Saturday, July 31, 2010

Definitely Filipino

View Comments

click the image to visit DEFINITELY FILIPINO
credits to the original owner of this image

Last July 27, 2010 ay nag-celebrate ng first year anniversary ang Definitely Filipino. Kung isa kang Pinoy na adik sa Facebook, malamang ay alam mo ang tinutukoy ko dahil sa ngayon, ang fan page nila ang pinakamaraming members under Filipino cultural groups. As of this writing, nasa 791, 851 likes na ang group na kinabibilangan ko rin. Check mo ang kanilang page at sigurado akong may kaibigan kang connected sa kanila. Ganun sila katindi sa internet.

Thursday, July 29, 2010

Umuwi na Tayo

View Comments

masarap palang titigan ang e-ticket dahil ramdam mo na ang pag-uwi!!






Kaninang umaga ay nakita ko na ang passport ko sa opisina! Yes, hindi na ito isang photocopy kundi ang totoo na! Tanda na itong malapit na akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon!!

Tuesday, July 27, 2010

Panahon Ko 'To: Pa-Contest ng Bahay Ko

View Comments

 

isang taon na, mga kabayan, ang isa ko pang tambayan!!


Hindi ko akalain na makakatagal ng isang taon ang NoBenta. Akalain niyo 'yun, mag-iisang taon na pala ito sa August 8!!

Bilang pasasalamat sa lahat ng mga dumaan at nagsayang ng kanilang oras sa pagbabasa sa mga walang kakuwenta-kuwentang entries ko doon ay  inaanyayahan ko ang lahat na sumali sa aming TRIVIA CHALLENGE. Heto ang mga prizes na puwede niyong mapanalunan sa aming first year celebration:

Saturday, July 24, 2010

Kinanton Ko With Mayo

View Comments

nakakatakam na meryenda


Last Tuesday ay tinakam ako ng kuwento ni Roanne na may taytol na "Kantunan Tayo! Tara?". Tungkol ito sa lugar malapit sa school nila kung saan puwede kang magpaluto ng instant pancit canton. Naranasan ko na ring makapunta sa mga karinderya sa u-belt na ganito ang style. Ang medyo na-curious ako sa entry ni Roanne ay nang sabihin niyang may bagong craze daw ng pagse-serve ng nalutong canton - WITH MAYONNAISE!!

Monday, July 19, 2010

Tahanan ng mga OFWs

View Comments

 ang mga inspirasyon ko sa pagiging isang OFW

Bilog ang Mundo at saan ka man magpunta ay may mga Pilipino. Ang nakilala nating daigdig ay itinuring na nating isang malaking Pilipinas.

Kung tatanungin mo ang isang kababayan kung paano siya naligaw sa bansang kanyang pinuntahan kapalit ng Pinas ay sasagutin ka niya malamang ng "Para sa pamilya." na walang halong pag-aalinlangan. Hindi ka na magugulat sa ganito dahil likas naman sa atin ang pagiging "family-oriented". Nasa pre-school pa lang ay itinuro na sa atin na ang isang bahay ay nagiging tahanan lamang kung ang mag-anak na binubuo ng tatay, nanay, mga anak, lolo, lola, ni muning, at ni bantay ay lubos na nagmamahalan.

Kung ang definition ng lahat ng eskuwelahan ay  ganito, ang ibig sabihin din ba ay hindi qualified ang lahat ng OFWs magkaroon ng isang matatag at masayang tahanan dahil kulang silang pamilya?

Wala na sa Kalendaryo

View Comments

 ang ipinagmamalaki kong pamilya

Ngayong araw na ito ay tumanda na naman ako ng isang taon. Ngayon ko lang talagang naramdaman na tumatanda na ako dahil wala na ang edad ko sa kalendaryo. Sana ang thirty-two ay katulad ng twenty-eight na meron ang lahat ng buwan ng taon. Oy, hindi lang February ang may dalampu at walong araw dahil lahat ng months ay meron!

Sunday, July 18, 2010

My Birthday Shades

View Comments

poging-pogi....walang kokontra dahil birthday ko!!

Last Thursday, July 15, ay nag-celebrate ako in advance ng aking 32nd birthday. Actually, hati kami ng kasamahan kong si Ka Orbe a.k.a. Ronaldo dahil ngayong buwan din ang special day niya. Nineteenth ang sa akin at ang sa kanya naman ay sa twenty-ninth.

Wednesday, July 14, 2010

Murahan

View Comments

hulaan mo kung sino ang mga robots na ito


Baa weep granah weep ni ni bong!!

Alam ng bawat bata na ang "pambansang tirahan" ay hindi ang mga nagtataasang condo ng The Fort. Alam rin nila na hindi "Bayang Magiliw" ang taytol ng "pambanasang awit". Kani-kanina ko lang nalaman na hindi na pala "maya" ang "pambansang ibon" ng mga noypi - ikaw, alam mo ba kung ano na?. Kilala ng bawat isa sa atin kung sino ang binansagang "pambansang kamao", pero alam pa kaya ng lahat kung ano ang "wikang pambansa" natin?

Saturday, July 10, 2010

Ang Ninang Kong Sikat

View Comments

credits to PEP for this photo

Dahil nalalapit na nga ang aking beerdey, gusto ko lang i-share sa inyo ang ninang kong sikat. Kitams,sa title palang ng entry ko ay naenggoyo na kitang magbasa. I'm pretty sure din na bigla kang napa-click papunta dito nang makita mo ang pamatay na pektyur ng ninang kong si MATUTINA!!

Wednesday, July 7, 2010

Forty Days

View Comments

singing "Ikaw Lang ang Aking Mahal" on our wedding 12.08.08






Kung isa kang masugid na tagasubaybay ng walang kakuwenta-kuwentang blog na ito, alam mo na malamang na ang eighth of the month ay isang napakahalagang araw para sa akin dahil ito kasi ang monthsary naming mag-asawa. Oo na, mag-react ka na sa pinakamalufet mong violent reaction. Wala kang pakialam kung gusto naming i-celebrate ang otso kada buwan. Malayo kami sa isa't isa kaya ito ang isa sa mga special cheesy ways namin para i-express ang aming love for each other.

Thursday, July 1, 2010

Cancer Month

View Comments

despedida / birthday party ko last year

Sinasalubong ko ng masayang-masayang-masayang-masaya ang buwan ng Hulyo. Dati, isa ito sa mga pinakaayoko dahil ito ang month ng aking birthday. Ayoko ito sa kadahilanang bukod sa madadagdagan ang edad ko ay ayoko ng binabati ako "happy birthday p're!" sabay banat ng "sa'n ang inuman?". Kuripot akong tao. Hindi dahil ayokong gumastos kundi dahil napakarami kong kaibigan. "Friendliest" yata ako noong pre-school! Kaya mahirap mag-budget kapag ang friends mo sa FB ay umaabot ng libo.

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker