Sa kasagsagan ng panibagong kontrobersiya ni Willie Revillame ay napilit ko si Sir Ben ng Definitely Filipino na ilathala ang entry kong "Idol Ko Si Willie" sa kanilang page bilang isang April Fools' Day entry. Marami akong napatunayan sa pagkakataong ito at isa sa pinaka-major, major ay ang kasikatan ng host ng Willing-Willie. Mixed siyempre ang mga reactions dahil nahahati ngayon ang bansang Pilipinas sa "anti" at "pro" sa usaping "child exploitation" na napanood sa national teevee.
As of this writing, may 3,534 views na ang entry ko sa DF. Taena, ito na ang pinakamarami kong views sa entry na naisulat ko sa tana ng aking buhay bilang isang blogger! Marami rin ang nagkomento at may ilang 'di ako malilimutan hanggang bukas.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng isang ito. Siguro ay nakita nya ang pahabol ko sa paghingi ko ng suporta sa 12th Philippine Web Awards. Naku, hindi ito isang hidden agenda. Lantaran po akong nagmamakaawa na iboto niyo ang walang kakuwenta-kuwenta kong blog na NOBENTA!
Ito namang dalawang magkasunod na comments ay galing sa iisang tao. Napuna niyang maraming idiots sa mundo. Hindi ko alam kung papuri ba ito o sarcastic comment lang.
May isa namang nag-comment na hindi daw nakakatawa ang entry ko. Eh hindi naman talaga ako nagpapatawa. Ano ba sa Tagalog ang "fool"? Nabara siya tuloy ng reader na nakapunang maraming idiots sa mundo. Pero paksyet, 'di ko naintindihan ang pinapauso niyang salitang "talangkanizing". Malufet ka ate! Atsaka bakit naman ako maglalagay ng advance notice sa isang April Fools' Day entry, 'di ako ang nagmukhang tanga?
Si ateng nakapuna na maraming idiots, mukhang naghahanap ng away sa ibang mga readers na nakabasa ng laman ng buong entry.
Ito namang isang obvious na supporter ni Will ay obvious ding hindi nagbasa. Kumuha pa naman ng moment para sa kanyang remarkable comment. Soplak sa isang reader na mukhang naghahanap rin ng away.
May nagsabi naman na hindi daw kathang-isip ang naisulat ko. Maaaring mali nga ako sa terminong ginamit pero hindi ko alam kung paano niya kinuha ang percentage ng positive at negative na laman ng entry ko. Obvious din na hindi blogger ang nag-comment dahil pati ang pag-e-effort ko sa pagsusulat ay pinapakialamanan niya. Wala pong blogger ang hindi nag-iisip at nagbibigay ng effort sa kanyang sinusulat.
May mga Pilipinong gagawin ang lahat basta makapag-English lang. Ewan ko ba kung bakit may pinanganak na mga mahilig magpasiklab kahit na wrong spelling o wrong grammar naman. Buti nalang ay 'di naging "pluck" ang word na tinutukoy niya.
Heto pa ang isang "interesting" comment. Nice one.
Hindi po ako demonyo. Baka 'yung mga nagpapasikat sa itaas na baluktot ang dila ang tinutukoy nitong isang nag-comment. Pero on the lighter side, isa itong magandang reminder na hindi dapat pagpapasikat ang laman ng mga blog entries.
May mga taong siguro ay nakukulitan at naaasar na sa mga nabubuwisit sa entry kahit di naman nagbasa kaya naglagay na ng "spoiler alert" sa kanyang comment. Sad to say, parang hindi rin nabasa ng karamihan ang mga sinabi niya!
Likas na sa ating mga Pilipino ang pakikisawsaw sa mga usapin na hindi man lang inaalam ang usapan. Kadalasan ay nakikigaya lang tayo sa pananaw ng mga nakakarami. Kapag tinanong mo ang dahilan ay 'di naman makapagpaliwanag. Sa tunay na buhay, dapat ay marunong tayong magbasa bago gumawa ng mga bagay-bagay tulad ng pagkokomento. Parang sa mga exams lang 'yan kung saan madalas nating marinig sa ating mga teachers na "Read the instructions carefully!". Subukan mong mag-fill-up ng PRC application form na gamit ang blue ballpen, tingnan natin kung 'di ka mapagalitan o mamura ng matataray na tagakuha sa counter.
Buti nalang ay nandoon sa DF thread si Poldo (salamat sa suporta, parekoy!) para soplakin lahat ng SKIP READERS!!