singing "Ikaw Lang ang Aking Mahal" on our wedding 12.08.08
Kung isa kang masugid na tagasubaybay ng walang kakuwenta-kuwentang blog na ito, alam mo na malamang na ang eighth of the month ay isang napakahalagang araw para sa akin dahil ito kasi ang monthsary naming mag-asawa. Oo na, mag-react ka na sa pinakamalufet mong violent reaction. Wala kang pakialam kung gusto naming i-celebrate ang otso kada buwan. Malayo kami sa isa't isa kaya ito ang isa sa mga special cheesy ways namin para i-express ang aming love for each other.
Kaya para sa aking pinakamamahal na asawa at Supernanay ng aming Wonder Twins, HAPPY MONTHSARY LABS!! ILOVEYOUSOMUCH!!
Para madagdagan pa ang ka-keso-han (uso yata kasi ito sa blogosphere ngayon - paps, balentong, poldo) ay bibingiin ko kayo sa aking version ng "Ikaw Lang ang Aking Mahal" ala Brownman Revival. Yup, 'yang naririnig niyong maingay sa background ay galing sa video na ipinadala ko sa misis ko last year noong mag-celebrate kami ng aming first wedding anniversary. Hindi ko na nilagay sa Youtube 'yung video dahil camera shy ako pero puwede kayong mag-request ng copy. Sabihan niyo lang ako and I will be happy to send you a paksyet copy through email! Or puwede niyo namang i-stop na 'yung player kung naaasiwa na kayo. Ngapala, 'yung picture sa itaas, kuha 'yan sa reception ng wedding namin (obvious naman dahil sa cake sa likuran ko). Hinarana ko ang misis ko with the same song pero ala-VST and Company. Because of love. Kaya niyo bang mangharana in front of two hundred and fifty guests?!
Incidentally, ang July 8 ang date na nagpapaalala sa akin na FORTY DAYS nalang at makakapagbakasyon na ako! Yahoooooo, makakalanghap na rin ako ng sariwang hangin na polluted! Okay na ito kaysa naman makasinghot ng baktol ng ibang lahi! Okay, huwag ka muna magbilang ng araw kung kailan ako darating dyan sa Pilipinas at huwag mo akong antayin sa NAIA para manghingi ng mga pasalubong kong sabon! Mag-stay pa kasi ako sa Divisoria ng Southeast Asia dahil ipapakilala daw ako ng mga pinsan ko sa kanilang kaibigang giant daga na nakatira sa isang napakagarang palasyo. Sana ay pakainin niya ako ng maraming maraming keso para mas maging mapagmahal pa ako. Sabi rin nila sa akin ay "the happiest place on earth" daw ang lugar na 'yun.
Para naman sa aking trivia tungkol sa forty days, heto ang nakalap ko:
- Forty days Moses was in the mount, Exodus 24:18; and to receive the Law, Exodus 24:18.
- Forty days Moses was in the mount after the sin of the Golden Calf, Deuteronomy 9:18,25.
- Forty days of the spies, issuing in the penal sentence of the 40 years, Numbers 13:26, 14:34.
- Forty days of Elijah in Horeb, 1 Kings 19:8.
- Forty days of Jonah and Nineveh, Jonah 3:4.
- Forty days Ezekiel lay on his right side to symbolize the 40 years of Judah's transgression.
- Forty days Jesus was tempted of the Devil, Matthew 4:2.
- Forty days Jesus was seen of His disciples, speaking of things pertaining to God's kingdom, Acts 1:2.