatos ni Imelda!
Posted by NoBenta at 4:28 PM
Labels: cebu, dancing inmates, king of pop, michael jackson, philippines, this is it
Wednesday, January 20, 2010
Wonder Twins
View CommentsPosted by NoBenta at 7:20 PM
Labels: babies, baby, first-born sons, global Pinoy, kambal, OFW, twins
Monday, January 18, 2010
Kumpare ni Ali Baba
View Comments"'Di maaaring ariin ang pag-aari ng nagmamay-ari" ~ Eraserheads
One week ago, ito ang shoutout ko sa FB. Kaninang umaga, nakausap ko ang misis ko na nanakawan daw kami.
Kabuwanan ngayon ng asawa ko kaya hindi na siya makapaglagi sa bahay namin na nasa second floor ang location. Dahil sa kambal ang dinadala niya, hirap na siyang humakbang sa mga baytang ng hagdanan. Napagpasyahan nalang namin na doon muna siya sa mga biyenan ko manirahan kasama ang kasambahay namin. In other words, mga house spirits lang ang nagbabantay ng tahanan namin. Bukod pa dito ang kapitbahay naming walang pakialam na siya ring may-ari ng mga paupahan.
Ibang klase talaga ang mga kawatan. Bantay-salakay. Walang kinakatakutan. Walang konsiderasyon. Walang puso. Walang isip. Walang kaluluwa.
Ang hirap ng sitwasyon nating mga nagtatrabaho dito sa ibang bansa at mababalitaan mong nilooban ang bahay niyo sa Pilipinas ng mga masasamang tao. Wala kang magawa. Mapapamura ka nalang ng malutong. Lahat ng galit sa dugo mo ay aakyat patungong utak mo. Parang gusto mong umuwi nalang sa Pilipinas dahil sa pag-aalala.
Dito sa Saudi, maku-culture shock ka. Kahit na mag-iwan ka ng gamit sa likuran ng pickup na sasakyan mo ay hindi mawawala. PUWEDE PALA 'YUN?! Siguro kung lahat ng tao sa Pilipinas ay Ex-Saudi, wala nang malilikot ang kamay.
Ang pagtawag ng "Ali Baba" sa iyo dito sa gitnang silangan ay katumbas ng tadyak ng tatlong daang camels sa pagkatao mo dahil magnanakaw lang naman ang ibig sabihin nito. Kaya mo bang sabihin sa asawa't anak mo na magnanakaw ka? Sana kasinlaki ng beach balls ang bayag mo para gawin iyon.
Kapit sa patalim. Buti nalang ay pareho kami ng asawa ko na 'di pinalaki ng mga magulang namin na okay lang magnakaw. Lalo't kung wala na talaga. At least naiintindihan namin na nangangailangan din ang yung taong iyon na kasama ni Ali Baba. Yun nga lang, 'di ko pa rin maisip na ipapakain niya sa pamilya niya yung pagkaing GSM (galing sa magnanakaw). Kung halang na talaga ang mga bituka nila ay talagang 'di na sasakit ang mga tiyan nila!
Ayon nga kay Pekto na sumikat sa "Wow Mali", "PLAK!" Pera lang ang katapat. Yun naman ang dahilan nila sa pagnanakaw. Pero mahirap man sabihin, MONEY IS NOTHING!! Buti nalang at wala sa bahay ang asawa ko nang pinasok kami. At least, bagay lang ang nawala. Kayang-kayang palitan.
Natuwa ako sa tinext ng misis ko -- naalala niya daw yung movie na "Richie Rich". Akala daw ng mga magnanakaw ay valuable ang makikita nila ang vault ng pamilya ay nagulat sila. Oo, valuable sa mag-anak pero junk para dun sa mga magnanakaw. Nagulat sila na mga bagay na may sentimental values ang nandoon. Parang sa home sweet home namin, mas malulungkot pa kami kung yung mga simple things na may kabuluhan ang natangay. Yun nga lang, mahalaga pa rin sa amin yung ibang alahas dahil yun ang ginamit ng labs ko sa kasal namin.
Sa mga magnanakaw na balang-araw ay tatamaan ng karma multiplied to the highest level, isang namamagang middle finger para sa inyo at malakas na "Ha Ha Ha!".
Posted by NoBenta at 1:34 AM
Labels: akyat-bahay, ali baba, b'log ang mundo, expat, global Pinoy, kawatan, magnanakaw, OFW, saudi
Friday, January 15, 2010
Uminom Ka Nalang ng Lason
View CommentsPosted by NoBenta at 9:27 PM
Labels: b'log ang mundo, brainwash, global Pinoy, lason, OFW, saudi
Monday, January 11, 2010
Best Frenemy
View CommentsSecond job ko ang pinasok ko dito sa Saudi. At sa higit anim na taon ko sa una kong trabaho, hindi ko maiwasang ikumpara ang mga taong nakasama at kasama ko ngayon. Sa Pilipinas, alam mo kaagad kung sino ang kaibigan at kung sino ang kaaway. Pero dito sa ibang bansa, hindi ka puwedeng basta magtiwala. Hindi mo alam kung friend o FRENEMY ang pinakikibagayan mo.
Mukhang bago sa pandinig, parang Friendster ang dating. Pero maniniwala ba kayo na as early as 1953, this word has appeared in print. Obviously, pinaghalong salita lang ito ng "friend" at "enemy". From the word itself magkakaroon ka ng idea na ang ibig sabihin nito ay mga taong nagpapanggap na kaibigan pero kaaway naman talaga. Pero puwede rin silang mga ka-group, ka-buddy, o ka-partner na part ng friendly competition.
Ngayon, paano mo malalaman kung sino ang frenemy mo, lalo na't puro kabayan mo ang pinagkakatiwalaan mo sa trabaho?! Wala namang mga Pinoy na magkakatalo kung pare-parehong nasa ibang bansa, 'di ba?
Yup, sasang-ayon ka kung magkakaharap tayong lahat. Pero ang nakakalungkot, mas parang ibang-lahi pa ang ibang Pinoy kapag nakatalikod na sa kababayan nila. Hanep kung ibagsak ang kapwa-Pilipino.
Sabi nila, first impression lasts. And it really does for me. Madali akong kutuban sa unang meet pa lang. Usually, ang mga unang pinapakita ng tao sa unang meet ay pakitang-tao lang. Dito tayo magaling kaya ang daming nababaitan sa atin. Tantsahin mo at pakiramdaman kung "plastik" ang dating. Mata pa lang, mahuhuli mo na ang tao. I-decipher mo na kaagad yung mga tanong na ibinabato niya, yung mga punch line niya sa biro sa'yo dahil iyon ang pagkatao niya.
Hindi lahat ng mabait ay mabuting tao at hindi lahat ng masama ay talagang masamang tao. Magaling ang mga frenemies dahil manipulative at adaptable sila sa lahat ng bagay. Ang dami niyang common interests with you, 'di ka ba nagtataka? Kaya konting ingat pa rin.
May mga taong obvious na nakikipagkumpitensiya sa iyo, at may mga tao namang simple lang kung bumira. Mag-ingat ka sa mga taong ka-grupo ang turing sa'yo. Consensus kung gumawa ng report. Brainstorming to the max. In the end, siya lang ang may pogi points sa puti niyong amo. Parang vacuum cleaner kung sumipsip ng information from you for their personal gain.
Kung may naispatan ka nang frenemy, try to evaluate and contrast. I am very sure na may best friend ka naman sa Pilipinas. O kung may asawa, mas ok. Ikumpara mo yung ugali ng frenemy mo sa tunay mong mga friendster sa buhay. Pag medyo malayo, mag-isip-isip ka na.
Kung 'di ka naman kuntento sa gut feel mo, makipagkuwentuhan ka sa ibang tao kapag coffee break. For sure, may magsasabi sa'yo ng tunay na ugali ng pinakikisamahan mo. Yun nga lang, mag-ingat ka rin na hindi niya kaaway yung kinakausap mo para hindi biased.
Ngayon, mag-isip ka na kung kaibigan mo ako. Sa tingin mo ba ay sinulat ko ito for your own good?
~ NO BENTA
Posted by NoBenta at 1:36 AM
Labels: b'log ang mundo, expat, frenemies, frenemy, global Pinoy, OFW
Sunday, January 10, 2010
Katas ng Saudi
View CommentsPosted by NoBenta at 10:44 AM
Labels: b'log ang mundo, dyip, expat, global Pinoy, jeep, jeepney, OFW, Pinoy, saudi, saudi life
Friday, January 8, 2010
The First Christmas Eve
View CommentsSeptember pa lang, ilang days matapos akong lumapag dito, tinatanong ko na yung mga datihan kung ano ang feeling ng nagpa-Pasko na 'di kasama ang mga mahal sa buhay. Top answer, "MALUNGKOT". Eh ano ba naman ang dapat kong i-expect na sagot, "masaya"? Stupid question ng first-timer na nagpipilit pasayahin yung sarili sa pinakamasayang okasyon sa Pinas.
Mag-focus nalang daw sa trabaho para hindi na maisip at hindi makaramdam ng homesick. Dahil sa opisina, bumilis ang araw at hindi ko na naramdaman na malapit na pala ang birthday ni Bro. Wala naman kasing mga Christmas trees sa loob ng flat. Wala namang mga Christmas lights at mga parol na patay-sinding nakasabit sa labas ng mga bahay. Kahit nga yung simpleng "MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR" na madalas na makikitang nakasabit sa salas ng mga tahanang Pinoy, ay 'di mo makikita. Mas naiisip ko pa kung kailan susuweldo ulit.
Misis ko lang ang nagpapaalala sa akin na lumalamig na ang December. Pinapaalala niya na nalulungkot siya dahil malapit na ang Pasko pero magkalayo kami.
Ilang beses ko nang narinig sa mga seniority na masuwerte pa daw kami ngayon. Parang alamat kung ikuwento sa akin, na napakahirap ng communication dati. Sa snail mail, aabot ng isang buwan sa sagutan kahit na special ang binayaran mo. Sa long distance call naman daw, parang pila ng 200million lotto jackpot ang titiisin bago makatawag.
December 24, busy ang lahat ng kabayan. Abala sa chat, abala sa email, at abala sa mobile. Wala na sa wisyong magtrabaho ang bawat isa. Mahirap na daw makakontak sa Pinas kapag malapit na ang Noche Buena. Bawat oras, naiisip mo kung ano na ang ginagawa ng pamilya mo sa Pilipinas. Yung mga nakagawian mong gawin tuwing bisperas.
Kuwentuhan ng mga kung ano ang handa para sa Noche Buena. Kung sino ang mga bisita. Saan ang party. Bawat kuwento, nag-iimagine ka nalang. Thirty years na akong nag-celebrate ng Pasko. Ngayong taon lang ang first time kong mag-isa.
Simple lang ang Christmas Eve dito. Konting kainan. Konting kuwentuhan. Konting batian. Tapos tulog na.
Buti nalang 'di ko na naabutan dito yung kuwento nila na isang Pepsi in can lang ang katapat ng Pasko!
~ NO BENTA
Posted by NoBenta at 11:42 PM
Labels: b'log ang mundo, christmas eve, global Pinoy, noche buena, OFW, Pinoy
Thursday, January 7, 2010
Kuwentong-Barbero
View CommentsNoong nag-aaral pa ako sa Uste, bad trip na tinanong ako ng professor ko nang pumasok ako sa klase na "skinhead" ang gupit.
Atty. Engr. De Alban: Mr. Quitiquit, ang daming taong nakakalbo na gustong magkabuhok. Ikaw na may buhok, nagpapakalbo! Bakit?!
Ako: Eh sir, ayaw akong papasukin sa gate dahil sa long hair ko!
Mga Klasmeyts: Acheche...
Siyet, parang eksena sa Bulagaan. Simpleng isyu sa buhok, pinapalaki!
Sabi nga ng Weedd sa kanta nila, "Ano'ng paki mo sa long hair ko?". Hindi naman natin masisisi ang bawa't isa dahil ito na ang nakalakihan nating mga Pinoy pagdating sa pagpapagupit.
"Bagong tasa ha.", "Uy, sino ang gumupit sa'yo?Buhay pa ba?", ang madalas na maririnig natin kapag bagong gupit tayo.
Kahit na nandito na ako sa Saudi, ganun pa rin ang batian ng mga kabayan everytime na may bagong gupit. Kaya nga kapag may kabayan na bumati sa ibang lahi na bagong tasa, nahihiwagaan sila. Kung marunong lang sila mag-Tagalog, malamang ay kinanta na nila ang "Long Hair".
Ang nakakamiss sa lahat ay ang pagpapagupit ko sa mga barberya sa atin. Mas kampante pa rin ako sa mga suki kong barbero na sila Dante at Jerry. Dito kasi sa Rabigh, KSA, wala akong mahanap na Pinoy na manggugupit. Mayroon kaming kasama sa villa na marunong maggupit kaso nakakahiya naman dahil ayaw magpabayad. Kaya naman kahit na "semi-kalbo" lang ang gupit ko, nag-alangan pa rin ako noong first time ko magpagupit dito.
Tatlo ang barber shops na magkakalapit sa bayan. Yun nga lang, walang ibang barbero kundi mga Pakistano at Indiano. Parang suicide, napilit na rin ako ng mga kasama ko na magpagupit doon sa suki nila. "Puwede" na rin daw para sa ten riyals. Sa Jeddah daw, maraming Pinoy barbers pero twenty riyals ang bayad. Kapag na-tempt ka nanamang mag-convert into pesos, parang nagpunta ka na sa Bench Fix Salon!
"Maganda hapon. Gupit, pare?", sa dami ng tropa natin dito ay marunong na rin mag-Tagalog ang mga ibang lahi.
Wow, pagpasok mo pa lang ay iba na ang amoy kumpara sa atin. Amoy shawarma. Nakakahilo. Kapag minamalas ka ay next in line ka pa. Wala ka namang mabasang diyaryo dahil 'di mo maintindihan ang nakasulat. Hay, nakaka-miss ang mga tabloids na nakalatag sa waiting area ng Samantha's Barbers. Abante, People's, Tempo, Tik-Tik, at Remate.
Kapag pinaupo ka na sa barber chair, ito na ang dilemma mo. Kapag first timer at 'di ka pa kilala, mahabang paliwanagan sa kung ano ang style ng gupit dahil hirap kayong magkaintindihan. Buti nalang sa gupit ko, sasabihin mo lang ang size ng razor dahil medyo alam na nila ang term na "semi-kalbo".
Naaalala ko tuloy si Dante kapag nagpapagupit ako. Hindi na ako tatanungin n'un sa style. Mas uusisain niya pa kung kailan uli magbabakasyon ang seaman kong utol na si Pot. Paulit-ulit yun. Walang mintis. Parang may naka-program siyang opening line sa bawat customer.
Habang ginugupitan ako ng ibang lahi, walang imikan. Seryoso ako sa pagtingin sa ginagawa niya dahil baka magkamali siya. Hindi tulad ni Dante na yung mga kuwentong-barbero niya ang pinagkakaabalahan namin. Wala akong kaba sa kamay niya kahit na 'di na nakatingin sa ginagawa niya. At may exhibition pa, nakikipagkuwentuhan pa siya sa kasama niyang barbero kapag nakita niyang hindi ako interesado sa mga boladas niya.
Halos pareho ang style ng pagtabas ng buhok sa atin at dito sa Saudi. Ang pinagkaiba lang, wala yung lalagyan ng pulbos ang buhok mo para i-check kung pantay na. 'Yun ang "only in the Philippines"!
May medyo kakaiba sa labaha na ginagamit dito. Bago nila ipang-ahit sa ulo mo ay bubugahan nila ng parang pabango o alcohol tapos sisindihan ng lighter para lumiyab. 'Di naman idi-diretso kaagad sa ulo mo dahil babasain muna nila ng water sprayer. Ewan ko lang kung ano ang gusto nilang iparating.
Kung hindi semi-kal ang gupit ko, libre din ako sa blower. Wala nga lang silang alcohol o hair tonic na ipapahid sa gilid na inahit.
May libre ring masahe dito pero hindi kasing-sarap ng ginagawa ng mga suki ko sa Pinas. Wala yung papatunugin ang leeg mo. Wala yung papatunugin ang mga lamig sa likod mo. Dito ay simpleng lamutak lang sa anit ng ulo mo!
Buti nalang ay hindi nawala ang pinaka-obvious na palatandaan kapag nagpagupit ka... Ang pulbos sa gilid ng ulo!
~ NO BENTA
Posted by NoBenta at 1:03 AM
Labels: b'log ang mundo, barber shop, global Pinoy, kuwentong-barbero, OFW, saudi