Tuesday, April 26, 2011

Paalam at Salamat

View Comments



Bilog ang mundo. Kaya nga may apat na sulok ang daigdig. 

Sa isang taon at anim na buwan ng aming tambayan, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga masugid na nakikibasa sa mga walang kakuwenta-kuwenta kong mga isinusulat. Ang madalas niyong pagdalaw dito ang nagpasya sa aming munting tahanan.

Salamat kay Loy na kasama kong nagsimula nitong blog para sa mga katulad naming OFW's.  

Salamat sa PEBA at PBA. Isang karangalan para sa amin ang maging isa sa mga nominado sa inyong patimpalak.

Salamat Definitely Filipino sa pag-link mula sa inyong datkom papunta sa mga entries namin dito.

Salamat sa lahat ng mga nakalimutan naming pasalamatan.

Paalam at Maraming Salamat sa inyong lahat. Ito na po ang huling entry para sa blog na ito.

Bilog ang mundo. Kaya nga may apat na sulok ang daigdig.

Sunday, April 17, 2011

Paalam Tita Maggie

View Comments

kuha kasama si Tita Mags (naka-striped shirt) noong ika-31 na kaarawan ko







kuha kasama si Tita Mags (nakahawak sa balikat ko) noong kasal namin ni Supernanay

Paalam Tita Maggie. 

Alam kong mas masaya ka na ngayon sa piling ni Lord. 

Bilib ako sa tibay mo sa lahat ng mga pagsubok na dumaan. Kahit na gaano kahirap ay nakuha mo pa ring ngumiti para ipakita sa amin ang iyong pagiging matatag.

Sorry sa lahat ng mga naging pagkukulang namin.

Salamat sa lahat ng mga tulong na ibinigay mo noong mga panahong kami ay nangangailangan. Salamat sa lahat ng mga pangaral. Salamat sa pag-aaruga. Salamat sa lahat ng maliligayang araw na nakasama ka namin. 

Hindi ka namin malilimutan. We will miss you. We love you!

Thursday, April 14, 2011

Wanna Beth

View Comments


Somewhere in Cubao, sa isang waiting shed habang nagyoyosi.....

Pare 1: P're, nabalitaan mo ba 'yung tatlong Pinoy na binitay sa pamamagitan ng lethal injection sa 
             China?

Pare 2: Oo p're, nakakaawa nga 'yung mga kababayan nating 'yun dahil kailangan lang naman 
             nilang kumita ng pera kaya napilitan silang maging drug mules.

Pare 1: Eh 'di alam mong si Beth Tamayo 'yung babaeng binitay doon? 


Pare 2: P're, okay ka lang ba? Si Elizabeth Batain 'yung babaeng tinutukoy mo!

Monday, April 4, 2011

April Fooled Day

View Comments


Sa kasagsagan ng panibagong kontrobersiya ni Willie Revillame ay napilit ko si Sir Ben ng Definitely Filipino na ilathala ang entry kong "Idol Ko Si Willie" sa kanilang page bilang isang April Fools' Day entry. Marami akong napatunayan sa pagkakataong ito at isa sa pinaka-major, major ay ang kasikatan ng host ng Willing-Willie. Mixed siyempre ang mga reactions dahil nahahati ngayon ang bansang Pilipinas sa "anti" at "pro" sa usaping "child exploitation" na napanood sa national teevee.

Monday, March 21, 2011

400

View Comments

siyempre dapat ay may ganitong kodak moment

Heto ang totoo...ang pinakamatandang unibersidad sa Asya ay ang UST. Peksman, mas matanda pa nga ito sa Harvard University ni Uncle Sam. Noong January 28, 2011 ay idinaos ng UNIVERSITY OF SANTO TOMAS ang kanilang Quadricentennial Celebration o ang pagdiriwang sa paggunita ng 400th Founding Anniversary. Ito ay ipinagdiwang hindi lang ng mga alumni at mag-aaral kundi pati na rin ng buong Pilipinas.

Thursday, March 10, 2011

Eksena sa Pila

View Comments


Paborito kong kumain sa resto ni Giant Bubuyog dahil bukod sa affordable ang kanilang mga meals ay talaga namang langhap-sarap. Loyal ako sa kanya mula pa noong pagkabata at alam kong halos lahat ng Juan Dela Cruz ay ganun din. Kaya naman walang araw na hindi mahaba ang pila sa kanilang mga branches. Minsang nagwala ang mga sawa sa aking tiyan ko ay naisipan kong dumaan sa kainan nila upang lumamon. As expected, puno ng sangkatauhan ang malufet na Jollibee. Ang pila sa counter ay pangbox-office hits kaya wala ka na halos makitang bakanteng lamesa. Ganun pa man ay pumila pa rin ako para maka-order ng Chicken Joy. Sa harapan ko ay may isang babaeng umagaw ng atensyon ko. May kasama siyang boyfriend (nya yata) na pinapagalitan niya dahil ang haba-haba daw ng pila at ang bagal-bagal ng service. Ok lang sana kung sila lang ang nakakarinig kaso parang nakalunok ng megaphone 'yung babae kaya lahat ng nandoon ay rinig na rinig siya.

Wednesday, March 2, 2011

KasaySalita

View Comments



Back to China. Trabaho nanaman.

Bago ako umalis ng Pilipinas ay naikuwento ko kay misis na may bago akong blog site na gagawin. Trip ko lang dahil masakit sa ulo kapag hindi mo maibahagi sa ibang tao ang mga gusto mong ipahayag. Medyo pa-trivia ulit ito tulad ng NoBenta.

Wednesday, January 5, 2011

Kong Sing Bao Sa

View Comments


Noong nasa Pilipinas pa ako nagtatrabaho, medyo naiinggit ako sa mga empleyadong ipinapadala ng aming kumpanya papuntang China para mag-training. Una, siguro ay pangarap ko sa buhay ang makasakay ng aeroplane. Pangalawa, gusto ko talagang makapag-tour around the world. Pangatlo, 'yung dalawang naunang reasons pa rin ang reason ko.

Kapag nakauwi na ang mga masuswerteng nilalang ng aming company ay nagtataka naman ako sa kuwento nila. Ayaw na daw nilang bumalik doon para lang mag-aral ng isang buwan.

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker