click the image to visit DEFINITELY FILIPINO
credits to the original owner of this image
credits to the original owner of this image
Last July 27, 2010 ay nag-celebrate ng first year anniversary ang Definitely Filipino. Kung isa kang Pinoy na adik sa Facebook, malamang ay alam mo ang tinutukoy ko dahil sa ngayon, ang fan page nila ang pinakamaraming members under Filipino cultural groups. As of this writing, nasa 791, 851 likes na ang group na kinabibilangan ko rin. Check mo ang kanilang page at sigurado akong may kaibigan kang connected sa kanila. Ganun sila katindi sa internet.
Nasa Saudi na ako nang mag-join sa DF fan page. Naghahanap kasi ako noong mga panahong iyon ng group na sasalihan para hindi ma-homesick. Hindi naman ako nabigo sa ini-expect ko sa pagsali sa kanila dahil talagang naging tambayan ito ng mga kababayan natin saan mang sulok ng mundo! Masarap dumalaw sa kanilang page dahil grabe ang pagpapalitan ng mga kuro-kuro at impormasyon ng mg Pinoy doon. Sari-sari ang mga pinag-uusapan kaya naman hindi ka mawawala sa update sa Pinas kahit nasa malayong bansa ka pa.
Dito ko lang nakita ang tunay na ibig sabihin ng isang cultural group dahil sa DF ko lang nadama ang pagiging seryoso sa pagpapakita at pagpapalaganap ng kultura nating mga Pilipino. Maraming mga ibang fan pages ang nabuo sa iba't-ibang social networks pero dito ko lang nakita ang mga kababayan natin na may matinding interaction sa bawa't isa. Aminin mo sa sarili mo na may mga sinalihan kang groups na sinalihan mo lang para masabing sumali ka pero after ilang days ay nabaon na sa limot. Ibahin niyo ang DF dahil araw-araw ay bago ang matutunan kaya naman babalik-balikan mo! Anything Pinoy - pagkain, latest trends, latest happenings, at kung anu-ano pa ay nandito!
Humanga talaga ako sa grupong itinatag ni Sir Ben Totanes dahil napakaraming Pinoy ang sumuporta at patuloy na sumusuporta sa kanyang adhikain. Sabi ko sa sarili ko, sana ay maging isa ako sa mga moderators o administrator ng DF dahil gusto kong ibahagi rin ang aking mga ideya tungkol sa pagiging isang tunay na Pilipino.
Parang tinupad naman ni Bro ang aking kahilingan dahil noong nakaraang linggo ay nag-post ang DF sa kanilang FB wall na nangangailangan sila ng addiitional bloggers para sa kanilang group. Ang siste lang, ilang beses kong pinag-isipan muna kung magpapadala ako ng email kay Sir Ben dahil alam ko namang walang kakuwenta-kuwenta ang mga pinagsusulat ko sa mga blogs ko sa loob ng halos isang taon. Nahihiya kasi akong magpresinta tapos mare-reject lang. Nang mawala na ang mga daga sa aking dibdib ay naglakas-loob na akong magpadala ng message sa DF na nagsasabi ng aking hangarin na makasali sa kanilang grupo. Bukod sa B'log ang Mundo ay ibinida ko rin ang NoBenta, The Wonder Twins, at Frontispiece para mabigyan siya ng mga samples ng aking mga entries.
Laking tuwa ko nang makatanggap ako ng kasagutan mula sa admin ng DF na nagsasabing nagustuhan daw nila ang style of writing ko at willing silang tanggapin ako upang maging part ng kanilang blogging team! Masayang-masaya ako dahil matagal ko nang gustong makapagsulat para sa isang maimpluwensiyang grupo na nagpapakita ng pagiging makabayan. Bale rotation ang contibutions ng mga nagsusulat dahil may magilan-ngilan na ring naunang bloggers. Kanina ay nasilip ko sa ang schedule namin at ang mga dates na nakalaan para sa akin ay sa 14th and 29th of August. Yahooo!!
Sa aking bagong pamilya sa blogosphere, DF, lubos po akong nagpapasalamat. Asahan niyo ang aking pagsuporta sa inyong nasimulan sa pamamagitan ng pag-aambag ng mga sulating tungkol sa ating kulturang DEFINITELY FILIPINO!!