Wednesday, July 14, 2010

Murahan

hulaan mo kung sino ang mga robots na ito


Baa weep granah weep ni ni bong!!

Alam ng bawat bata na ang "pambansang tirahan" ay hindi ang mga nagtataasang condo ng The Fort. Alam rin nila na hindi "Bayang Magiliw" ang taytol ng "pambanasang awit". Kani-kanina ko lang nalaman na hindi na pala "maya" ang "pambansang ibon" ng mga noypi - ikaw, alam mo ba kung ano na?. Kilala ng bawat isa sa atin kung sino ang binansagang "pambansang kamao", pero alam pa kaya ng lahat kung ano ang "wikang pambansa" natin?

Noong nag-aaral pa ako sa Camp Crame Elementary School ay binigyan kami ng malufet ng instruction ng mga teachers namin na i-welcome nang maayos ang mga transferees galing ibang probinsiya. Karamihan kasi ng mga napapadpad sa eskuwelahan namin ay iisa ang dahilan -  ang mga tatay nilang mga pulis at sundalo na nabago ang destino. At dahil maraming transferees, halos kalahati ng population ng school ay pinaghalo-halong ilokano, bisaya, ilonggo, kapampangan, at iba pa. Sabi ni teacher, kausapin daw sila na gamit ang dialect nating tagalog para magkaintindihan kami. Sa una ay mahiyain sila pero 'di nagtagal ay naging mas maingay pa sila sa nakalulon ng megaphone.

Sa St. John's Academy na isang private school ako nag-highschool. Dito ko naman nalaman ang kahalagahan ng english language. Bawal mag-tagalog kapag hindi tagalog ang subject. Magbabayad ka ng piso sa class fund kada salitang tagalog na maririnig sa'yo! Ibinaon sa aming mga utak na ang lengguwaheng ito ay napakamakapangyarihan dahil ito ay universal. Tanggap ito saan mang sulok ng mundo tulad ng pagtanggap sa dollars. Hindi na ako nagugulat sa canteen namin kapag nakakarinig ako dati ng "Hi manang, can you give me one order of kikiam and one gulaman at sago?". Kahit baluktot ang dila ng mga tindera ay pilit  nagsasalita ng ingles para lang magkaintindihan sila.

Nang tumuntong ako ng college sa Uste at University of Manila, grupo-grupo ang mga etudyante. May  tropa ng mga ilokano, may tropa ng mga bisaya, may tropa ng mga taga-bataan, at kung anu-ano pang tropa ng magkababayan. Lahat sila ay sinamahan ng mga tropa naming laking Maynila basta masusunod dapat ang isang namumukod-tanging rule - bawal ang mag-intsik; meaning kapag nag-uusap-usap ay tagalog lang ang puwedeng gamitin.

Nakapanood ka na ba ng mga pelikulang ipinapalabas sa Shangri-La kapag may foreign film festivals? Madalas kaming manood ni misis nito hindi dahil sa libre kundi madali naman siyang maintindihan. Meron naman kasing subtitles ang mga movies na pini-feature. Sana magkaroon ako ng remote control ni Adam Sandler ('yung nasa Click na movie) para magkaroon ng subtitle ang mga taong hindi marunong managalog.

Noong first time kong magbakasyon sa Ilocos kung saan lumaki si erpats, ipinakilala ako ng pinsan ko sa mga kabarkada niya. Okay lang na ilokano ang usapan nila dahil 'yun naman ang nakasanayan nila pero nang marinig ko ang "taga-maynila" sa mga bibig nila at biglang nagtawanan na parang mga tanga ay talaga namang nabuwisit ako sa kanila. Walkout ako. Malay ko ba kung binenta na nila 'yung pagkatao ko! Mga paksyet sila.

Sa una kong trabaho, ang mga boss namin ay mga Taiwanese kaya intsik ang alam nilang bigkasin. Kailangan pa nilang mag-hire ng translator para lang magkaintindihan kami. Ang maganda lang sa kanila ay nag-effort din silang mag-aral ng english hanggang sa matuto sila. Kahit na barok, at least ay naiintindihan mo naman sila kahit papaano. 

Simple lang naman kasi ang ethics sa pakikipag-uusap. Hindi naman kailangang i-memorize ang napakasimpleng rule na "speak the same language"? Potah, kung hindi marunong mag-english, wala kang magagawa. Maghanap ka nalang ng ibang kausap mo.

May mga taong sadyang mga walang modo. Dito sa Saudi, nakakaasar ang mga ibang lahi. Naranasan mo na bang maiwan sa isang kuwarto na puro foreigner ang nag-uusap? Tapos maririnig mo sa usapan nila ang pangalan mo o ang "filipini"? Kahit na hindi mo alam kung good o bad ang tinutukoy nila eh napakasakit sa tenga ng ganun. Parang minura ka na rin ng sagad sa buto. Ang nakakaasar, nagagalit naman sila kapag nababaligtad ang sitwasyon - sila lang ang ibang lahi tapos lahat ng pinoy ay nagtatagalog!

Okay, tanggap ko ang unang sitwasyon. Language barrier. Wala masyadong problema.

Eh naranasan mo na ba 'yung kumakain kayo sa isang hapag-kainan na puro pinoy tapos biglang magsasalita ng dialect nila ang magkababayan? Bukod sa hindi mo na maintindihan ay sobrang ingay pa. Kaya nga tayo binigyan ni Bro ng control sa ating mga bibig ay para  magamit natin ito sa mga times na dapat kayong dalawa lang ng kausap mo ang magkakarinigan! Taena talaga ang ganung ugali, walang respeto sa mga kasamang pinoy. Ano sa tingin mo ang mararamdaman mo kung mag-isa ka lang na hindi nakakaintindi sa sampung nag-uusap-usap? Out of place 'di ba?!

Buti pa ang Police, ipinaliwanag nila sa lyrics nila ang ibig sabihin ng "De Doo Doo De Da Da Da"

Para sa mga may ganitong ugali, heto ang malutong kong sagot sa inyo: EEP OPP ORK AH-AH!!!

Kunsultahin niyo nalang si pareng google kung ano ang ibig sabihin ng first and last lines ko. :)


P.S.

Thanks to UNNIE YU, POLDO, DRAKE, ROBBIE, GLENTOT, and ROANNE , MR. NIGHTCRAWLER, and JAG na nagpadala na ng picture greeting para sa aking birthday sa July 19.







blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker