sa Hong Kong Airport bago ako pumasok ng China
Langya, napakabilis ng araw. Sa sobrang bilis ay 'di ko namalayang nakakaisang buwan na pala ako dito sa bagong bansang napuntahan. Dalawang buwan na lang ay pauwi na ako para magbakasyon sa Pilipinas. Ilang araw na lang bago ako muling magbakasyon pero mukhang napakatagal na ng huli kong entry sa tambayan kong ito.
Paksyet, medyo busy lang ako sa mundo ng mga inidoro. Kung 'di kami gagawa ng mga tataehan niyo ay siguradong babaho ang buong mundo.
Pass muna ako sa mga kuwento ko mula nang umalis ako ng Saudi at mapatambay magbakasyon sa Pilipinas ng halos dalawang buwan. Marami akong kuwento doon pero next time nalang dahil 'di ko pa naayos ang mga pektyurs at stucture ng gusto kong i-share. Espesyal kasi ang mga 'yun na parang pansit palabok na paborito ko.
Nandito na ako sa China kaya simulan natin ang bagong kabanata ng buhay ko sa NAIA Airport. Imposible namang 'di mo napansin ang iyotube player na nilagay ko sa entry na ito. Kaya 'yan ang naisipan kong soundtrack dahil napakaaga ng flight ko paalis ng pinas. Ala-sais ng umaga lang naman. Kung isa kang OFW, alam mong nasa airport ka na dapat two to three hours before ng flight mo. So that means, madaling-araw. Mga alas-tres lang naman kami umalis ng bahay papuntang paliparan.
Kasarapan pa lang ng tulog nila Paul at Xander ang oras ng pag-alis ko sa bahay. Mabuti na rin na tulog sila dahil mas nakakalungkot kung gising sila, hahabol sa akin para sumama at iiyak. Tama ang kuwento ng mga dati kong kasamahan na ang napakahirap humakbang at napakabigat ng katawan mo kapag pansamantala mo nanamang iiwanan ang pamilya mo para bumalik sa trabaho abroad.
Kailangan na naming masanay ng mag-iina ko na ganito ang schedule dahil connecting flight ang biyahe ko lagi sa Hong Kong papuntang Chaozhou. Ito na daw ang pinakamaayos dahil dalawang magkaibang airlines ang sasakyan namin papuntang China.
Okay lang. Konting tiis dahil mas maigsi naman na ang paghihintay kumpara sa isang taon noong nasa disyerto pa ako. At least ngayon, every three months ang uwi para magsama-sama!!
MORNINGS AND AIRPORTS
Sugarfree
Oh honey, I know you’re still asleep
It’s 7:30, you won’t even hear your phone ring
Mornings and airports drive me crazy
I’m Hungry, sleepy, oh so lonely
Wake up soon
By the time you get up I’ll be far away
As the plane warms up I wish that I could stay
Because I belong with you
Oh a day away is just too long
And this shirt I have on is too big for me
But your arms they fit me perfectly
The TV’s on, but no one’s really watching
This hotel room is the last place I want to be in
I wanna sleep and wake up next to you
And then drown in how you make me feel
Like love is something new
Home is where you are
It’s just too far away right now
I wanna stay
Because I belong with you
Oh a day away is just too long
And this shirt I have on is too big for me
But your arms they fit me perfectly
Take me home
Because I belong with you
Oh a day away is just too long
And this shirt I have on is too big for me
But your arms they fit me perfectly
Take me home…