pektyur para sa mga nakaka-miss sa akin
"It's nice to be back!!", ito ang natatandaan kong unang shoutout ko sa FB noong magbakasyon ako sa Pilipinas galing Saudi last August 17, 2010. Ang sarap kasi ng feeling na uuwi ka na sa pamilya mo matapos ang isang taon na paghihintay para sa isang buwan na bakasyon.
Nagpaalam pa nga ako sa mga kautak, ka-dekads, at kabyan ko sa mundo ng blogging. Isang buwan lang ang nasabi kong hiatus na mangyayari pero tumagal ng dalawa. Eh ano ba naman ang pakialam niyo, 'di niyo rin naman ako na-miss!
Taena, ang hirap sabihin ng "It's nice to be back" dito sa entry na ito. Ang pagbabalik ko sa mundo ng pagsusulat ay senyales na balik nanaman ako sa pagtatrabahao. Lintek, hindi sa Pinas kundi sa ibang bansa. Ang hirap dahil malalayo nanaman ako sa aking pinakamamahal na asawa at mga anak. Ang tanging pakonswelo ko lang ay sa ibang kumpanya na ako magtatrabaho. Paksyet ka, ang arte mo eh ang dami ngang walang trabaho sa mundo. Umayos ka na nga.
You say yes, I say no. You say stop, I say go. You say goodbye, I say hello.
Goodbye forty-five-degree temperature na nakakapaso ng balat tagos hanggang buto. Hello weather na malamig na parang nasa Baguio lang ako. Sarap matulog ng nakabukas ang bintana. Itapat mo pa ang electric fan sa'yo habang nakatalukbong ng makapal na kumot. Buti nalang ay 'di ako na-assign na lugar na may snow.
Goodbye shawarma na peyborit ko. Hello naman sa isa ko pang paboritong hot mami na parang luto ng Ma Mon Luk at iba pang mamihan sa Binondo. Goodbye broast, barbecue at lechon manok. Hello peking duck!
Goodbye oil piping construction. Hello ceramics. Actually back to ceramics!
Goodbye Riyals. Hello RMB / Dollars. Goodbye mahabang pila sa mga padalahan ng pera. Hello automatic remittance.
Goodbye isang taon na paghihintay bago makapagbakasyon. Hello Philippines every three months.
Goodbye Red Sea. Hello South China Sea.
Goodbye Arabic. Hello Mandarin.
Goodbye Saudi Arabia.....SIGURO NAMAN AY ALAM NIYO NA KUNG NASAAN NG LUPALOP NG MUNDO AKO NAROROON?
Walang social networks dito. Kaya ako natagalang makabalik sa mundo ng pagsusulat.