Monday, November 29, 2010

Usapang Tae Ulit

View Comments


Ang entry na ito ay pangatlo na sa mga usapang jerbaks kaya kumuha ka na ng tisyu. NANDITO ang una. HETO naman ang pangalawa. Hindi na lingid sa kaalaman ng mga "close" sa akin na napakahilig kong tumae. Hindi ko alam kung bakit ganun pero parang karugtong na yata ng buhay ko ang kubeta, washroom, bathroom, powder room. 

Pero teka lang, konting trivia muna. Ang salitang toilet ay hindi tumutukoy sa kubeta kundi sa fixtures o kadalasan ay ang inidoro. Kung sakaling mapunta ka sa mga ibang bansa, huwag mong gagamitin ito sa pagtatanong kung nasaan ang kubeta dahil "low class" ang magiging tingin nila sa iyo. Ang "COMFORT ROOM" naman na term ay sa Pinas lang madalas gamitin.

Tuesday, November 23, 2010

Mornings and Airports

View Comments

 sa Hong Kong Airport bago ako pumasok ng China





Langya, napakabilis ng araw. Sa sobrang bilis ay 'di ko namalayang nakakaisang buwan na pala ako dito sa bagong bansang napuntahan. Dalawang buwan na lang ay pauwi na ako para magbakasyon sa Pilipinas. Ilang araw na lang bago ako muling magbakasyon pero mukhang napakatagal na ng huli kong entry sa tambayan kong ito.

Tuesday, November 2, 2010

Goodbye Hello

View Comments



pektyur para sa mga nakaka-miss sa akin

"It's nice to be back!!", ito ang natatandaan kong unang shoutout ko sa FB noong magbakasyon ako sa Pilipinas galing Saudi last August 17, 2010. Ang sarap kasi ng feeling na uuwi ka na sa pamilya mo matapos ang isang taon na paghihintay para sa isang buwan na bakasyon.

Nagpaalam pa nga ako sa mga kautak, ka-dekads, at kabyan ko sa mundo ng blogging. Isang buwan lang ang nasabi kong hiatus na mangyayari pero tumagal ng dalawa. Eh ano ba naman ang pakialam niyo, 'di niyo rin naman ako na-miss!

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker