Heto na ang pinakahihintay kong araw! Mga katropa, ka-dekads, at kabayan, isang buwan po akong mawawala sa mundo ng blogosperyo upang i-enjoy ang bakasyon ko sa Pilipinas. Susulitin ko ito para maka-bonding ang aming mgachikitings kasama ang aking labs. Ang tanging maisisingit ko lang ay ang trivia challenge kong "Panahon Ko 'To: Pa-Contest ng Bahay Ko!".
Kung medyo natakam kayo sa mga pambatang pinoy street foods na naikuwento ko sa "Tuhog Part 1", mas tatakamin ko naman kayo sa mga pagkaing paborito ng mga matatandang katulad ko!
Kung mayroon akong isa pang lubos na nami-miss sa Pilipinas, ito ay ang mga pagkaing nabibili sa mga lansangan natin. Maraming mga street foods dito sa Saudi tulad ng shawarma pero wala pa ring tatalo sa lasa ng mga tuhog-tuhog ng mga suki natin sa kanto!
kaya mo bang uminom ng gin-tubig na walang kasunod na pulutan?
Unang araw ng Agosto. Heto na ang entry dahil malapit na ang Oktoberfest!
Puwede bang tawaging pulutan ang isang pagkain kung wala namang inuman session?
Natanong ko lang ito dahil naalala ko ang manager namin nang minsang nagyaya akong kumain sa Aling Lucing's sa Buendia sa Makati. Nang umorder ako ng sizzling sisig budget meal ay tinanong niya ako kung bakit 'yun ang kakainin ko. Ang sagot ko lang ay "Paborito ko kasi ang sisig. Kaya nga 'di ba dito ako nagyaya? Alanganin namang umorder ako ng paksyet na fried chicken!". Sinagot naman niya ako ng "Ang weird mo kasi dahil pulutan ang sisig tapos gagawin mong lunch!". Sana ay may libreng sabaw ng papaitan para lalo siyang naguluhan!
Welcome to the Arena
-
*galing dito ang larawan*
*"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga libu-libong Pinoy na naglakbay
patungong Philippine Arena para makita ang GN'R."*
...
Twinkle, Twinkle Little Rockstars
-
Tatay's big surprise for the Kulilits is a brand new junior drumset he
bought from RJ Guitars. My husband wants our kids to learn how to play the
drums b...
Ang's Residence
-
A renovation project for Ms Tess Ang - Boy's Rooms 1 and 2, Family Area,
Office, and Master's Bedroom.
BEFORE... The Family area is dark and cluttered. ...
Epal
-
*"=== MgaEpal.com ==="*
Isa sa mga paboritong salitang-kanto nating mga Pinoy ay ang "EPAL".
Maraming ibig sabihin ang salitang ito at ang implikasyon kap...