ang ipinagmamalaki kong pamilya
Ngayong araw na ito ay tumanda na naman ako ng isang taon. Ngayon ko lang talagang naramdaman na tumatanda na ako dahil wala na ang edad ko sa kalendaryo. Sana ang thirty-two ay katulad ng twenty-eight na meron ang lahat ng buwan ng taon. Oy, hindi lang February ang may dalampu at walong araw dahil lahat ng months ay meron!
Sa mahigit tatlong dekada lumipas ay naging masaya ako. Although may mga pang-MMK na mga life experiences, naniniwala ako na majority ng mga nangyari sa akin ay maganda. Una sa lahat ay nagkatuluyan kami ng soul mate kong si Yayeng na Supernanay rin ng aming Wonder Twins. Kahit na magkalayo kami dahil nandito ako ngayon sa Saudi ay sobrang happy ang aming family.
Okie, hanggang dito nalang muna. Bawal ang senti kasi birthday ko nga eh.
First day pa lang ng July ay nag-announce na ako sa FB at dito sa Blogspot na malapit na ang beerday ko. Nakiuso rin ako sa madalas kong nakikita sa ibang blogs kapag malapit na ang kanilang kaarawan. Try lang naman sa loob-loob ko dahil ayoko namang mag-expect na may magpapadala sa akin ng kanilang mga pamatay na pektyurs. Sino ba naman ako para pag-aksayahan nila ng panahon? (Naks, sumisenti pa rin).
Sa awa ni Lord ay may mga napilit Siyang magpadala sa akin ng mga picture greetings! Nandyan si UNNI na talaga namang napangiti ako sa greeeting niya na ang background ay ang all-time favorite kong catoons na The Simpson. Cool na cool ang rakista theme ni pareng POLDO. Parekoy, rakenrol! Natuwa rin ako dahil hindi ako nakalimutan ng inaangkin kong kapatid ko sa past life na si Father DRAKE. Akala ko ay magpapakita na siya ng mukha pero gusto niya talagang mala-Bob Ong ang identity. Ha-hunting-in kita sa Riyadh parekoy kapag napadpad ako diyan. 'Di siya nagsisinungaling sa "pogi" na inilagay niya sa pangalan ko! Nagulat din ako sa pinadala ni ROBBIE dahil kahit na bago palang kaming magkakilala dito blogosphere ay nag-effort siya para mapasaya ako. Parekoy, mas sasaya ako kung ireregalo mo na rin sa'kin 'yung nerdy glasses mo at cool na sumbrero! Si master GLENTOT ay sobra rin ang pag-aksaya ng panahon sa pag-edit ng pinadala sa akin. Okay, inamin naman niya sa akin sa kanyang email na 'yan lang ang nag-iisang picture niya sa office. Huwag na kayong magulat kung medyo familiar ang posing ng iniidolo kong blogger. Na-surprise din ako sa pinadala ng may-ari ng tambayan na madalas ko nang bisitahin. Nainggit ako sa background ng greeting ni ROANNE na kuha sa concert ni Usher sa Macao! Ang lufet mo marekoy (first time ko ginamit itong word na ito, promise)! Nakakatakam naman ang pinadala ni MR. NIGHTCRAWLER na hinuli niya pa raw para lang maihabol sa aking birthday. How sweet, tiririt! Naranasan ko na ring manghuli ng alimasag dito sa Saudi at alam ko kung gaano kahirap silang hawakan! Pamatay naman ang pang-modelong picture ni pareng JAG. Sunod ka nalang dito sa mundo ng mga putok at ipaghahain kita ng mga lechong kamelyo. Huwag ka nga lang magrereklamo sa nakakalasing (sa panaginip) na mga beer in cans! Natuwa rin ako sa isa ko pang idol na si TAYMPERS dahil nagpadala siya ng pektyur kasama ang kamukha niyang kalaban namin ni katokang Jabee. Hindi rin nagpahuli si pareng GOYO kahit na six hours late ang kanyang picture greeting. Bumawi naman siya dahil sineryoso niya ang sinagot kong "all of the above" nang tinanong niya ako kung ano ba daw ang gusto ko, "daring, wholesome, what?". Salamat sa effort parekoy! 'Di rin nagpahuli ang sikat na sikat na sikat na sikat na si CHINGOY, ang may-ari ng sikat na sikat na sikat na sikat na Kaffe Razzo na tatalo sa Starbucks balang araw. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ipinadala ni KOSA POGI pero base sa kanyang resent email, noong July 16 niya pa ito napadala sa akin. Wala lang akong natanggap - lintek na Yahoo 'yan!
At makakalimutan ba naman ako ng aking labidoo at mga poging-poging mga anak? Siyempre hindi 'noh. Sila ang nagbibigay ng lakas sa akin habang nagtatrabaho ako dito sa ibang bansa. Makita ko lang sila sa pictures, makausap sa telepono, at mapanood sa video ay tuwang-tuwa na ako at kumpleto na ang araw. Nakakawala ng pagod!
Sa lahat ng mga kaibigan ko sa mundo ng blogging, maraming maraming salamat!! Hindi niyo lang alam kung paano niyo akong lubos na napasaya. True friends talaga kayo. Teary eyes na ako, paabot ng tissue.
Sa aking nag-iisang labs at mga artistahing anak (naks), ILOVEYOULL! Antayin niyo si tatay, malapit na akong umuwi. Celebrate natin ang lahat ng bithdays na nalampasan ko.
P.S.
Heto naman ang mga pictures pa ng advance celebration ng bithday ko na ginanap last June 15, 2010: